Chapter 9 Sketch

1291 Words
Collins: NAPAPAILING NA LAMANG akong hinihilot ang salubong kong kilay. Ang lakas naman ng loob niyang sagutin ako ng pabalang..at ano daw? Hambog? Ako hambog? Huh! Baka gusto lang niyang ibalibag ko siya sa kama ng magtanda. Maliit pa naman siyang babae na parang manikang kay sarap pisatin sa kama. f*ck! "Damn Collins...para mo na siyang sister in law. Umayos ka" natatawang pagkausap ko sa sarili. Napahilamos ako ng palad sa mukha para gisingin ang inaantok kong diwa. Nakakaantok manatili sa opisina, para akong nagbalik eskwela na papel at pen ang hawak habang nagsusunog kilay tss. Tumayo ako at nagtungo ng pantry nitong silid. Napapanguso na lamang akong gumawa ng kape ko sa coffee maker dito. Nakakainis, wala manlang stock si daddy na alak o wine dito. Matapos kong gumawa ng kape ay binalikan ko na ang trabaho ko. Kung tutuusin ay wala namang problema dito sa hospital dahil maayos si daddy magpatakbo at lahat ng employee ay sumusunod sa mga rules and regulations dito. Napahilot ako ng kilay. Kahit nagkakape na ako ay inaantok pa rin ako dahil sa mga papeles na kaharap kong kailangan ko daw i-review para mapag-aralan ang patakaran ng hospital. tss. Nakakaantok Napaangat ako ng mukha ng may kumatok sa pinto. Inayos ko ang necktie kong wala na sa ayos at napatikhim bago nagsalita. "Come in" walang emosyong saad ko. Muli akong bumaling sa kaharap kong laptop at kunwari'y busy habang kunot ang noo na naka-pokerface. "Collins" napaangat ako ng mukha at awtomatikong napangiti na mabungaran ang nakangiting ate ko na may dala pa talagang lunch box haist. Ginawa pa akong toddler na binabaunan sa eskwela. "Kitty" tumayo akong sinalubong ng yakap itong natatawang humalik sa pisngi ko. Hindi ako sanay tawagin silang ate ni Cathleen kaya kitty ang tawag ko sa kanilang nakasanayan din naman nila. "How's your day hmm? Mukhang tambak agad ng trabaho ah" napanguso ako habang pinagmamasdan itong nilalapag isa-isa dito sa center table ang mga dala nitong tanghalian. "Nakakabagot. Gusto ko ng umuwi" napahagikhik itong napailing. Naupo na ako at nakaramdam ng gutom na masamyo ang bango ng mga dala nito. "Hmm...ikaw nagluto?" usisa ko na kumuha na sa kare-kare na umuusok-usok pa. Sanay ako sa lutong ulam na mga filipino dish dahil ganto lagi ang niluluto ni nanay kahit nasa Paris kami. Naupo na rin itong sumandok ng kanya kaharap ko. "Nope. Si Typhoon" natigilan ako. Sa lasa kasi ng luto nito ay masasabi kong magaling ang nagluto at napaka-perfect ng pagkakaluto nito. "Really?" tumango ito. "Mabuti naman kahit paano may silbi ang namikot sayo Kitty. Kahit dito manlang ay may maaasahan ka sa kanya" aniko na kumakain. Natigilan itong napainom ng juice. "Hey, hwag mo siyang pagsalitahan ng ganyan. Hindi naman niya ako pinikot" napaismid akong tinaasan ito ng kilay. "Tss.. Pinagtatanggol mo na siya. Bakit? Dahil lang masarap siyang magluto?" napahinga ito ng malalim na matamang nakatitig sa akin. "Mabait siya Collins, hwag mo siyang bastusin. Para sa akin hmm?" napainom na akong tinapos ang pagkain ko. Kita ang lungkot sa mga mata nito. Totoo namang pinikot siya ng pulis na kuya ni ng Rain na 'yon. Ang lakas ng loob nila. Porke't nainlove si kuya Khiranz sa kinakapatid nilang si ate Sam ay pinikot naman ni Typhoon ang ate Catrione ko. At ngayon uma-attitude sa akin si Rain na akala mo kung sino dahil lang konektado sila sa pamilya namin. tss. Baka akala niya ay mapipikot niya rin ako gaya ng ginawa ng kuya niya sa ate ko. Tsk. tsk. tsk. in her dreams! Pagparausan ko pwede pa, pero ang ibahay siya? No way! Hindi ako tutulad sa mga kapatid kong mabababa at simpleng tao lang ang mga napangasawa. Si kuya Khiranz na umibig sa ordinaryong babae na si ate Sam. Si kuya Khiro na umibig kay Danaya na isang simple at ulilang dalaga. Si ate Catrione na napangasawa ang ulila at simpleng police captain na si Typhoon tss. Si ate Cathleen at Charrie na lang ang wala. At ngayon umaaligid si Rain sa akin. "Tss, hindi ba't ayaw mo sa kanya? Tutol ka pa nga na makasal kayo? Nagsama lang kayo sa iisang bubong bumait ka na sa kanya. Ang bilis naman yata Kitty? Paano si Raeven? Mas gusto ko naman siya para sayo kaysa kay Typhoon noh. Anong ipapakain sayo ng pulis na 'yon? Ang ari niya?" "Collins!!" napataas kilay ako ng lumakas ang boses nitong napahampas ng mesa. Kita ang pagpantig ng panga nitong na-offend ko. "Iba siya sa iniisip mo Collins, please.... respect him bunso. Asawa ko na siya. At ramdam ko, mabait siya. Mabuti siyang lalake Collins" pagak akong natawa na napailing dito. Sa nakikita ko ay mukhang nagkakagusto na siya agad sa lalakeng namikot sa kanya. Ganon kabilis? "Ubusin mo 'yan, alis na ako. Please Collins, respect my husband. Hindi mo pa siya kilala" anito sa nagtatampong tono na nangingilid ang luha. Napatayo na rin ako kasunod nito. "At wala akong planong kilalanin siya Kitty, iiwas mo na lang siya sa akin dahil....hindi ko siya gusto para sayo" napatungo ito at 'di nakaligtas sa akin ang pagtulo ng luha nito na tumalikod at pasimpleng nagpahid. Napahinga ako ng malalim. Nagtalo pa tuloy kami dahil sa pulis na 'yon! "Hey, hwag ka ng magtampo" habol ko na niyakap ito mula sa likod. "Ayo'ko lang na sasabihan mo siya ng 'di maganda. Gave him a chance Collins, iba siya sa iniisip mo. At hindi niya ako pinikot. Ako ang may kasalanan kaya kami nakulong sa biglaang pagpapakasal" napabuntong-hininga na lamang akong pinihit ito paharap at pinahid ang luha nito bago mariing humalik sa noo nitong nagkakandahaba ang nguso. "Oo na. Hwag ka ng magtampo hmm? Labas tayo tonight, I'll fetch you" napangiti na itong yumakap na tumango-tango. Tss napakamatampuhing pusa. "Alis na ako, I'll wait for you tonight huh?" ngumiti na akong tumango at inihatid ito sa pinto na pinagbuksan. "Ingat Kitty" "You too Collins" LUMABAS AKO ng opisina at naglakad-lakad sa balcony ko. Panay ang hithit ko sa stick ng yosi ko para kalmahin ang sarili. Nababagot na ako dito. Idagdag pang nakakatian ako sa suot kong formal haist! Palakad-lakad ako ng biglang may nahulog mula sa taas na papel na sinalo ko. Nangunotnoo akong lumakas bigla ang t***k ng puso ko! Napahila ako ng necktie ko dahil parang sumisikip ang dibdib ko at nakakasakal ang necktie ko. "Ulan loves Coyens" basa ko sa nakasulat at nanigas na mapasadaan ang sketch na mukha ng batang lalake at walang iba kundi......ako?! "F*ck!! Nandito siya!! Ulan!?" bulalas ko na napatakbo papasok ng opisina ko! Agad kong dinampot ang phone ko sa lamesa at lumabas na nagtungo ng rooftop! Napapasabunot na ako sa ulo habang palinga-linga sa mga nurses at doctor na nandidito pero....sino naman sa kanila si Ulan? F*ck!! Dalaga na siya ngayon at wala naman akong palatandaan sa kanya! "Ulan...nasaan ka" piping usal ko na napapatitig sa sketch na hawak ko. Tumulo ang luha kong 'di ko namalayan. Bumaba na lamang ulit ako ng opisina dahil panay ang pa-cute ng mga nandiditong nurses na akala mo naman ay matitipuhan ko tsk! Napahaplos ako sa sulat kamay nito sa pangalan namin. Sigurado ako, siya ang nang-guhit sa akin. Kung ganon ay buhay siya. At nandidito lang sa paligid ko. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng Coyens dahil sa pagkabulol niya noon. "Hahanapin kita Ulan...nandito na ako" pagkausap ko sa sketch na napapangiti sa kaalamang buhay pa ito. Ang babaeng nag-iisa sa puso ko. Mula noon....magpahanggang ngayon. Palakad-lakad ako habang hinihintay ang update ng PI ng pamilya namin para ipahanap ang kinaroroonan nila Ulan at mga kuya nito. Sana lang nasa maayos silang kalagayang magkakapatid. "Bagyo, Ulap, Ulan...mahahanap ko na rin kayo" nangilid ang luha ko habang nakatitig sa sketch na hawak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD