Rain:
BAGSAK ANG balikat kong lumabas ng opisina ni sir Collins. Kung kailan naman nakapagdesisyon na akong mag-resign ng trabaho at planong sa ibang hospital na lang magtrabo saka naman niya tatanggihan ang resignation ko? Ano bang problema niya? Eh lagi namang mainit ang ulo niya sa akin kaya hindi ako komportable dito sa hospital kapag nandidito siya. Lagi na lang akong pinapahiya sa mga katrabaho ko. Ni hindi nga niya iniisip kung nasasaktan na ako sa trato niya. Alam naman naming ibang-iba siya sa mga kapatid niya lalo na sa mga magulang nila kaya lahat kami dito sa hospital ay natatakot magkamali kapag nandito siya dahil kahit konting mali mo lang ay sasabunin ka niya at ipapahiya sa lahat.
"Okay ka lang bes?" umiling akong matamlay na pumasok ng station namin. Break time naman ng ibang kasama namin ni Karen. "Bakit? Pinagalitan ka na naman ba ni president?" pabulong tanong nito. Napahinga ako ng malalim na naupo sa tabi nito.
"Hindi niya tinanggap ang pagre-resign ko" namilog ang mga mata nitong napatutop ng palad sa bibig. Mapait akong napangiti at iling. "Bweset talaga ang Montereal na 'yan eh. 'Di pa kasi bumalik sa kung saang lupalop ng mundong pinanggalingan. Nakakabanas na. Sagad na sagad na ang pasensiya ko sa kanya. Akala yata eh porke't siya ang may-ari ng hospital pag-aari na rin niya ang mga tao dito" nagpupuyos kong saad. Napakuyom ako ng kamao na maalala kung gaano ito kahigpit lalo na sa akin na mukhang personal ang pinaghuhugutan.
Tama nga si kuya Typhoon. Pag-iinitan lang ako dito ng Collins Montereal na 'yon dahil sa sapilitan nilang pagpapakasal ni ate Catrione. Bakit hindi na lang kasi niya tanggapin ang lahat? Sa kayaman lang naman natatalo si kuya Typhoon kumpara sa mga nakapaligid kay ate Catrione na mga nagkakandarapa sa kanyang mapangasawa ito. Kung tutuusin ay panalo na si ate Catrione sa kuya Typhoon ko dahil na kay kuya na ang lahat ng katangian ng lalake na hinahanap ng isang babae.
Maalaga, maunawain, masipag, mabait, tapat, marespeto, higit sa lahat ay buong-buo kung magmahal. At kung itsura naman ang pagbabasehan ay may maibubuga din naman ang kuya ko. Nakuha namin kay nanay ang pagka-singkit ng mga mata namin. Kahit ang kinis at kaputian ng kutis nito na isang purong korean ay sa kanya namin namana. Kay tatay naman ang magkabilaang malalalim naming biloy sa pisngi. Natural ding matangos ang ilong namin dahil matangos si nanay at tatay. Professional din naman si kuya na isang police captain sa murang edad niya. Matikas, at malakas ang dating lalo na kapag naka-uniporme ito ng pang-pulis. Tanggap din siya ng pamilya nila ate Catrione para dito. Maliban lang kay Collins na hindi pa nakaka-moveon sa issue na 'yan. Kaya naman maging ako ay dinadamay sa personal na galit kay kuya Typhoon.
MAGHAPON KONG ginugol ang sarili sa trabaho. Kaysa magmukmok at damdamin na naman ang pagtanggi ni sir Collins sa resignation ko. Akala ko pa naman matutuwa ito at agad pipirmahan 'yon para mawala na ako sa paningin pero nagkamali ako.
"Rain?" natigilan ako nang may tumawag sa akin mula sa likuran ko.
"D-Doc Devon" alanganin akong ngumiti dito na sinabayan na akong lumabas ng lobby nitong hospital. Napakalapad ng ngiti nitong animo'y walang kaproble-problema sa buhay. Napakaaliwas din ng gwapo niyang mukha na lalong ikinagwapo at amo ng mukha nito.
"Pauwi ka na ba?" tumango akong pilit ngumiti. "Good, ihahatid na kita. Montereal's Condominium Building right?" nagtataka man ay ngumiti at tumango na lamang ako dito na alam kung saan ako nakatira.
Pero natigilan ako nang pagdating namin sa parking lot nitong hospital ay mabungaran si sir Collins na nakasandal sa harapan ng pulang sportscar nito. Nakapamulsa at salubong na naman ang kilay. Nanunuot hanggang buto-buto ko ang matiim nitong pagtitig na parang may mali na naman akong nagawa sa kanya.
"Hop in" maawtoridad nitong saad na binuksan na ang pinto ng kotse nito. Nagkatinginan kami ni Doc Devon dahil kaming tatlo lang naman ang tao ngayon dito sa parking. "Del Mundo!!" napapitlag ako sa pagsigaw nito sa loob ng kotse at sunod-sunod bumusina!
"Ahm, Doc. .. nexttime na lang po" natatarang paumanhin ko dito na ikinangiti lang nito at hinaplos ako sa ulo.
"Yeah sure Rain. Marami pa namang--" namilog ang mga mata ko nang bigla na lamang akong naiangat sa ere at iglap lang ay nakabitin na ako patiwarik!
"Collins!!" hindi ko na napigilang masigawan ito na isinampay lang naman ako sa balikat na parang paslit.
"Shut the f*ck up!" bulyaw din nito na pinalo ang pisngi ng pangupo kong ikinalunok at init ng pisngi ko! Pabalang pa akong ipinaupo sa kanyang front seat at sinuotan ng seatbelt. Pigil-pigil ang hininga ko dahil nakadikit na ang pisngi nito sa tongki ng ilong ko habang kinakabitan ako ng seatbelt.
Napaiwas ako ng tingin dito nang dahan-dahan nitong iniharap ang mukha kaya tumatama na sa aking mukha ang mainit at mabango nitong hininga. Napangisi itong pumisil sa baba ko paharap dito.
"O-Okay na S-Sir" bahagya ko itong itinulak sa dibdib palabas pero hindi manlang gumalaw. Nananatili itong nakatitig na halos magsagian na ang mga labi namin! Dama ko ang sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko sa posisyon namin lalo na't nakakatupok ang lagkit na pagtitig nito!
"Not yet honey" paanas nito na bigla na lamang sinunggaban ang mga labi kong ikinamilog ng mga mata ko at nanigas sa kinauupuan! "Para kang natuod ah. Why? First time hmm?" tudyo nito na naghahabol hininga sa ilang minuto nitong paniniil sa mga labi kong salitang hinihigop! Parang nangangapal na nga ang mga 'yon sa tindi niyang humigop na akala yata ay sabaw ang laway ko!
Napairap ako ditong napahalakhak lang kaya tumatama sa mukha ko ang hininga nito. Langhap ko din ang gamit nitong mint sa mga labi na napakasarap sa pang-amoy! Napailing itong dahan-dahang napakagat ng ibabang labing ikinatitig ko doon. Ramdam ko ang paggapang ng kakaibang init sa mukha ko na mapatitig sa mga labi nitong may kanipisan at namumula-mula. Napapikit ako nang dahan-dahan nitong inilapit muli ang mukha. Maya pa'y napahagikhik itong ikinamulat ko at hiyang-hiya na inilapit lang ang mukha at matamang nakatitig sa aking napapikit sa pag-aakalang hahalikan niya ulit ako!!
"Later honey" bulong nito na sinadyang kagazin ang dulo ng tainga kong ikinakislot at singhap ko sa kakaibang kuryenteng nanggagaling mula doon na kumalat sa buong pagkatao ko. Napakindat pa itong marahang isinara ang pinto bago umikot sa kabilang side nitong kotse.
Napapalunok ako habang nasa kalagitnaan ng highway. Ramdam ko ang tila may mga kabayong nagkakarerahan sa dibdib ko lalo na nang mapansin kong iba ang tinatahak naming daan!
"S-Sir bababa na po ako" tarantang saad ko na akmang tatanggalin ang seatbelt ko nang hawakan nito ang isang kamay ko at mahigpit pinag-intertwined ang mga 'yon! Nanigas ako dahil parang may kuryenteng hatid ang palad nitong ngayo'y nakadakma sa kamay ko. Sa laki ng kamay nito ay para lang kamay ng paslit ang kamay ko. Lalo tuloy nagkakarambola ang pagkabog ng dibdib ko na hawak ko ang kamay nito!
"S-Sir--" napatikom ako ng bibig nang mas humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko. Hindi na lamang ako umimik at sa labas ng bintana ibinaling ang paningin.
NAKAHINGA AKO ng maluwag na sa mansion naman pala nila ang punta namin. Saka ko lang nakitang nandidito na rin sila kuya at tatay. Kami na lang ni sir Collins ang hinihintay. Kaya naman pala naghintay siya sa parking kanina.
"Ulan anak! Buti naman nandito na rin kayo" nanigas akong natigilan na makita dito si nanay.....Elsa!??
"N-Nay....b-bakit kayo nandidito--" natigilan akong napalunok at parang nabuhusan ng nagyeyelong tubig nang may mapagtanto sa isip! "H-Hindi...." nag-alpasan ang luha kong.....napatitig kay Collins na matiim na ring nakatitig sa akin. Ngayon ay ibang-iba na ang mga mata nito. Napakalamlam at nangingilid ang luha! "A-Anong ibig sabihin nito...? i-ikaw...--"
"Ulan, I'm-I'm sorry. I didn't recognize you. Or even your brothers. I'm sorry for everything I've done" tuluyang tumulo ang luha nitong humakbang palapit sa akin na natuod na sa kinatatayuan! Dama ko ang bilis na pintig ng puso ko at ang panginginig ng buong katawan ko. Napatingala ako dito ng ikulong nito ang mukha ko sa dalawang palad nito. "I'm really happy to see you again......Ulan"
"Coyens"