Chapter 13 Pagtanggi

1385 Words
Collins: ILANG LINGGO NA din ang lumipas magmula nang ako ang naging president ng hospital namin. Minsanan na lang din akong nagtutungo doon kapag may importanteng meeting lang kami. Hindi ko alam pero naiinis lang ako kapag nandon ako at nakikita doon ang babaeng kinaiinisan kong makita. Ang nakababatang kapatid ni Typhoon. Ang nurse na si Rain. "What's up dude!" napangiti akong tumayo mula dito sa highchair sa gawi ng counter at nakipag-goose-bump kay Dwight na bestfriend ko. Kababalik lang din nito ng bansa kaya nagkita na muna kami. Huling kita pa namin noong nasa France kami nito kaya nakakamiss din ang gâgo. "Eto buhay pa dude" natatawang sagot kong ikinatawa at iling nito. Magkaakbay kaming naupong muli sa highchair at um-order ng whiskey na shot ko. "Wala ka na bang planong bumalik ng France?" napakibitbalikat lang ako na ininom ang shot ko. "I'll stay here for a while. Isa pa, dito na rin maninirahan sina ate at dito gusto nila nanay at tatay kaya pagbibigyan ko na lamang sila" napanguso naman itong matiim na nakatitig sa akin. HALOS HATINGGABI na nang lumabas kami ni Dwight ng bar. Pagewang-gewang pa kami dahil naparami ang nainom sa sarap ng kwentuhan namin. Napapailing na lamang ako na sumama pa ito sa akin pauwi ng unit ko. Paniguradong kukulitin lang naman niya si ate Cathleen dahil magkatabi lang ang unit namin sa Montereal's Condominium Building kung saan ako tumutuloy kapag ayaw kong umuwi ng mansion dahil dalawang ilaw ng tahanan lang naman ang mangsasabon sa akin kapag doon ako umuuwi ng lasing. Si nanay Elsa at mommy Liezel. "Collins? Dwight?" gulat ang rumihistro sa magandang mukha ni ate Cathleen na mabungaran kaming dalawa ni Dwight sa pinto ng unit nito. "Ate" "My kitty" panabay naming paglalambing ni Dwight pero pinaningkitan lang kami nito na humalukipkip. "What are you doing here huh? Hanggang dito ba naman Dwight ginugulo mo si Collins?" inis na singhal nito na kay Dwight nakatitig. Napapangiti lang naman ang mokong na halatang nagpapa-cute lang kay ate tss. Hindi pa kasi umamin. Ang torpe. "Kitty naman, won't you let us in?" malambing tanong nitong pagak na ikinatawa ni ate na napailing. "No. Dun kayo sa kabila" pagmamaldita nitong sinaraduhan kami ng pinto. Nagkatinginan kami ni Dwight at nagkatawanan na lamang na nagtungo sa kabilang unit kung saan ang unit ko. "Ang suplada talaga" "Mabait 'yon. Pwera sayo" natatawang saad kong ikinangisi at kamot nito sa batok. "Kursunada siguro ako ni Cathleen dude. Lagi siyang may regla pagdating sa akin eh" tinaasan ko ito ng kilay habang ini-in-code ko ang password. Ngingisi-ngisi naman itong napapahimas ng baba. Napailing na lamang ako. "Sira ulo. 'Yong kuya mo ang kursunada non" pambabara kong ikinapalis ng ngisi nito. "Tsk. Ano namang nagustuhan niya sa taong gubat na 'yon. Ni hindi nga makausap ng matino" bakas sa tono nito ang pagkairita. Pabagsak kaming nahiga sa magkabilaang sofa dito sa sala. "Siguro dahil....hindi siya ikaw. Pero, hwag ka namang mainis sa kuya mo dude. Kita mo naman ang sitwasyon niya" napahinga lang ito ng malalim na nakangusong sa kisame nakatitig habang nakadantay ang braso sa noo. "Ayoko sa kanya. Pakiramdam ko kinukuha niya lahat sa akin Collins. Hindi ko na nga nakuha ng buong-buo ang pagmamahal ng mga magulang ko lalo na si mommy Naeya. Tapos ngayon magbabalik siya? Dahil sa kanya na-depressed si mommy ng higit dalawang dekada dude. Ni hindi ko nakaka-bonding si mommy dahil nagmumukmok lang ito sa buong buhay niya dahil sa pagkawala ni Ethan. At ngayon babalik siya?" may halong pait sa tono nito na bakas ang pagka-dis-gusto sa nakatatandang kapatid. Naiintindihan ko naman ang pinaggagalingan ni Dwight. Katulad ko ay hindi ko rin naman nakaka-bonding si mommy Liezel habang lumalaki ako. At dahil 'yon sa mga kapatid ko. Mula pagkabata ay 'di hamak na mas pinagtutuunan nila ng pansin ang quadro at si Charrie kaysa sa akin. Kaya nga pinili kong lumayo na lamang para iiwas ang sarili ko sa kanila. Tanda ko pang kahit nasa abroad ako ay kahit lagi akong napapasabak sa gulo. Nabubugbog. Naranasan ko pa ngang hinuli ng pulis dahil sa pakikipagkarerahan ng illegal. Pero lahat ng pagpapapansin ko kina mommy at daddy ay wala din. Hindi pa rin nila ako binibigyan importansya dahil palaging si nanay Elsa at tatay Edgar na lamang ang umaasikaso at umaayos ng mga gusot na pinapasok ko. Kapag ako ang nagkakasakit. Dinadala sa hospital. Wala sina mommy at daddy sa tabi ko. Pero kapag ang quadro na nila ang nagkasakit? Pupunta at pupuntahan nila sina ate sa France. Kapag kasi nagkakasakit ang isa sa kanila ay nagkakasabayan silang lahat mula pagkabata kaya alam agad nila mommy kapag masama ang pakiramdam nila ate dahil kasama nila dito sa bansa sina kuya Khiranz at Khiro. Magkahiwalay sila ng inaalagaan. Madalas si daddy ang umaasikaso kina ate. Si mommy naman kina kuya. Kaya malayo talaga ang loob ko sa kanila dahil wala silang oras para sa akin. Mas tinuturing pa nga nilang totoong anak si Charrie na adopted child nila kaysa sa akin na sarili nilang anak. Nakakatawa nga eh. Umabot pa ako sa puntong pina-dna test ko ang sarili at kay daddy para makasiguro akong anak nga nila ako kahit na kuhang-kuha ko naman ang mukha ni daddy. At sa huli? Positive ang resulta. Mag-ama kami. Sinubukan ko rin kay mommy. Pina-dna ko ang sample naming dalawa, pero positive din ang result ng test namin. Natatawa na lamang ako sa sarili. Anak nila ako. Dugo't-laman din nila ako. Pero bakit napaka-unfair ng trato nila sa aming magkakapatid? Dahil ba nasa middle child ako? Kaya ang panganay at bunso lamang nila ang mas napagtutuunan nila ng pansin? Akala ba nila dahil may personal na akong yaya na siyang nagsisilbing magulang sa akin mula pagkabata ay hindi ko na sila kailangan? Bakit pa nila ako ipinanganak kung hindi rin naman pala nila ako mamahalin ng buong-buo. Katulad sa pagmamahal nila sa mga kapatid ko. Kaya mas gusto kong lumalayo na lamang sa kanila. Dahil nasasaktan lang ako na nakikita kung gaano nila kamahal ang mga kapatid ko. Maliban sa akin na parang walang halaga sa kanila. Oo nga't binibigay nila lahat ng luho ko ng triple pa sa hinihingi ko. Hindi sila nagkukulang pagdating sa mga material na bahay sa akin. Pero hindi naman kasi iyon ang kailangan ko mula sa kanila. Kundi ang pagmamahal, oras at attention nila. NAPAHINGA AKO NG malalim at pilit nag-focus sa pagsa-sign ng mga papeles na kaharap ko. Ang aga pa pero sumasakit na ang ulo ko dala na rin ng hangover at puyat. Naka-ilang baso na ako ng kape pero hindi magising-gising ang diwa kong inaantok. Napahilot ako ng sentido at sumandal ng swivel chair ko. Kahit pagpipirma lang ang ginagawa ko dito sa opisina ay nakakapagod at bagot pa rin itong gawain sa akin na hindi sanay sa gantong uri ng routine. Sanay akong nasa labas at gumagala kung saan-saan. Pero dahil pinalitan ko na si daddy Cedric dito bilang president ng hospital ay wala akong choice kapag gantong kailangan nila ako dito. "Sir?" napaangat ako ng mukha sa pagkatok sa pinto ng kung sino. "Come in" malamig kong sagot. Nangunotnoo ako na makitang si Rain ang iniluwal ng pinto. Pilit itong ngumiti pero naka-pokerfacer lang akong nakamata dito. "Ahm, magpa-pass lang po ako ng resignation letter ko Sir" lalong nangunotnoo ang noo ko at napatitig sa nakatuping papel na inilapag nito sa mesa ko. "Sige po" sagot nito na napayuko at agad tumalikod. "Stop" pigil ko sa akmang paglabas nito ng pinto. Bakas ang katanungan sa mga mata nito nang pumihit ito paharap. Hindi ko maintindihan ang sarili pero wala sa sariling pinunit ko ang resignation letter nitong ikinamilog ng mga mata nito. "Back to work ms Del Mundo" maawtoridad kong utos dito. Napalunok itong napatitig sa trash can kung saan ko ibinato ang nilukot at pinunit-punit kong resignation nito. "Ahm, Sir--" "No" putol ko sa anu mang sasabihin nito. "Malinaw naman siguro sayo ang sagot ko ms Del Mundo. Hindi ko tinatanggap ang resignation letter mo" lihim akong napapamura sa isip-isip sa naisagot ko dito. Bakit ko ba siya pinipigilan? Mas pabor pa nga sana kung umalis na ito ng hospital ko kasama ang kuya nitong doctor din dito. Pero ngayon naman kung kailan magre-resign ito ay hindi ko mapayagan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD