Collins:
TAHIMIK AKONG kumakain habang kaharap ang pamilya ko. Hanggang dito sa dining ay panay ang pagmamalaki ng quadro sa mga achievements nila kaya naman as usual, nakatuon sa kanila ang attention nila mommy at daddy.
Tuluyan na nga'ng nakalimutan ni mommy ang tungkol sa achievements ko dahil abala na ito sa lima.
Paanong hindi ako makakalimutan kung sunod-sunod ang pagbibida ng lima sa kanila ni daddy.
Hanggang natapos ang hapunan ay ang matitinis nilang boses ang naghahari sa buong dining.
Nakakarindi ang mga tilian nila lalo na't nagpapabidaan na lang sila lagi. Mga center of attention yata ang goals nila kaya nasa kanila na lang lagi ang attention nila mommy at daddy.
Pagkatapos kong kumain ay nagtungo na ako sa sala at iniwan silang masayang nagpapabidahan sa dining. Kaagad din namang sumunod si yaya na dala ang gatas ko.
"Nagseselos na naman ba ang alaga ko?"
Saad nito sabay lapag sa kaharap kong center table ang dalang gatas. Napaismid na lamang akong binuksan ang iPad ko.
"Sanay na ako, yaya. Magseselos ako kung pati ikaw sa kanila na rin ang attention mo."
Sagot habang hinahalungkat ang gadget ko. Napahaplos naman ito sa ulo kong parang ginawa akong pet na pinapaamo.
"I'm okay yaya. Ako pa ba? You know me."
" 'Yon na nga Collins, kilala kita. Alam kong nagseselos ka, at hindi ka okay. H'wag ka ng maglihim kay yaya. Madali lang kitang mabasa. Kasi nga.... kilalang-kilala na kita. Para saan pa't ako ang personal yaya mo, kung 'di kita makabisa?"
Inilapag ko muna ang iPad sa mesa at dinampot ang dala nitong gatas ko.
"It's okay yaya. Sige na, magpahinga ka na. Akyat na din ako ng silid maya-maya. Good night yaya. I love you"
Humalik na ako sa noo nito kaya wala na itong nagawa kundi halikan din ako sa magkabilaang pisngi at ginulo pa ang buhok ko.
"Good night anak. Ang sweet naman talaga ng alaga kong 'yan. Magpahinga ka na rin huh, maaga pa ang klase mo bukas. I love you."
Malambing saad nito bago dinampot ang baso at dinala 'yon sa kusina.
Nagsuot na lang ako ng headphones at nilakasan ang music habang naglalaro ng car racing sa iPad ko. Maya pa'y kita ko sa peripheral vision kong papunta na sila dito kaya lumipat ako ng pwesto sa gilid na pang-isahang sofa.
Paniguradong maghaharutan lang na naman sila at ayo'kong maistorbo sa laro ko dahil sanay naman na akong naglalarong mag-isa sa iPad ko.
Hindi nga ako nagkamali dahil heto at yakap ni daddy ang quadruplets habang si mommy naman ay karga si Charrie. Ni hindi nga nila ako pansing nandidito rin.
Seryoso lang naman ako dito sa gilid at tumutok sa car racing ko kahit nagkakagulo na ang limang naglalaro dito sa sala ng habulan kaya maging sina mommy at daddy ay nakisali na ring nakikipaghabulan sa kanila.
Maya pa'y biglang hinablot ni Charrie ang iPad sa akin kaya bumangga ako at nag-game over ang nilalaro ko!
"Haist!! What are you doing! Can't you see I'm playing?!"
Inis kong singhal kaya napalabi ito. Natahimik naman ang lahat na napatingin sa amin. Maya pa'y humikbi na itong umatungal kaya kaagad kinarga ni daddy na dinaluhan ni mommy habang hinahagod sa likod.
"You're being oa Collins, she just wanna play with you. Whats wrong with that?"
Pagalit sa akin ni kuya Khiro kaya napairap ako dito at muling ni-start ang laro.
"Collins, if you don't want to be disturb go up to your room now."
Napaangat ako ng mukha sa sinaad ni daddy habang inaalo pa rin si Charrie na nakasubsob sa balikat nitong umiiyak.
"You heard Daddy, go up to your room now and play their alone."
Dagdag pa ni kuya Khiranz kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"What are you waiting for? Get out of here."
Segunda ni ate Cathleen kaya napatayo na akong sinamaan silang apat ng tingin.
"Such a little brat."
Ismid din ni ate Catrione. Napakuyom na lamang ako ng kamao at pabalang tumakbo na sa elevator.
Ako na naman ang nakita nilang mali. Kung sabagay, lagi naman eh.
Doon nila ako napapansin, kapag nagkakamali ako. Kapag napapasama ako. Kaya nga sila ang tinaguriang perfect children sa lahat lalo na sa mga magulang namin.
Kaagad kong ni-lock ang pinto at patakbong nagtungo sa kama ko. Napasubsob ako ng mukha at malayang humikbi dito.
Nang mas kumalma na ako ay dinampot ko ang wireless phone ko at kinonek sa maids room kung saan natutulog si yaya at mga kasamahan nito dahil may kanya-kanya naman silang kama doon at napakalawak din ng silid nila.
"Yaya, are you still awake? Bring me water here please. Collins."
Saad ko at hinintay na may magsalita sa kabilang linya.
"Okay anak. Paakyat na ako."
Malambing sagot ni yaya sa kabilang linya kaya binaba ko na ang phone. Muli kong binalingan ang iPad ko at hinintay na lamang si yaya. Para naman may makasama akong matulog dito.
Madalas kapag masama ang loob ko o 'di makatulog ay si yaya ang karamay ko. Ang nagpapatahan sa akin. At nagpapagaan ng loob ko. Hindi ako nito tinatantanan hangga't hindi ako napapatawa o napapagaan ang loob kaya madali niya akong napapatulog.
Halos dito na nga siya matulog lagi sa kwarto ko katabi ko dahil madalas napapasama ang loob ko dahil sa quadro at si Charrie katulad na lamang kanina na pinagkaisahan na naman ako kahit pa si Charrie naman ang nauna at may kasalanan.
Kumatok naman si yaya kaya bumangon na muna ako sa pagkakadapa ko sa gitna ng kama para pagbuksan ito.
Pilit pa itong ngumiti sa akin at iniabot ang bottled water na hiningi ko.
Siya na rin ang nagsara ng pinto at sumunod sa aking sumampa ng kama. Kilalang-kilala na nga niya ako. Alam na naman nito ang kailangan ko dahil hindi iyon maibibigay sa akin ni mommy. Kalinga ng isang inang magpapatahan sa anak na sumama ang loob.
"Anong nangyari anak? Sabi ko naman sayo eh, umakyat ka na kanina habang nasa dining pa sila."
Anito habang nakahiga na kaming nakayakap akong padapa dito at hinahaplos naman ni yaya ang likod ko. Nangilid muli ang luha ko kaya napailing ako.
"Ya, mas higit ba talaga sila Ate at Kuya sa akin? Kaya mas mahal sila nila Mommy at Daddy?"
Nakangusong tanong ko. Napahinga ito ng malalim na ngayo'y sumusuklay-suklay ang buhok kong nanghihila sa akin sa antok.
"Hay nako Collins, h'wag mong isipin 'yan. Mahal na mahal ka rin nila Ma'am at Sir Cedric. Anak ka rin nila kaya h'wag mong isiping hindi ka nila mahal hmm?"
Napalabi akong mariing pumikit. Inaantok na rin naman ako.
"Pero mas mahal nila ang quadro kaysa sa aking bunso."
"Hay ang batang 'to talaga oh. Napakaseloso. Basta anak lagi mong tatandaan, iba ka. Mahalaga ka. Kaya h'wag mo ng ikumpara ang sarili mo sa mga kapatid mo, dahil may mga katangian kang wala sa kanila. Okay?"
Pang-uuto pa ni yaya sa akin bago ako nakaidlip na nakakulong sa yakap nito.
KINABUKASAN AY AS USUAL, sina yaya Elsa at driver kong si kuya Edgar ang siyang naghatid sa akin dito sa school. Sila ang nagbabantay sa akin ng personal dito sa school. Pero nakaaligid pa rin naman ang mga bodyguards ko sa labas ng school.
Pagkatapos ng klase ko ay dumaan muna kami nila yaya sa isang cathedral dahil magdadasal daw muna kami total at maaga pa.
Magkahawak-kamay kaming tatlong pumasok ng simbahan. Para ko tuloy silang totoong magulang lalo't pinagigitnaan nila akong hawak-hawak ako sa kamay. Lagi silang gan'to sa akin. Bagay na 'di ko pa naranasan kina mommy at daddy dahil ni minsa'y 'di ko naman nasolo ang mga ito.
Matapos kong magdasal ay lumabas na muna ako. Nasa labas naman ng simbahan ang mga guwardya ko kaya kampante akong hindi ako mapapahamak.
Napapanguso akong naglalakad-lakad dito sa harap ng simbahan ng may lumapit sa aking batang babae. Napataas ako ng kilay dahil para itong pulubi sa luma-luma at madungis nitong damit. Pero kapansin-pansing ang cute nito kahit may kapayatan at parang hindi pa naliligo sa dugis nito. May dala-dala pa itong mga bulaklak na puti na ginawang kwintas.
"Heyo! Biyi ka buyakyak ko."
Napangiwi ako na ako ang kinakausap nito at bulol pa talaga! Ngumiti ito sa akin kaya kita ang bungi-bungi nitong ngipin na nagpahagikhik sa akin!
Napanguso naman itong sinamaan ako ng tingin kaya napatikhim ako at pinigil ang sariling matawa dahil napapalabi na ito.
"Magkano ba 'yan?"
Napalapad muli ang ngiti nito kaya napansin kong may dalawa siyang malalim na dimples sa magkabilaang pisngi nito! Namamangha ko namang sinundot-sundot 'yon dahil ngayon lang ako nagkaroon ng kalarong may dimples.
"Eto? Sampu 'sa ee."
"Ano?"
Napakunotnoong tanong ko dahil 'di ko naintindihan ang isinagot nito.
"Hina-hina mo naman ee. Sabi ko sampu 'sa neto."
Natatawa akong napakamot sa ulo. Humugot ako sa bulsa ko at inabot dito ang limang libo at kinuha na lahat ng tinda nito.
Namamangha pa nitong tinignan ang inabot ko.
"Sinong mga kasama mo. Malaking halaga 'yan, baka kunin pa sayo ng ibang tao."
Baling ko dito. Napasamyo pa tuloy ako sa bulaklak na tinda nitong napakabango sa ilong.
"Aa, si Kuya Oyap at Kuya Bayo ko. Du'n sela ohh"
Bulol nitong sagot na may tinuro sa 'di kalayuan.
"Sige na nga, ihahatid na kita sa kanila."
Inakay ko na ito at sumunod naman kaagad sa akin ang mga bodyguards ko.
"Anong pangalan mo?"
Tanong ko habang naglalakad kami.
"Uyan."
"Ano?"
Hinarap naman ako nitong nagsalubong ang mga kilay kaya napataas naman ako ng mga kilay sa inasta nito.
"Bingi ka? Sabi ko Uyan."
"Anong Uyan?"
"Uyan nga...Uyan ang pangayan ko."
Napatawa ako kaya sinimangutan niya ako. Muli tuloy akong napatikhim at ginulo ang magulo na nitong buhok. Napangiwi na lamang akong kay lagkit ng buhok nito at sumabit pa ang mga daliri ko dahil hindi manlang ito sinusuklayan! Maganda pa namang bata. Kahit madungis ay makikitaan mong maganda at maputi ito. Singkit din ang mga matang tulad ko. Tsokolate nga lang ang kulay ng mga mata nito habang ang akin ay kulay abo.
"Ulan...ang bulol mo kasi..Bakit naman Ulan ang pangalan mo?"
Usisa ko pa pero mukha namang hindi nito naintindihan ang sinabi ko.
"Haist. 'Di bale na nga. Tara na"
Saad ko at naglakad na.
"Ikaw, 'nu pangayan mo?"
Matamis akong ngumiti sa pagtatanong din nito ng pangalan ko.
"Ahm! Collins. Collins Montereal."
Proud kong sagot dito. Napapilig pa ito ng ulo na tila naguguluhan.
"Coyens...Monteyal?"
Ulit nito. Napabungisngis tuloy ang mga bodyguards kong nasa likuran lang namin na matamang sunod nang sunod sa akin.
"Haist! Your murdering my handsome name! Collins Montereal nga! Anong Coyens Monteyal...apaka bulol mo pilipitin ko 'yang dila mo ng tumuwid ang pananalita mo eh."
Inis kong sagot na ikinanguso at pilig nito ng ulo.
"Di bale na nga. Taga dito ka ba? Lagi ka bang nandidito Ulan?"
Muling usisa ko at napangiti ng tumango-tango ito.
"Okey sige, lagi kaming dadaan dito kaya igawan mo ako lagi ng bulaklak ko ha. Bibilhin ko ng mas mahal kaya sulit naman ang paghihintay mo sa akin dito."
"Sige gawa kami uyit ni Kuya Bayo at Oyap."
Napakunotnoo ako ng patakbo itong lumapit sa dalawang batang lalake na namumulot ng mga....plastic bottle sa mga nakasakong...basura.
Masayang-masaya pa itong iniabot sa mas matangkad na kuya nito ang perang inabot ko. Natigilan pa ang mga ito at parang tinatanong kung saan galing.
Lumingon naman ang mga ito sa akin ng ituro ako ni Ulan. Ngumiti akong kumaway kaya napangiti na rin ang mga ito at patakbong lumapit sa akin ang mas malaking kuya nito.
"Hi, masyadong malaki 'tong binayad mo sa sampaguita ng kapatid ko. Sobra-sobra na 'to."
Nahihiyang saad nitong ibinabalik sa akin ang pera. Ngumiti akong umiling dito.
"Hindi na, okey lang. Tingin ko nama'y mas kailangan niyo 'yan. Pero.... p'wede bang makipagkaibigan sainyo?"
Lakas-loob kong tanong. Pilit naman itong ngumiti sa akin kaya lumitaw din ang kabilaang dimples nito.
"Eh, h-hindi ka ba nahihiya. Ang dungis namin at tinatawag kaming mga pulubi. Pero ikaw....napakagara lahat ng suot mo."
Naglahad ako ng kamay dito kaya napayuko itong itinago pa sa likod ang mga kamay.
"Sige na, gusto ko lang magkaroon ng mga tunay na kaibigan. Ako si Collins Montereal, ikaw ba?"
Nahihiya nitong pinunasan pa ang kamay nitong marumi din dahil maging ito'y napakadungis din ang itsura marahil dahil nangangalakal sila sa basurahan at namumulot doon ng mga plastic. Naaawa tuloy ako sa kanilang magkakapatid.
"Ah...ako naman si, Typhoon... Typhoon Del Mundo. Pero tawagin mo na lang akong Bagyo. Salamat Collins. Malaking tulong sa amin ng mga kapatid ko ang perang 'to."
Napangiti na akong nakipagkamayan dito.
"Ayan ah, friends na tayo. 'Di bale Bagyo, lagi kaming dadaan dito.pagkatapos ng skwela ko. Aasahan ko kayong makikita lagi dito hah."
Napangiti itong tumango-tango.
"Sige...Salamat...Co-Collins."