Collins:
MASAYA AKONG UMUWI na may mga bago na akong kaibigan. Nakakatuwa lang dahil mababait silang magkakapatid sa akin lalo na ang kuya Bagyo nila. Pero naaawa din ako sa kanila dahil nangangalkal pa sila sa basurahan para may mahanap na mga plastic na p'wede nilang ibenta.
Gusto ko pa sana silang makalaro pero kailangan na naming umuwi kaya nangako akong babalik ako bukas sa cathedral na tagpuan namin.
Excited na akong dalhin sa kanila ang mga naiisip kong ibigay sa kanilang magkakapatid.
Pagpasok namin ni yaya sa mansion ay dinig na naming nagkakagulo ang lima sa kusina. Maging boses ni mommy at daddy ay nakikigulo na rin sa kanilang mukhang ang saya-saya nila kaya tumuloy na lamang ako sa elevator at umakyat ng silid ko.
Bakit pa ako makikigulo eh, hindi rin naman ako mapapansin doon.
Nagtungo muna ako ng banyo para makapag-shower. Si yaya naman ay tumuloy ng dining para dalhan ako ng meryenda dito sa silid ko. Alam na alam na kasi ni yaya ang nararamdaman ko kaya maging siya ay iniiwas akong h'wag masaktan kapag nakikita sina mommy at daddy na masayang-masaya sa quadro at kay Charrie, samantalang ako ay parang hangin lang sa kanila. Minsan naiisip ko na tuloy kung anak ba nila ako?
Mas pinapaboran pa kasi nila si Charrie sa akin na ampon nila dahil anak siya ni tita Annika na bestfriend ni mommy. Hindi kasi tanggap ni tita Annika si Charrie dahil bunga siya ng panghahalay sa kanya ng isang boss ng sindikato noong nakulong siya na dalaga pa ito. Kaya naman sina mommy at daddy na lang ang umampon kay Charrie dahil muntik dalhin ni tita Annika ito sa dswd.
Napapangalumbaba akong pinagmamasdan ang wardrobe kong punong-puno ng mga damit ko. Halos hindi ko na nga naiisusuot ang karamihan dito dahil may uniform naman kami sa school.
Napangiti ako ng maalala ang magkakapatid. Paniguradong matutuwa sila kung dadalhan ko sila ng mga damit kong 'di ko na nagagamit. Kaysa naman nakatambak lang sila dito. Mas pakinabangan nila ang mga ito kaysa nandidito lang silang naka-display.
Siya namang pasok ni yaya kaya nagpatulong na akong halungkatin ang mga ito at isinilid sa box ang mga 'di ko na nagagamit.
"Anong gagawin mo sa mga ito anak?" nagtatakang tanong nito habang inaayos naming itupi ang mga damit sa box.
"Ya, remember the boy kanina sa church?" napatango-tango naman ito na sa pagtutupi nakatuon ang mga mata.
"He's my new friend, sila ng mga kapatid niya. I want to brings this clothes for them. As a pleasant for our friendship" masayang saad ko kaya nangingiti itong ginulo pa ang buhok ko.
" 'Yan ang alaga ko. See? Ibang-iba ka sa quadro, kaya h'wag mo ng ikumpara ang sarili mo sa kanila. H'wag kang magbabago anak huh, susuportahan kita sa ganyang gawain mo" napanguso ako ng yumakap pa ito na bakas ang tuwa sa gagawin kong pagbibigay ng mga gamit kong 'di ko nagagamit sa mga bagong kaibigan ko.
"But Ya, paano si Ulan? Wala akong damit dito para sa kanya?" natatawa naman itong may halong panunukso ang tingin na sinusundot-sundot ako sa tagiliran kaya humantong na naman kami sa habulan at gantihang nagkikilitihan dito sa loob ng wardrobe ko.
"Sino si Ulan hmm?" hinihingal pa nitong tudyo. Muli naming pinagpatuloy ang pagsilid ng mga damit sa box para matapos na kami.
"Kapatid siya ni Bagyo Ya, 'yong bagong friend ko. Nangako akong babalik bukas sa simbahan para katagpuin sila." napatango-tango na lamang ito sa sagot ko.
"Tanungin ko ang mga ate mo, o si Charrie sigurado namang maraming gamit ang mga 'yon na 'di na ginagamit." natigilan ako kaya napatunghay ito sa akin.
"No need Ya, I have a better idea. Ibenta na lang natin ang mga toys kong 'di ko naman nalalaro para may ipambili tayo ng damit ni Ulan. What do you think Yaya?" nagliwanag pa ang mukha nito at mangiyak-ngiyak akong hinaplos sa pisngi.
"May pera ka naman ah, bakit 'di na lang tayo bumili?" umiling lang ako at tumayo na para kunin ang mga display toys kong sa ibang bansa pa binili nila daddy at mommy.
"Gusto kong ma-expirience kung paano kumita Yaya, tulungan mo ako bukas huh" sumunod naman ito sa akin at inaabot ang mga laruang pinipili kong pakawalan na. Robot, cars, motor at kahit ilan sa mga paborito kong staff toys ay kinuha ko na.
Inabot tuloy kami ng hatinggabi sa pagpa-pack ng mga damit at laruan ko kaya dito na rin sa silid ko pinatulog ko si yaya. Nakaidlip na nga ito kaagad pagkahiga ng kama kaya ako na ang umayos ng comforter namin at yumakap na dito.
Mas masaya sana kung ganito rin si mommy sa akin, na kinakatabi niya akong matulog. Kahit minsan lang. Pero wala eh, madalas ang nandoon sa silid nila ni daddy nakikitulog ang quadruplets at kung minsan kay Charrie naman sila. Kaya wala silang time sa akin. Na nakasanayan ko na lalo't sobra-sobra namang pagpapahalaga ang pinaparamdam sa akin ni yaya Elsa at manong Edgar na siyang pumupuno sa pagkukulang nila sa akin.
EXCITED AKONG PUMASOK ng school dala ang apat na malalaking box na naglalaman ng toys at mga damit ko. Napakunotnoo naman si mommy at daddy ng makita ang mga iyong karga ng ilang bodyguards ko palabas ng mansion.
"What's going on sweetheart? Ano ang mga 'yon?" nag-aalalang tanong ni mommy na sinalubong kami ni yaya.
"Ahm, Mom mga toys at damit ko pong 'di ko na nagagamit-" hindi pa man ako natatapos sa sasabihin ay nagsilabasan na ang lima ng elevator at patakbong inagaw na naman ang attention nila mommy at daddy kaya tuluyang nalihis ang sasabihin ko sanang gusto kong ipamigay ang mga 'di ko na nagagamit na mga damit at laruan ko para makatulong sa mga new friends ko.
Napayuko na lamang akong lumabas ng mansion kasama si yaya na tahimik akong inakay.
Bigla tuloy lumungkot ang masiglang araw ko habang nakamasid sa mga building na nadadaanan namin papunta sa school. Hinahagod-hagod naman ako ni yaya sa braso habang nakaupo kami dito sa likod ni manong Edgar na nakikiramdam din sa pagkakabusangot ko.
Kahit sanay na akong wala sa akin ang attention nila mommy at daddy ay nasasaktan at nagseselos pa rin ako. Lalo na sa tuwing naaagaw na lang lagi ng mga kapatid ko ang kapiranggot na oras na masolo ko sila.
MAGHAPON AKONG tahimik sa klase kahit kinukulit ako ng mga classmates ko. Masaya akong nabenta lahat ni yaya ang mga toys ko sa mga parents na nandidito para mabantayan ang mga anak nila. Kahit may kamahalan ang presyo ng mga 'yon ay 'di sila nagdalawang-isip bilhin ng mapag-alaman akin ang mga 'yon. Blessings in disguise na rin na sinabi ni yaya at manong Edgar sa kanila kung bakit ko pinapabenta ang mga laruan ko para makatulong ako sa mga batang lansangan kaya mabilis pa sa alaskwatrong na-sold-out ang mga 'yon at natutuwa pa silang sa murang edad ko raw ay nakikita na nilang nagmana ako sa mga magulang kong matulungin sa kapwa at walang pinipiling tulungan.
Napangiwi pa ako sa itinawag ni yaya na batang lansangan ang mga bagong kaibigan ko kahit na ba totoo naman iyon.
Nabuhayan ako ng loob na sa wakas ay uwian na namin. Excited na akong dalhin kina Ulan ang regalo ko. Sana lang magustuhan nila at h'wag masamain ang mga dala ko.
"Ang saya natin ah" tudyo ni yaya dahil napakalapad na ng pagkakangiti ko habang binabagtas na namin ang kahabaan ng highway patungo sa cathedral na tagpuan namin nila Ulan.
Mabuti na lang at maagang naipaubos ni yaya at manong Edgar ang mga toys ko kaya nakabili na sila ng mga gamit pangbabae at mga pagkain na rin para sa magkakapatid gaya ng habilin ko kaninang umaga sa kanila.
"Yaya, Manong tingin niyo po magugustuhan nila ang mga dala natin? Baka kasi mayabangan sila sa akin. Kahapon nga po halos ayaw tanggapin ni Bagyo ang perang pinangbayad ko sa bulaklak na tinda ni Ulan dahil masyado raw malaki" pagtatapat ko sa sumasagi sa isipan ko.
Nagkatinginan pa ang mga ito sa rear view mirror at ngumiti sa akin.
"Nako, paniguradong mahihiya pero matutuwa ang mga bagong kaibigan mo Collins anak, kasi kahit hindi ka nila hinihingian ng tulong ay nagkukusa kang magbigay. Napakaswerte nilang maging kaibigan ka" pagpapalakas-loob sa akin ni manong Edgar na ikinangiti ko.
"Oo nga naman anak, bakit sila mayayabangan sayo eh malinis naman ang hangarin mong matulungan sila kahit paano. Bagong kakilala mo pa lang sa kanila pero heto at nag-e-effort kang matulungan sila" segunda pa ni yaya na ikinapanatag na rin ng loob ko.
Lalo akong na-e-excite na madala kina Ulan ang mga dala namin. Sana nga magustuhan nila.
Palinga-linga ako dito sa harap ng cathedral at hinahagilap ng mga mata ko ang magkakapatid. Marami-rami rin kasing tao at mga bata sa paligid na naglalaro sa mini playground nitong cathedral kaya ang iingay at gulo ng mga bata dito.
"Nandito ka nga! Akala ko nagbibiro ka lang kahapon!" napapitlag ako sa biglaang pagsulpot ng batang may karga pang sako na nakasampay sa balikat nito. As usual ay napakadungis na naman niya pero wala naman akong pandidiring maramdaman at kinamayan pa itong napapangiwing pinunasan sa maruming damit ang kamay bago nakipagkamayan sa akin.
"Mga kaibigan ko na kayo, bakit ko naman kayo paaasahin sa wala?" nakangiting saad kong ikinangiti nito kaya muling lumitaw ang malalalim nitong kabilaang dimples na 'di ko mapigilang sundutin.
"Nasaan ang mga kapatid mo? May dala akong para sainyo" nagningning naman ang mga mata nito pero pinamulaan din ng pisngi.
"Ahm, nasa bahay kasi sila ngayon eh. May lagnat si Ulan kaya binabantayan ni Ulap" saad nitong ikinalungkot ko.
Ngumiti naman itong nahihiyang tinapik ako sa balikat.
"Kung gano'n tara na" pag-aya ko na ikinakunotnoo noo nito.
"Huh? Saan?" takang tanong pa nitong napasunod na rin sa akin.
"Sa bahay niyo" simpleng sagot ko. Nakangiti naman si yaya at manong na pinagbuksan kami ng kotse.
"Halika na" untag ko dito nang nakatulala lang ito sa labas na namamanghang pinakatitigan ang kotseng kaharap.
"Ma-Marumi po ako" nahihiyang tanggi nito ng akayin ni yaya.
Kita ko ngang hindi siya komportableng sasakay ng kotse ko kaya inilahad ko na ang kamay ko dito.
"Nako hijo, masanay ka na sa alaga ko. Hindi ka tatantanan niyan hangga't hindi ka mapapayag. Sige na pumasok ka na" saad ni yaya kaya nahihiyang tinanggap nito ang kamay ko at pumasok ng kotse.
Sumakay na rin si yaya at manong pagkasakay nito sa tabi ko.
"Hijo, h'wag mong masamain hah? Pero....bakit kayo nangangalakal sa murang edad niyo. Nasaan ang magulang niyo?" baling sa amin ni yaya habang nakikipagsiksikan na si manong Edgar sa kahabaan ng traffic.
"Wala na po sila" mahinang sagot nitong ikinatigil naming tatlo. Pilit itong ngumiti pero kita ang bahid ng lungkot sa mga mata nitong napaiwas ng tingin sa akin.
"Gano'n ba. Eh sinong kasama niyo sa bahay?" pagtatanong pa ni yaya habang sa amin nakaharap na nakaupo sa tabi ni manong.
"Kami-kami lang po ng mga kapatid ko" muli kaming natigilan at lalong naawa sa kalagayan nila.
Mas nakakaawa pa pala sila sa iniisip ko. Hinawakan ko ito sa kamay ng makitang nangilid na ang kanyang luha. Maging kami nila yaya at manong ay pinangilidan ng luha sa siniwalat nito.
Sa kabila ng kawalang attention sa akin ng pamilya ko ay masasabi kong napakaswerte ko pa rin dahil kahit paano ay nandidyan silang inuuwian ko. May malaki at marangyang mansiong naghihintay sa akin sa paguwi ko. Masasarap na pagkaing nakahain na sa akin kapag nagugutom ako, hindi katulad nila na walang-wala. At kung hindi magtatrabaho sa pangangalakal ay wala silang kakaining magkakapatid.
"Hijo, may foundation ang mga amo kong magulang ni Collins para sa mga katulad niyong ulilang lubos, doon mapapagaan ang buhay niyo ng mga kapatid mo. Gusto mo bang dalhin namin kayo roon?" kaagad itong umiling sa alok ni yaya kaya napahinga ito ng malalim at pilit ngumiti kay Bagyo.
"Maraming salamat na lang po, pero ayaw po naming magkahiwa-hiwalay kaming magkakapatid. Kaya po nagsisikap akong kumita sa araw-araw para mapakain ko pa rin sila" naluluhang saad nito.
"Hayaan mo Bagyo, mula ngayon...katulong mo na ako sa mga pangangailangan niyo ng mga kapatid mo. Basta hayaan mo lang akong tulungan kayo" tumulo pa ang luha nitong kaagad pinahid at nangingiting bumaling sa akin.
"Salamat Collins, akala ko lahat ng anak mayamang tulad mo ay masasama ang ugali kagaya ng mga nanunukso sa aming mga bata sa tuwing nakikita nila kami at tinatawag na mga pulubi. Sana paglaki natin makaangat-angat na ako, at masuklian ang kabaitan mo sa amin lalo na ngayong walang-wala kami ng mga kapatid ko" kita sa mga mata nito ang saya at sinsiridad na ikinangiti ko na rin.
"Yeah, hanggang pagtanda natin magkakaibigan tayo. H'wag kang mag-alala, tutulungan ko kayo sa abot ng makakaya ko Bagyo" naluluha lang naman itong matiim na nakatitig sa mga mata ko na may munting ngiti sa mga labi.
PAGDATING NAMIN sa lugar nila Bagyo ay napapapilig na lamang ako ng ulo na mabungaran ang dikit-dikit na mga bahay at pawang gawa sa mga lumang kagamitan.
Maging si yaya at manong ay kitang 'di makapaniwalang nililibot ang paningin sa paligid.
"Ahm, Collins okay lang na hanggang dito lang kayo" napalingon ako sa katabi kong matamang na palang nakatitig sa akin at tila nababasa ang nasa isip kong takot na sumuong sa ganitong uri ng lugar!
Hindi ako sanay makihalubilo sa public kaya may takot akong nararamdaman.
"No, I wanna go inside...Tara na, may mga bodyguards naman akong kasunod lang natin" pag-alma ko.
Pagkababa namin ay pinagkukumpulan na kami ng mga tao na namamangha pa sa mga sasakyang nagsihinto dito sa gilid ng kalsada. Nagsihawi rin ang mga ito ng dumaan na ako kasabay si Bagyo at nakasunod naman sa amin sina yaya at manong at mga bodyguards ko.
Nagbubulungan pa ang mga nadadaanan namin sa mga nangyayari habang matamang nakatitig sa akin.
"Pasensiya ka na, iskwater kasi dito kaya ganyang kumpulan ang mga tao" bulong pa nito na tila nababasa ang pagtataka sa isip ko.
"Iskwater?" ulit kong ikinatango-tango nito.
Mahaba-haba rin ang nilakad namin sa makipot na daanan na pinapagitan ng mga bahay bago narating ang halos nasa dulo nitong lugar na isang kubo na pinagtagpi-tagping kinakalawang na yero ang dingding at bubong.
Alanganin itong ngumiti at itinuro ang kubong tinitignan ko.
"Yan ang bahay namin Collins, d'yan kami nakatira" turo nito sa kanilang bahay kaya napatango-tango ako at naglakad na kasunod nito.
Pagpasok namin ay naabutan namin sa loob ng masikip nilang tahanan ang dalawang kapatid nitong magkayakap na nahihimbing.
Parang tinutusok-tusok ang puso ko habang nililibot ang kabuoan ng bahay nilang luma-luma ang mga kagamitan at napakasikip.
"Tuloy po kayo" pag-aaya pa nito kaya sumunod na kami ni yaya na pumasok sa salang kinahihigaan nila Ulan at Ulap na nagising at pupungas-pungas napaupo sa banig na nakalatag sa 'di kakinisang semento.
"Kuya...may pagkain kang dala?" inaantok na tanong ni Ulan habang kinukusot-kusot ang mga mata at 'di kami napansin ni yaya na nakaupo sa mahabang plastic na upuang kaharap nila.
"Ahm, meron kaya kumain ka ng marami hah" namilog ang mga mata nitong napalingon sa akin na sumagot sa tanong nito sa kapatid.
"Coyens!?" gimbal na bulalas pa nitong ikinatawa namin ni yaya.
"Collins nga, hayan ka na naman sa pagkakabulol mo. Pinapabantot mo ang gwapong pangalan ko" napapakamot pa ito sa sabog-sabog na buhok.
Napapanganga ang mga ito ng isa-isa ng ipinasok ng mga bodyguards ko ang dalawang box ng mga damit ko at ilang box ng groceries, bigas, takeout foods at ang mga gamit ni Ulan na nakasilid sa mga paperbags.
"Nagustuhan niyo ba?" nangingiting tanong ko na tinangu-tanguhan lang ng mga ito at tila nahihipnotismong nilapitan ang mga pasalubong ko.
"Collins, sobra-sobra naman ang mga ito. Baka magalit ang mga magulang mong gumastos ka pa" nag-aalalang baling sa akin ni Bagyo ng makabawi sa pagkakatulala habang namamangha ang dalawa na binuksan ang dalawang naglalakihang box ng mga damit.
"Don't worry Bagyo, hindi naman sila ganon. Kapag nalaman nila ang sitwasyon niyo? Tiyak kukunin nila kayo at dadalhin sa shelter namin para may mangalaga sainyo. At para na rin makapag-aral kayo ng libre" pilit itong ngumiti at napatango-tangong nakisilip na rin sa ginagawa ng dalawang kapatid.
"Kids, kumain na muna tayo. Hindi ba nagugutom ka na Ulan?" agaw attention ni yaya na ikinaangat ng mukha nila sa amin.
Nagniningning ang mga mata nila ng tumayo na si yaya at itinabi muna sa gilid ang mga dala naming lalong ikinasikip ng espasyo nila Bagyo dito sa tulugan nila.
Kitang natatakam pa ang mga ito habang hinihintay matapos si yaya sa pagbubukas sa mga takeout nilang pagkaing naka-stiro pa.
"Wow! Flayd siken!" napangiti na ako sa bulalas ni Ulan ng ibigay ni yaya sa kanya ang isang stiro na may lamang kanin, chopsouy at fried chicken.
Napapapikit pa itong sarap na sarap sinasamyo iyon.
Nahihiya namang inabot ni Ulap at Bagyo ang ibinigay ni yaya. Napakagana nilang kumain na parang ginutom ng ilang araw kaya nakakaengganyong sabayan silang kumain.
Kahit marami-rami kaming dalang pagkain ay halos maubos na namin sa kaganahan nilang tatlong nakakahawa.
Sunod-sunod pa tuloy kaming dumighay at halos hindi na makahinga sa sobrang kabusugan.
Matapos naming kumain at nakapangpahinga ay si yaya na ang nagdala sa kusina nilang kaugnay lang din nitong salang tulugan nila ang mga groceries nila na tinulungan ni Ulap at Bagyo. Nilapitan ko na si Ulan at dinala ang ilan sa paperbags na para sa kanya.
"Hey, halika dito. May binili ako para sayo, dapat ang mga ito na ang isusuot mo ha" aniko at inilabas na sa mga paperbags ang mga bistida para dito.
Namilog pa ang mga mata nitong inagaw sa akin ang mga 'yon na bakas ang pagkakamangha! Napapanganga pa ito at hinalungkat ang iba pang laman ng mga paperbags na kaharap namin.
"Coyens, akin 'to? Totoo akin mga 'to?" 'di makapaniwalang bulalas nito.
"Oo, sayo ang mga 'yan. Halika may ituturo ako" inabot ko ang isang paperbag na naglalaman ng mga ponytails, hairclips, headbands at suklay.
"Ang haba ng buhok mo, dapat pinupusod mo para hindi nagsasasabog. Para kang batang manananggal sa itsura mo eh" napanguso naman ito sa komento ko kaya natatawa akong pum'westo sa likuran nito at maingat sinuklayan ang buhol-buhol nitong buhok.
Kay tigas pa na tila hindi nababasa at nanlalagkit rin.
"Naliligo ka manlang ba" bulalas ko ng kay hirap suklayin ng buhok nito.
"Yiyigo ako aa!" angal nito kaya napahagikhik ako sa pagkakabulol nito.
"Nagtatanong lang, galit agad?" maingat kong pinusod ang mahabang buhok nito at sinuutan din ng magkabilaang kulay pink na hairclip. Nangingiti kong nahaplos ito sa ulo at 'di napansing pinapanood na pala kami nila yaya, Bagyo at Ulap sa ginagawa namin ni Ulan.
Pinunasan ko rin ng wet wipes ko ang madungis nitong pisngi na hinahayaan lang naman nito. Mas lalo tuloy tumingkad ang makinis at maputing kutis nito.
Pumili din ako ng underwear at bestida para dito.
"Suot mo 'to, dali" napanguso ito pero sumunod din naman.
"Uy teka! Anong ginagawa mo!?" bulalas ko at napatakip ng mga palad sa mata dahil bigla itong naghubad sa harapan ko! Napahagalpak tuloy ng tawa sa amin ang tatlo.
"Bibihis, sabi mo ee" nagtatakang sagot nito.
"Oo nga, pero bakit naman sa harapan ko ka maghuhubad"
"Ee sa'n ba? Sa yekod mo? Tayekod ka kasi sisiyip-siyip ka kasi" pagmamaldita pa nito kaya napababa ako ng mga palad at nagmulat ng mata pero halos lumuwa ang mga mata ko na nakahubad na ito at akmang huhubarin na ang suot na panty ng pinigilan ko!
"Haist! Kulit mo, h'wag ka sabi maghubad sa harap ko. Kababae mong bata!" asik ko.
Naiiling namang lumapit si yaya sa amin kaya tumayo na ako at lumapit kina Bagyo at Ulap na natatawa sa reaks'yon ko.
"Pagpasensiyahan mo na si Ulan, Collins. Bata pa kasi at wala pang kamuwang-muwang" ani Bagyo na ikinangiti at tango ko.
" 'Di bale malay mo paglaki natin Collins, hindi mo na siya pipigilan kapag muling naghubad sa harap mo, kundi ikatutuwa mo pa " natatawang saad ni Ulap kaya nabatukan ito ni Bagyo.
"Puro ka kalokohan" panenermon pa nito sa kakamot-kamot na kapatid.
"Tama naman siya Bagyo, anong malay natin. Ibibigay ng tadhana sa akin si Ulan paglaki natin" segunda kong ikinalapad ng ngisi ni Ulap sa kuya.
"Kitam, kahit si Collins pareho kami ng mindset. Advance mag-isip" saad pa nitong umakbay sa akin.
Sakto namang tapos na ni yaya bihisan si Ulan at himalang nagmukhang prinsesang bubwit ito.
Namamangha kaming tatlo na lumapit sa kanya kaya napangiti itong nagpangiwi sa akin dahil kahit lumitaw ang malalalim niyang dimples ay bungi-bungi naman ang mga ngipin.
Sinimangutan pa tuloy ako ng mapatingin sa akin.
"Maganda ba 'ko Coyens?" napangiti akong sinundot ang dimple nito.
"P'wede na, basta maligo ka araw-araw at magmumukha kang bata" natatawang sagot kong ikinanguso nito.
Tatawatawa naman ang dalawang kuya nitong bumaling sa dalawang box na para sa kanila.
"Bata 'aman ako aa. Saka yiyigo kaya ako ayaw-ayaw" pagmamaktol pa nito kaya hinila ko na paupo sa mahabang upuan nilang kaharap lang ng dalawang kuya nitong ngayo'y namamangha ring hinahalungkat ang mga damit na bigay ko.
"Maganda ka, napakaganda mo Ulan" mahinang bulong ko sa punong-tainga nito na ikinalingon nito. Namilog ang mga mata ko ng aksidenteng dumaplis ang mga labi nito sa pisngi kong impit na ikinatili ni yaya sa tabi namin. Pinamumulaan tuloy ako sa pagkakahalik nito sa akin.
"Nako ang alaga ko....umiibig na yata" parinig pa ni yaya na lalong nagpainit ng mukha ko at 'di makatingin sa kanya ng diretso kaya lalo niya akong tinutudyo at mas lumapit sa amin kaya napapasadsad na kaming dalawa ni Ulan dito sa dulo ng upuan na halos magyakapan na kami.
'Di ko mapigilang mapangiti at may kakaibang tuwa sa puso ko sa panunukso nito sa akin kay Ulan na naguguluhang nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni yaya.
"Iibig? 'no 'yun Coyens?" inosenteng tanong nitong ikinalingon ko sa kanya.
" 'Di ba may lagnat ka?" nangingiting tanong ko na ikinatango-tango nito at matamang nakatitig sa akin.
" 'Yon ang ibig sabihin ni yaya na umiibig ako. Kasi may lagnat din ako" pang-uuto ko kaya mahinang napahagikhik si yaya.
"Iibig din ako Coyens!" bulalas nitong impit na ikinaiirit ni yaya kaya napapailing sa amin sina Bagyo at Ulap.
"Talaga, umiibig ka...sa akin" kahit binibiro ko ito ay parang lumukso palabas ng dibdib ko ang puso sa pagngiti at tango nito!
"Oo, iibig din ako...sayo"
"Yon ohh!!"