Chapter 12 Bagong kakilala

1460 Words
Rain: NANIGAS AKO AT 'di agad nakakilos sa paniniil nitong halos higupin ang buong bibig ko sa tindi niyang humalik! Nang makabawi-bawi ako ay buong lakas ko itong naitulak sa dibdib at hindi namalayang dumapo ang palad ko sa pisngi nitong ikinatagilid ng mukha nito! Nanginginig ang buong katawan kong agad tumalikod at malalaki ang hakbang na lumabas ng bar! Panay ang punas ko sa bibig kong nilamutak lang naman ng Collins na 'yon! Bweset siya! Ni hindi nga ako nagpapahalik kanino man dahil iisang tao lang ang gusto kong makahalik sa akin sa tanang buhay ko. Pagkatapos kukunin niya lang ang first kiss ko ng ganon-ganon lang!? "Hey lady" natigilan ako sa paghawak nito sa balikat ko. Hindi ko napansing sumunod pala siya dito sa labas. "Bitaw" madiing asik ko na hindi ito nililingon. Bumitaw naman ito kaya muli akong naglakad palapit sa kalsada pero humarang ito na ikinatigil kong muli. "Ihahatid na kita, kabayaran sa--" natigilan ito nang magtama ang mga mata namin. Kita ang gulat sa mga mata nito na muli akong pinasadaan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Rain?" kumunot ang noo nito na lumukot ang mukha na makilala ako kaya napataas ako ng kilay dito. "Tabi" madiing saad ko at binangga ito sa balikat. Pagak itong natawa na hindi ko na pinansin pa at pumara ng taxi. Walang kalingon-lingong sumakay ako pagkahinto ng taxi sa tabi ko at nagpahatid ng condominium. Napasapo ako sa noo at isinandal na lamang ang sarili. Napapailing akong muling pinunasan ang mga labi ko ng maalala kung paano ako hinalikan ng walanghiyang Collins na 'yon! Kung kailan malapit ko nang makita ang Collins na kababata ko ay saka pa ako nahalikan ng Montereal na 'yon. Dapat talaga hindi na lang ako nagpunta ng bar eh. KINABUKASAN AY maaga akong pumasok para makatambay muna sa rooftop ng hospital. Maayos naman na si tatay sa trangkaso nito. Hindi ko tuloy maiwasang maalala muli ang nakaraan. Kung paano nawala ang connection namin kay Collins na kababata namin nila kuya. Sana lang wala pa ring nagbago dito katulad dati. Tandang-tanda ko pa kung paano ito mag-effort noon para matulungan kaming magkakapatid. Kung paano siya makisalamuha sa amin kahit na para kaming mga palaboy noon nila kuya sa itsura namin lalo na't wala kaming mga magulang na siyang tumitingin sa amin. Kaya nga maaga kaming namulat sa mundo at hirap ng buhay dala ng pagkamatay ni nanay Elijah noong mga bata pa kami. Halos hindi ko na nga matandaan ang mukha niya. Sobrang bata ko pa noon kaya hindi ko na masyadong naaalala ang mga panahong kasama pa namin siya. Pero tanda ko naman ang mga pasakit at pahirap na pinagdaanan niya sa kamay ni tatay Moon. Masaya at simple ang nakagisnan naming pamilya nila kuya. Napakasipag ni tatay noon na mamasada habang si nanay naman ay nagtitinda ng meryenda sa kalapit na eskwelahan ng aming bahay noong nasa probinsya pa lang kami. Sa Solano Nueva-Vizcaya. Pero nagbago ang lahat nang lumuwas kami ng Manila dahil pinalayas na kami ng may-ari ng lupang kinatatayuan ng bahay namin noon. Binayaran naman nila ang bahay namin kaya maging ang tricycle ni tatay ay ibinenta namin para may magagamit kami sa pagluwas dito sa syudad at paninimulang muli. Pero naibarkada si tatay sa mga tambay at adik sa sabong na mga kapitbahay namin sa eskwater. Kaya doon na nagsimula itong nagbago na pinapabayaan na niya kaming mag-iina niya. Nagtrabaho na rin noon si nanay. Pero dahil wala siyang papeles at turista ang bisa ng pasaporte nito ay hindi siya kaagad natatanggap sa mga pinaga-apply-an nitong kumpanya kahit na maganda at matalino siyang babae. Kaya sa huli ay sa club ito namasukan dahil wala na kaming makain at paminsan-minsan na lamang umuuwi si tatay sa amin. Madalas ay kukuha lang naman ito ng gamit niya. Ni wala itong iniiwang pera para sa mga pangangailangan namin. Naging maayos naman ang trabaho ni nanay. Pero dahil GRO ito sa club ay hindi maiwasang i-uwi o i-motel ito ng kanyang mga parokyano lalo na't napakaganda niya. Doon siya nakakuha ng sakit. Nahawa siya at napabayaan ang sarili dahil mas inuuna nito ang ipakain sa amin nila kuya kaya hindi na ito nakapagpatingin sa doctor. Hanggang sa lumala ang sakit nitong naging sanhi ng kanyang kamatayan. Doon mas nailugmok kami sa putikan nila kuya Typhoon at Cloudy. Idagdag pang wala kaming ama na gagabay sa amin dahil hindi naman na noon nag-uuwi ng bahay si tatay Moon. Kaya napilitan si kuya Typhoon na mangalakal habang si kuya Cloudy ang nagbabantay sa akin noon. Pero kita naman namin ni kuya Cloudy na nahihirapan din si kuya Typhoon at barya-barya lang ang kinikita nito sa pangangalakal. Sapat na para may maibili kami ng makakain kahit konti lang. Sa paglipas ng mga araw ay hindi na nga nagpakita pa si tatay sa amin. Kaya naiisip na rin naming wala na ito. Na kailangan na naming tumayo sa sarili naming mga paa. Kahit ayaw noon ni kuya Typhoon na magtrabaho kami ni kuya Cloudy ay wala na itong nagawa pa dahil nagpumilit na kami ni kuya para matulungan ito. Naranasan naming magkakapatid ang namulot ng pagkain sa basurahan. Pinagtatawanan ng mga batang nakakasalamuha namin at tinatawag na palaboy. Maging pamamalimos sa mga tao sa parke, simbahan, at palengke ay naranasan din naming magkakapatid may maibili lang ng pagkain. Madalas kaming malipasan ng gutom noon dahil hindi naman sasapat ang mga baryang biniigay sa amin noon ng mga taong naaawa din sa aming magkakapatid. Nagtiis kami sa ganong uri ng pamumuhay. Dahil wala pa naman kaming kayang gawin noon at hindi namin maaatim ang magnakaw. Pero isang araw ay may dumating sa amin na parang anghel na pinadala ng Diyos para makaahon kami sa putikan. Si Collins. Ang kababata namin. Mayaman ito pero hindi kami tinuring na iba. Naging kaibigan niya kami at tinulungan sa abot ng kanyang makakaya. Dahil sa kanya ay guminhawa ang buhay namin nila kuya. Pero 'di nagtagal ay nawala itong parang bula kung kailan may nakakupkop na sa aming magkakapatid noon. Sina tito Nathan at tita Selena Alcantara. Ang mga magulang ni ate Sam na ngayo'y asawa ni kuya Khiranz Montereal. Ang isa sa kuya ni Collins Montereal at kakambal ng isang ate nitong si ate Catrione na siya namang napangasawa ni kuya Typhoon. Pero kung kailan naman malalaki na kami at maayos na ang lahat saka namin natagpuan si tatay sa probinsya ng Tarlac kung saan kami ipinadala para tumulong sa mga nasalanta ng bagyo. Akala namin magagalit kami dito sa pang-iiwan niya sa amin pero nagkamali kami. Dahil kaagad namin itong napatawad at tinanggap sa puso namin ang paghingi nito ng tawad. MAPAIT AKONG napangiti na maalala ang nakaraan. Kung gaano karaming hirap at pasakit ang aming pinagdaanang magkakapatid bago tinatamasa ngayon ang bunga ng aming pagsisikap. "Handkerchief beautiful" napaangat ako ng mukha sa nagsalita sa harapan ko. Pilit akong ngumiti at tinanggap ang inaabot nito sa aking panyo. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako habang nakaupo dito sa mga nakahilerang bench wood dito sa rooftop ng hospital. "Thank you Doc" mahinang sambit ko pagkaupo nito sa tabi ko. Saka ko lang napasadaan ang itsura nitong parang isang modelo ang tindig. "You're welcome ms beautiful" malambing sagot nito na naglahad ng kamay. "I'm Devon Smith, surgeon doctor and you are?" napangiti na rin akong tinanggap ang pakikipagkamay nito. "Rain po Doc, Rainy Del Mundo" lalong lumapad ang pagkakangiti nitong halos ikapikit na ng mga matang chinito din. Halatang may lahi din ito sa kulay pa lang ng mga mata nito na dilaw. Nakakahipnotismong makipagtitigan sa mga iyon dahil nakakaenganyong titigan na parang sa mga mata ng pusa ang ganda. "I'm glad to finally meet you Rain" nangunotnoo ako. Mahina itong natawa na tumayo na at naglahad ng kamay. Naguguluhan man ay tinanggap ko na lang iyon na umalalay sa aking makatayo. "Hindi mo ako matandaan?" napatingala ako dito dahil sa tangkad niya ay halos hanggang dibdib niya lang ako. Hindi ko mapigilang purihin ito sa isip-isip ko kung gaano siya kagwapo at kaamo ng mukha. Idagdag pang palangiti ito at napakagaan makipag-usap. "Ako 'yong nabangga mo kagabi. Sa Del Prado's Bar, remember?" napatitig ako dito at nanlaki ang mga matang nakilala ko siya! Napatakip pa ako ng palad sa bibig na ikinatawa at iling nito. "Hmm...mukha yatang...pinagtatagpo tayo ng tadhana Rain" anito habang nakasakay na kami ng elevator pababa. Hindi ako makakibo at tanging ngiti lang ang naisasagot ko dito. Hindi ko naman akalaing makikita ko pa ang lalakeng dahilan kaya ako nahalikan ng Montereal na'yon. Napapilig ako ng ulo nang may maalala ako sa mga nangyari kagabi sa bar. "Hindi kaya.....magkaaway sila ni Collins kaya ako hinalikan nito kagabi para agawin ako dito kay doc Devon? Pero bakit?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD