Chapter 11 Kiss

1527 Words
Rain: MABUTI NA LANG AT hindi malala ang trangkaso ni tatay na naabutan ko. Kaagad din akong tumawag kay tito Cedric at nagpaalam ng ilang araw na leave sa trabaho na pinayagan naman ako. Siya pa lang kasi ang alam ko ang number dahil siya ang dating president ng hospital. At wala akong planong kunin ang number ng bagong president namin. Baka mag-assume pa ang Collins hambog na 'yon na may gusto ako sa kanya katulad ng mga staff sa hospital na napapairit sa tuwing nakikita ito tsk. "Napadalaw ka Kuya?" takang tanong ko nang bumukas ang pinto at niluwal non si kuya Typhoon. "Si tatay?" anito na humalik sa noo ko at iginala ang paningin.. "Nasa kwarto Kuya, nagpapahinga na" tumango-tango naman itong naupo sa couch. Nagtungo ako ng kusina. Naka-uniporme pa ito ng pang-pulis kaya tiyak na hindi pa ito umuwi ng mansion nila ni ate Catrione. Ang ate ni Collins na napangasawa ni kuya Typhoon. "Salamat Ulan" anito ng ilapag ko ang ginawa kong sandwich at kape nito. Napapikit pa itong sumimsim sa kapeng tinimpla ko na napapangiti. "Kumusta ka sa trabaho? Si Collins na daw ang bago niyong president?" usisa nito. Tumango akong pilit ngumiti dito. "Kumusta naman ang trato niya sayo? Baka naman pag-initan ka niya don bunso. Magsumbong ka sa akin huh?" pagpapaalala nitong ikinangiti ko lang. Gusto ko sanang isumbong ang kasungitan ng Collins na 'yon pero....'wag na lang. Kilala ko si kuya Typhoon. Mabait at maunawain siyang tao pero iba kung magalit. Kung 'di nito basagin ang pagmumukha ng Collins na 'yon kapag nagsumbong ako dito. "Pero Kuya!" muntik pang masamid ito sa bigla kong pagdamba dito habang sumisimsim ng kape. Napangiwi akong napabitaw dito at umayos ng upo katabi ito. "Bakit?" anito na bahagyang nagsalubong ang kilay. Nag-aalangan pa ako kung dapat ko bang sabihin na nakita ko si nanay Elsa sa hospital kanina pero napagpasyahan ko na ring sabihin lalo na at naghihintay ito sa sasabihin ko. "Tanda mo si nanay Elsa? 'Yong yaya ni Collins na kababata natin?" nangunotnoo ito lalo na napapilig ng ulo bago marahang tumango. "Kuya, nakita ko siya kanina sa hospital! Nakakatuwa nga dahil nakilala din niya ako" masiglang balita kong ikinaawang ng bibig nito na nanlalaki ang mga mata. "T-Talaga?" tumango ako. Napasabunot ito sa buhok na napapangiti na rin.. "Ano daw ginagawa niya doon?" napalis ang ngiti ko. Ano nga bang ginagawa ni nanay Elsa doon ng ganong oras? Napakibitbalikat ako. "Ewan. Hindi ko na natanong dahil tumawag si tatay. Pero bibisitahin daw ulit niya ako sa trabaho. Saka....alaga pa rin daw niya si Collins hanggang ngayon. Excited na nga akong muling makita si Collins!" napataas kilay itong nanunudyo ang tingin kaya napaayos ako ng upo at pasimpleng napatikhim. "Excited? O kinikilig?" napanguso ako para pigilan ang ngiti ko sa tono ng panunudyo nito. Pinaningkitan pa ako nito na tila nababasa ang totoong nararamdaman ko. "H-Hindi ah, excited lang kaya ako" pagkakaila ko na humalukipkip at bumusangot. "Masaya lang ako dahil magkikita-kita ulit tayo nila Collins" dagdag ko pa na pinanormal ang boses. Napahinga naman ito ng malalim na muling nagkape. "Tingin mo ba Ulan, katulad pa rin siya ng dating Collins na makulit, masayahin at mabait?" makahulugang tanong nitong ikinalunok ko. Bakit nga ba hindi ko naisip ang bagay na 'yon? Possible ngang nagbago na si Collins. "Anong malay natin Kuya?" napakibitbalikat lang naman ito. "Ulan" napalingon ako dito sa pagtawag nito sa akin sa mahaba-haba naming katahimikan na tila nagpapakiramdaman. Napahinga ito ng malalim na napahilot ng sentido. "Iwasan mo 'yong bagong president niyo. Si Collins. Kita kong hindi niya tayo gusto. Lalo na ako na napangasawa ko ang ate nito. Inaalala ko lang. Baka ikaw ang pag-initan non. Ayokong mapahamak ka, dahil sinusigurado ko sayo, makakapatay ako....kapag kayong pamilya ko ang kinanti. Lalo ka na Ulan. Kaya iwas-iwasan mo Ang Collins na 'yon. Kuha mo?" napalunok akong kinabahan sa sinaad nito pero napatango-tango pa rin ako. Tama naman siya, mukhang hindi nga gagawa ng matino ang Collins na 'yon. Nakakapagtaka talaga kung kanino siya nagmana ng kasungitan gayong napakabait at masayahin ng pamilya Montereal lalo na ang mga magulang nito. "Opo Kuya, wala naman akong planong makipaglapit sa kanya" tumango-tango ito. "Silipin ko lang si tatay" anito na tumayo na at nagtungo sa silid ng ama namin. Tumayo na rin ako para iligpit ang pinagkapehan nito at dinala sa kusina. Napabuntonghininga ako habang naghuhugas ng baso. Hindi ko alam pero biglang bumigat ang pakiramdam ko sa babala ni kuya. Marahil ay naramdaman din niya na hindi boto si Collins sa kanya para kay ate Catrione. Nauunawaan ko naman siya. Syempre. Mahirap lang kami at mga simpleng tao kumpara sa kanilang mga hiredero at hiredera. Mapait akong napangiti na iwinaksi na lamang ang naiisip. NAPABALIKWAS AKO nang tumunog ang cellphone ko sa tabi ko. Pupungas-pungas pa akong pilit minumulat ang namimigat kong mga mata. Pasado alasdose na pala ng gabi. Nangunotnoo ako na makitang si Karen ang caller na agad kong sinagot. "Hello bes?" napalayo ako ng cellphone sa tainga na marinig kung gaano kaingay ang kinaroroonan nito. "Bes kailangan ko ang tulong mo" napalunok ako sa narinig. Base sa boses nito ay mukhang lasing na ito at kung hindi ako nagkakamali ay nasa bar ito ngayon. Sa hiyawan pa lamang at tugtugan sa paligid nito ay mahihinulaan mo na. "Bakit? Anong nangyari?" bumangon na ako ng kama at nagtungo ng banyo para makapaghilamos. "Nasa Del Prado's Bar ako. Umiikot na nga ang paligid ko. Pasundo naman bes, hindi ko na kaya" napailing na lamang ako. Mukha ngang lasing na ito sa tono ng boses. "Sige saglitin kita" pagpayag ko. Narinig ko pang napahiyaw ito ng yes na parang batang napagbigyan ng magulang bilhin ang gusto tss. Naghilamos at sipilyo na lamang ako bago lumabas ng banyo. Hindi ko naman ugaling nagpupunta ng bar. Ni hindi nga ako umiinom. Nagsuot ako ng black crop top at tattered black fitted jeans na pinaresan ko ng white sneakers at white cap bago lumabad ng silid. Wala pa si kuya Cloudy dahil gabi ang duty non. Si kuya Typhoon naman ay umuwi na rin. Sinilip ko muna si tatay at nakahingang maluwag na bumaba na ang lagnat nito. Napangiti akong hinaplos ito sa pisngi at humalik sa noo nito. "Labas lang ako saglit Tay. Good night po" paalam ko kahit nahihimbing na ito. Muli akong humalik sa pisngi nito bago tuluyang lumabas ng silid at bumaba ng building. Sakto namang may dumaang taxi na pinara ko at nagpahatid sa Del Prado's Bar kung saan naroon si Karen. Hindi ko mapigilang kabahan habang papasok ng bar. Ngayon pa lang naman kasi ako pumasok sa gantong lugar. At 'di mapigilang mamangha kung gaano kagara ang bar nila tita Liezel. Napapalinga ako sa paligid, napakalawak ng lugar. Marami-rami na ring tao dito sa kahit saang sulok. Napapakamot pa ako sa ulo at problemado kung saang counter naroon ang Karen na 'yon dahil bawat sulok naman dito ay counter. Mukhang nakatulog na ng tuluyan dahil hindi na sinasagot ang tawag ko. Ngunit natigilan ako sa paglakad ng aksidenteng tumama ang ilaw ng disco light sa dalawang pares sa sulok kung saan nakakandong na ang babae sa lalake na hinahalikan nito sa leeg at napapahaplos na kung saan-saan ang palad. Napalunok akong akmang iiwas ang paningin nang tumayo ang mga ito at nagtama ang paningin namin. Biglang sumidhi ang kakaibang t***k ng puso ko sa pagtatama ng mga mata namin. Kahit kitang lasing na ito ay 'di ko mapigilang mapalunok at kabahan. Namumungay na ang mga mata nito habang nakayakap ang babaeng napaka-revealing masyado ng suot. Nakalihis na nga ang damit nito kaya litaw na halos ang isang dibdib. Kahit pilit kong binabawi ang paningin sa kanila ay 'di ko magawa. Natuod lang ako sa kinatatayuan at 'di maiwasang masaktan sa nakikitang hinahalikan siya ng iba. Hindi ko rin maintindihan kung bakit pero....para akong sinasaksak sa puso sa nakikita ngayon. Tumalikod na lamang ako kasabay ng pagpatak ng luha kong agad kong pinalis. Pero siya namang bunggo ko sa kung sinong muntik kong ikawalan ng balanse! "Are you okay miss?" ani ng baritonong boses na nakayapos na sa baywang ko habang inaalalayan akong makatayo ng maayos. "Okay--" "Get your dirty hands off of her" nanigas akong natigilan sa baritonong boses na nagsalita sa likuran ko. Kahit maingay dito ay kabisadong-kabisado ko kung sino ang nagsalita. Napabitaw naman agad ang nakabangga ko kaya unti-unti akong napaangat ng tingin dito. Napakurap-kurap pa ako na makita kung gaano ito kagwapo lalo na at napakalapit ko lang dito! "Collins. Long time no see dude. I didn't know na bumalik ka na rin pala ng bansa" anito na sa likod ko nakamata. Lalong nangatog ang mga tuhod ko at bumilis ang t***k ng puso kong makumpirmang....si Collins nga ang nasa likuran ko. "Tsk" sagot lang nito na hinatak akong payakap ditong ikinamilog ng mga mata ko!! Halos makalimutan ko na ang huminga na nakayapos ito sa akin at sinadyang ipagdiinan ako sa katawan nito! "Leave her alone. She's mine" anitong ikinatingala ko pero lalong nanlaki ang mga mata ko sa pagsalubong nito sa mukha ko ng isang malalim na halik sa....labi!!??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD