Rain:
NAPABALIKWAS AKO ng marinig ang alarm clock ko sa bedside table ko! Para akong nasapian ng enerhiya na mabilis ang kilos naligo at nagbihis ng uniporme ko! Mahirap nang ma-late ako lalo na't minsan na akong napag-initan ng boss namin haist!
"Oh, Ulan anak kumain ka muna!" napahinto akong napapihit paharap kay tatay sa paghabol nito. May dala-dala pa itong tasa ng iniinom nitong kape. "Papasok ka na?" kunotnoong tanong nito. Napangiwi akong napatingin sa wristwatch ko at bente minutos na lang ay time-in na ako sa shift ko.
"Sorry ho Tay, nagmamadali po ako eh" aniko na malalaki ang hakbang na humalik sa pisngi nito. Pilit naman itong ngumiti sa akin na inayos pa ang collar ng uniporme ko.
"Ayusin mong maigi ang uniporme mo anak. Napakaganda ng anak ko eh, hindi maayos manamit" anito na may halong panenermon na ikinangiti ko at maluwag itong niyakap. Napahaplos naman ito sa likod ko.
"Sige na, gumayak ka na"
"Salamat po Tay, bawi ako mamayang gabi" ngumiti at tumango lang ito.
PANAY ANG SULYAP ko sa wristwatch ko habang hinihintay ang grab na pinag-book-an ko! Hindi kasi kami pareho ng duty ni kuya Cloud na isang doctor sa Montereal's Hospital din kaya hindi ko siya nakakasabay sa pagpasok. Si kuya Typhoon naman ay isang police captain ng departamento nila at iba ang daan patungo sa headquarters nila sa hospital na pinapasukan namin ni kuya Cloudy.
"Manong sa Montereal's Hospital po" saad ko sa driver pagkasakay ko. Tumango lang naman itong pinasilab ang kotse. Napapabuga ako ng hangin habang nasa kalagitnaan ng byahe. Baka mamaya nyan masermonan na naman ako ng bagong president namin. Mukha pa namang mainit ang dugo niya sa akin tss.
Pagkababa ko ng kotse ay halos takbuhin ko na ang lobby para makasingit sa elevator ng biglang-
"Aahh!" napasapo ako sa noo kong tumama sa matigas na bagay!
"F*ck!" namilog ang mga mata kong dahan-dahang nag-angat ng mukha at napatalon sa gulat na mabungaran ang galit na mukha ni.....Collins! Pero lalong nanlaki ang mga mata kong makitang natapon sa polo nito ang kapeng hawak kaya taranta kong hinugot ang panyo ko sa bulsa at akmang pupunasan ko ito ng bigla nitong hiklatin ako sa brasong ikinapitlag ko.
"Pu-Punasan lang kita S-Sir" alanganing saad ko na napapangiwi sa higpit ng hawak nito sa braso kong tiyak magmamarka. Nag-iigting ang panga nitong matalim ang mga matang nakatutok sa akin. Para akong mabibingi sa lakad ng kabog ng puso ko habang nilalabanan ang matiim nitong pagtitig.
"Get out!" madiing asik nito ng tumunog ang elevator at bumukas. Patulak pa ako nitong binitawan kaya napasalampak ako sa sahig at impit na napadaing dahil napalakas ang tama ng tumbong ko sa sahig. Wala manlang itong reaks'yon na makitang nasaktan ako sa ginawa bagkus napangisi at iling pa itong pinagpag ang polong narumihan na ng kape nito.
"Bes?" pilit akong ngumiti sa pagsulpot ni Karen. Ang bestfriend kong bagong lipat ding nurse dito. Inalalayan ako nitong makatayo at 'di mapigilang mapahawak sa pang-upo ko sa kirot na nararamdaman ko. Bweset talaga ang Collins na 'yon. Akala mo naman kung sinong gwapo at mayaman tss. Pero__ totoo namang may maipagmamayabang ang hambog na 'yon. Sa itsura man o estado sa buhay ay may maibubuga naman talaga.
"Okay ka lang? Makaka-duty ka ba?" nag-aalalang tanong nito. Ngumiti akong tumango.
"Oo naman, nadulas lang ako kanina" pagkakaila ko. "mawawala din 'to maya-maya" pinasigla ko pa ang boses na malapad ngumiti dito para pagtakpan ang kirot sa balakang ko. Napanguso naman itong iginiya na ako ng station para sa time-in namin bago magsimulang magtrabaho.
MAGHAPON AKONG nagpaka-busy sa trabaho dahil maraming pasyente ngayon dito sa OB gyn ward kung saan kami nakabase ni Karen. Mabuti na lang at nakakatuwa ang mga babies na bagong silang kaya nalihis ang sama ng loob ko sa ginawang pagtulak sa akin kaninang umaga ng Collins na 'yon!
Palabas na ako ng hospital nang may makabunggo akong matandang napadaing pa.
"Sorry ho, I'm sorry Nay hindi ko po sinasadya--" natigilan ako ng mapatitig dito dahil maging ito'y natulala sa aking tila kinakabisa din ang mukha ko.
"N-Nanay Elsa?" alanganing tanong kong ikinanlaki ng mga mata nito na hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa!
"Ulan!!?" gimbal na bulalas nito. Tumulo ang luha kong tumango-tango. "Diyos ko ikaw nga!!" kaagad ako nitong niyakap ng napakahigpit na napahagulhol pa sa dibdib ko. Hinagod-hagod ko naman ito sa likod.
"Dito ka ba nagtatrabaho?" ngumiti akong tumango na inakay itong makaupo sa nakahilerang bench dito sa hallway ng hospital.
"Opo Nay, bagong lipat nga lang ako dito. Kumusta ho kayo?" ngumiti itong hinaplos ako sa pisngi.
"Maayos naman anak, kayo ba? Anong nangyari sainyo ng mga kuya mo?" balik tanong nito. Napahinga ako ng malalim na umakbay dito.
"Sa awa ng Diyos maayos naman po kami Nay. May mag-asawang kumupkop sa amin noon kaya kami umalis ng eskwater area. Sila ang nagpalaki, aruga at nagpaaral sa aming magkakapatid" masiglang kwento ko dito. Tumulo naman ang luha nitong agad na pinahid at mahinang natawa.
"Pasensiya ka na anak, masayang-masaya lang akong malaman na maayos kayo ng mga kapatid mo. Akala kasi namin....wala na kayo" anitong ikinangiti ko at hinawakan sa dalawang kamay nito.
"Kayo ho Nay, anong nangyari sainyo? Ahm...si C-Collins po ba....alaga niyo pa rin?" nahihiyang tanong ko. Napalapad naman ang pagkakangiti nito na nangingislap ang mga mata. Nanunudyo ang ngiti nitong ikinainit ng pisngi ko at napaiwas ng tingin kaya mahina itong natawa at napailing.
"Oo, at tiyak matutuwa 'yon na malamang....buhay kayo. At nandito ka lang pala!" lalo akong nasabik na muling makita si Collins na kababata ko. Paniguradong malaki na rin ang nagbago dito at tiyak na saksakan na ito ng gwapo. Kahit pa naman noong bata pa lang ito.
"Talaga ho--" natigilan ako ng tumunog ang cellphone kong kinuha ko pa sa handbag ko. Nangunotnoo ako na makitang si tatay ang caller kaya agad kong sinagot.
"Tay?" umubo ito ng sunod-sunod sa kabilang linya na ikinatayo ko.
"Tay bakit ho?"
"Ulan...matagal ka pa ba?" umubo itong muli nang sunod-sunod. "Nilalagnat kasi ako, hindi ko naman alam ang iinumin ko sa mga gamot dito" anitong ikinatigil ko.
"Tay pauwi na ho! Magpahinga na muna kayo dyan, hintayin niyo po ako" agad kong ibinaba ang linya at binalingan si nanay Elsa na nakatayo na rin at nag-aalala ang mukha. Pilit akong ngumiti na muli itong niyakap.
"Nay pasensiya na ho kayo. May sakit ho kasi ang tatay ko at walang kasama sa unit. Mauna na po ako" pamamaalam ko. Ngumiti itong tumango na napahaplos sa ulo ko.
"Mag-iingat ka anak. Dadalawin ulit kita dito huh?"
"Opo, sige po Nay. Ikumusta niyo po ako kay Collins huh?" pahabol kong ikinatango nito. Patakbo akong lumabas ng hospital, sakto namang may bagong dating na taxi na kaagad kong nasakyan.
"Manong sa Montereal's Condominium Building po" saad ko sa driver. Napalingon ako sa likod ng tila may narinig akong sumigaw sa pangalan ko.
"Collins?" napakunotnoo ako nang malingunan si Collins Montereal na humahangos at palinga-linga sa labas ng hospital na tila may hinahanap sa mga tao sa paligid.. "Problema non?" napaismid ako nang maalala ang ginawa nito sa akin kaninang umaga. Napairap pa ako dito habang papalayo na ang taxi na sinakyan ko at umayos na ng upo.