15years later Chateau Paris/Collins:
"Cheers!!" sabay naming hiyaw ng barkada ko habang napapaindak na sumasabay sa tugtugan dito sa bar ng kaibigan kong si Dwight Axelle Madrigal. Ang solong anak ng ninang Janaeya at ninong Dwayne Madrigal ko. Matalik ding kaibigan nila mommy at daddy.
"How's life dude?! Mukhang iba na naman ang girlfriend natin ah" tudyo nito na nakangising aso sa akin. Napailing na lamang akong muling tumagay sa baso ko.
"Wala akong tinuturing na girlfriend Ax, you know me. Binabayaran ko ang mga kinakama ko dahil para sa akin? Mga p*ta lang silang naghahabol sa pera at katawan ko kaya ....ibinibigay at pinapamukha ko lang ang mga motibo nila" napahalakhak naman ito sa sinaad kong muling nagsalin sa baso ko at sabay uminom.
"Ibang klase talaga ang bunso ng mga Montereal eh huh?" tudyo pa nito na naiiling. Napakibitbalikat lang naman ako.
"Ikaw ba? Sino na naman ang pinagpaparausan mo ngayon?" balik kant'yaw kong ikinasamid nito at sunod-sunod napaubong ikinahalakhak ko.
"Damn Collins! Ang sakit sa ilong" reklamo nito dahil tumulo nga sa ilong nito ang alak na nakasamid dito. Tatawatawa kong hinagod-hagod ito sa likod na patuloy sa pag-ubo.
"Wala ah, sa penthouse tayo ng mga ate mo matutulog ngayon huh?" anito ng makabawi-bawi at muling nagtagay. Napapailing na lamang ako dito. Panigurado kasing gusto lang niyang magpapansin sa ate kong noon pa man ay may lihim na itong pagtingin. Manhid nga lang ang ate ko na hindi nahahalata kung bakit laging nambubweset si Axelle sa kanya. Si ate Cathleen. Sila nila ate Catrione at Charrie ang kasama kong lumipat noon dito sa Paris mula ng mabalitaan kong wala na ang mga tinuring kong mga kaibigan. Mabuti na lamang at pumayag sina mommy at daddy na lumipat ako ng Paris para na rin makalimot sa nangyari sa mga kaibigan ko. At syempre, kasama sina yaya Elsa at manong Edgar na siya pa rin namang nakatoka sa pangangalaga sa akin. Nakakatuwa nga na sila din ang nagkatuluyan kaya para na kaming isang pamilya sa penthouse ko. May sarili kaming penthouse nila yaya pero katabi lang ng penthouse nila ate Cathleen kasama si ate Catrione at Charrie.
"Magpapainit ka lang naman ng ulo ng pusa doon" ismid kong ikinailing at tawa nito. Nagniningning pa ang mga mata na mabanggit lang si ate Cathleen sa usapan tsk. Ayaw pa kasing magpakatino at umamin kay ate ng hindi nahihirapang pasimpleng nangbubweset para lang makuha ang attention ni ate. Mainit kasi lagi ang ulo ni ate Cathleen dito. Paano eh lantarang katulad ko'y kaliwa't kanan din ang babaeng naghahabol dito. Idagdag pang laging inaasar si ate kaya banas na banas si ate dito kahit nga masulyapan lang ang mukha nito ay nasisira na ang magandang mood ng kapatid ko.
"Ewan ko ba sa ate mong 'yon. May gusto yata sa akin ayaw pang umamin" napapahimas sa babang saad nito. Nabatukan ko tuloy sa pangangarap niya ng gising. Tatawatawa naman itong napapakamot ng batok.
"Siraulo hindi ka papatulan non" pambabara kong ikinasimangot nito.
"Ako ang hindi papatol sa kanya nuh, napakasadista ng ate mo sa akin. Lagi na lang niya akong kinakalmot" napangisi akong muling binatukan ito ng matauhan.
"Aray naman! Nahahawa ka na rin sa ate mong sadista huh" reklamo pa nito.
"Para matauhan ka. Sira ka talaga, ako pa ang lokohin mo eh kilalang-kilala ko ang likaw ng bituka at mga balunbalunan mo" napabungisngis itong naiiling sa pambabara ko. Magkababata kami ni Axelle, kaedaran ko rin siya. Siya ang sunod kong naging matalik na kaibigan matapos mawala sina Bagyo na una kong naging kaibigan. Pareho din kasi kami ng mga hilig nito kaya, magkasundong-magkasundo kami sa lahat ng bagay.
MAG-UUMAGA NA ng makauwi kami ng Heaven's palace kung saan ang penthouse namin. Pagewang-gewang pa kaming inaakay ng mga bodyguards namin sa sobrang kalasingan. Lalo kaming nahihilo ng sumakay na kami sa elevator at nagsimulang umakyat ng mabilis! Nasa 990th pa kasi ang floor ng penthouse namin kung saan ang pinakamahal na lugar dito sa buong building.
Napangiwi na lamang ako ng hindi na nakapagpigil si Axelle at tuluyang nasuka dito sa loob ng elevator!!
"Damn Axelle! Ang baho ng suka mo!" hiyaw ko ng maamoy na namin ang baho ng suka nito kaya maging ako'y naduduwal na rin at nagsuka!
"Pashensya na" lasing nitong sagot na patuloy sa pagsuka! Pati tuloy ang mga bodyguards namin ay naduduwal na dahil naghahari dito sa loob ng elevator ang suka namin ni Axelle!
Pagbukas ng elevator ay halos bitbitin na nila kami sa lalo naming panghihina ni Axelle! Sanay naman na ang mga bodyguards namin na iniuuwi kaming lasing kaya hindi na naiilang ang mga itong umalalay sa amin.
"Sa kabila" inaantok kong utos ng akmang sa penthouse ko nila kami itutuloy. Paniguradong sasabunin na naman kasi ako ni yaya na mag-uumaga ng umuwi at halos hindi makatayo sa kalasingan.
"Yes young master" magalang sagot nito at inakay kami sa kabilang pinto.
Pagbukas ng pinto ay niluwal non ang kunotnoong magandang ate Catrione ko.
"Collins!? Dwight?! Gosh lasing na naman kayo!!" bulalas nito na niluwagan ang pinto.
"Good evening sa napakagandang kitty ng buhay ko...opppsss good morning pala kitty" nakangising saad ni Axelle na pinitik ni ate sa noo.
"Siraulong Madrigal! Ipasok niyo na nga ang mga 'yan mga kuya, ibalibag niyo huh? Nang mahimasmasan!" pagmamaldita pa nito.
Napapayuko pa ang mga bodyguards naming nakaakay sa amin ni Axelle na halos hindi na maitayo ang mga paa.
"God!! Collins lasing ka na naman at ikaw Madrigal!? Pasimuno ka talaga! Gusto mo bang ilaglag kita sa balcony huh?!" bulyaw ng isa pang pusa na mainit lagi ang ulo sa kaibigan ko.
"Morning ate kitty, hwag nga kayong manigaw. Ang sakit sa tainga" paglalambing ko na nanghihinang napahiga sa mahabang sofa.
"Misis ang datingan mo ah kitty, para kang misis kong tinatalakan akong maagang umuwi. Este maaga nang nakauwi hehehe hik. hik." natatawang saad ni Axelle na napapasinok pa sa kalasingan. Nasipa tuloy ni ate Cathleen ang paa nitong ikinadaing nito.
"Baliw!" ismid ni ate Cathleen dito. Lumapit na rin si ate Catrione sa akin na may dalang maligamgam na tubig at face towel. Hinayaan ko lang ito ng napapangiwi pang isa-isang tinatanggal ang pagkakabutones ng polo ko dahil nabasa rin ng suka ko kanina ang damit ko.
"Collins naman, magpakatino ka nga. Pinapasakit mo ang ulo ni yaya Elsa sa katigasan ng ulo mo eh" mahinahong sermon nito habang pinupunasan na ako.
"Hay nako sis, matino ang bunso natin. Kung wala sa paligid ang Madrigal na 'to! Ampon lang yata ito nila tita Naeya eh! Nakakapagtakang may anak sila ni tito Dwight na tulad ng Dwight na 'to!" pasaring pa ni ate Cathleen na pinupunasan na rin si Axelle sa tabi ko.
"Ang harsh mo naman sa'kin kitty ko hik." lasing na sagot ni Axelle at halatang inaantok na rin.
"Hwag mo nga akong matawag-tawag na kitty mo. Kinikilabutan ako!" pagmamaldita pa nitong ikinahagikhik lang ni Axelle. Sanay na kaming laging may gyera kapag pinagsama ang dalawang 'to. Isang alaskador, at isang mainitin ang ulo kaya walang araw na magkasundo ang mga ito.
"Baka kinikilig kamo hehehe" pang-aasar pa nitong ikinahagikhik namin ni ate Catrione.
"Kapal mo" ismid ni ateng patuloy lang sa pang-aasikaso dito na may kasamang padabog.
"Pahinga ka na bunso, gusto mong ilipat kita" napangiti ako sa malambing kong ate na maasikaso pa.
"Salamat ate, dito na lang kami" tumayo na itong niligpit ang oinanglinis sa akin maging ang polo, pantalon at sapatos ko.
"Good mor-night Collins, tulog na" anito na humalik pa sa noo kong hinaplos ako sa ulo na lalo kong ikinatangay sa antok.