Chapter 1: The Montereal Siblings

1372 Words
Collins: "Mom, Look oh... I've got A+ in our class! I also perfect our exam today!" Pagmamalaki ko kay Mommy habang pinapakita ang test paper kong na-perfect score ko sa aming exam. Kasalukuyang nagluluto si Mommy dito sa kusina kaya't dito ako tumuloy. Nagpunas ito ng mga kamay at yumuko para mapantayan ako. Nakangiti itong pinagbubuklat ang mg test paper ko at namamanghang tinitignan ang mga correct answers ko! "Wow! Good job, my prince! Ang talino naman talaga ng anak kong 'yan!" Ani Mommy at niyakap ako nang mahigpit! "Thank you, Momm-" Naputol ang iba pa sanang sasabihin ko kay Mommy ng nagsidatingan na ang mga, Kuya at Ate ko galing eskwela. "Mommy! We're home!" Panabay pa nilang sigaw kaya't napatayo na si Mommy at inilapag na lang basta ang test papers ko sa dining table at masayang sinalubong sa pinto nitong kusina ang quadruplets niyang nagkukumahog lumapit sa kanya. "Dahan-dahan mga anak! Madadapa kayo!" Pag-aalala pa niya at saka isa-isang niyakap sina, Ate Catrione, Cathleen at Kuya Khiranz, Khiro at ang ampon naming si Charrie. "Mommy, look oh! I've got perfect score in our class!" Ani Kuya Khiro. "Me too, Mommy! I've got perfect score in our exam!" Sigaw din ni Kuya Khiranz. "Mommy, I've perfect my test too!" Sabat din ni Ate Catrione. "Mommy, me too! I maintained my position as top one!" Pagyayabang din ni Ate Cathleen. "Me too, Mommy! My teacher said, I've got the highest score in our exam!" Ani Charrie at sabay-sabay pa nilang iniabot kay Mommy ang mga test papers nilang lima! Napatakip na lang ako ng mga tainga sa pagkukumahog nilang ipinagyayabang kay Mommy ang mga achievements nila. Kaya nga nauna akong umuwi para maipakita kina, Mommy at Daddy na naka-perfect ako sa exam namin pero saglit lang at dumating na ang quadruplets na siyang nang-agaw sa attention ni Mommy sa akin. Mapait akong napangiti ng hindi na nga ako naalala ni Mommy at hinila na siya ng quadro sa living room. Tinuloy na rin ng mga maids ang niluluto nitong nakalimutan dahil sa mga kapatid kong kay gugulo! Dinampot ko ang test papers kong nilapag ni Mommy sa dining table at isinilid muli sa bag ko. Naluluha akong lumabas ng kusina at tumuloy na sa elevator nitong mansion. Panay pa rin ang pagyayabang ng lima sa mga achievements nila habang tuwang-tuwa naman si Mommy na nakikinig sa kanila. Tuluyang tumulo ang mga luha ko ng 'di manlang nila ako napansing dumaan sa gilid nila habang kalong na ni Mommy ang tatlong babae sa kandungan niya. Nabuhayan ako ng loob nang dumating si Daddy na may napakalawak na ngiti sa mga labi! Pumihit ako at akmang sasalubungin ko siya ng inunahan na ako nila, Kuya Khiranz at Khiro na patakbong sumalubong at nagpabuhat kay Daddy. Kinarga din naman sila ni Daddy sa magkabilaang braso at pinaghahalikan din ang mga ito. "Anong meron? Dinig na dinig kayo hanggang labas ah!" Ani Daddy na may malapad na ngiting iginawad sa lahat. "Daddy!!" "Daddy!!" "Daddy!!" Panabay na sigaw ng tatlong babae kong kapatid at patakbong sumalubong kay Daddy na patungo sa salang kinaroroonan nila. Tumalikod na ako at tumuloy sa elevator. Gan'to naman lagi dito sa mansion. Out of place ako sa paningin nila, Mommy at Daddy sa tuwing nasa paligid ang quadruplets at si Charrie. Nakakatawang ako ang bunso pero, ako ang hindi napapansin sa mansiong ito! Ibinato ko sa couch nitong silid ko ang bag ko at dumapa sa kama. Sumubsob ako sa unan at dito umiyak ng umiyak! Palagi na lang ang quadruplets ang bida sa mga mata nila. Paano naman ako? Dahil ba solo birth ako, kaya natatabunan ako lagi ng quadro? Ang swerte na nga nila dahil may kanya-kanya silang kalaro. Si Kuya Khiranz kalaro at kasa-kasama lagi si Kuya Khiro. Same din sila ng school na pag-aari nila Tita, Naeya at nasa grade six na ang mga ito. Maging sina Ate Catrione at Ate Cathleen ay grade six na rin sa ibang private school na pag-aari nila, Tita Irish kasama din nila doon si Charrie na ampon nila, Mommy. Silang tatlong babae ang magkakalaro kaya wala akong kalaro at kasa-kasama kundi sina, Yaya Elsa, Manong Edgar at iba pang bodyguards ko. Sila lang ang nakakapansin sa akin, sa mga achievements ko, maging sa mga activities ko sa school. Dahil nasa lima ang full attention nila, Mommy at Daddy. Matatalino kasi ang mga kapatid ko, active din sila sa mga sports nila sa school kaya proud na proud ang mga magulang namin sa bawat achievements nila. Samantalang ako? Makaka-perfect lang ako kung pagbubutihin ko, pero minsanan lang 'yon dahil hindi rin naman kasi naa-apreciate nila, Mommy at Daddy. Walang laban ang isa sa apat, walang panama ang pagiging bunso ko sa quadruplets na panganay ng mga magulang namin . Idagdag pa ang inampon nilang anak ng kaibigan ni Mommy na si Charrie, kaya ito na ang bunso sa pamamahay na 'to at tuluyan nang walang nakakapansin sa prehens'ya ko. Napaangat ako ng mukha nang bumukas ang pinto at niluwal no'n si Yaya Elsa. Nakangiti ito pero malungkot ang mga matang naaawa sa aking umiiyak mag-isa. May dala itong tray ng icecream at lasagna. Sa tuwing malungkot ako at umiiyak, alam na alam ni Yaya Elsa ang magpapagaan ng loob ko. Ang mga paborito kong snack. "Kawawa naman ang alaga ko, pumapangit na tuloy." Nakangusong saad nito. Napalabi naman ako at umayos ng upo. Inilapag nito sa bedside table ang dalang snack bago naupo sa gilid nitong kama ko. Malungkot itong ngumiti at pinahid ang mga luha ko. "Yaya..." "Shhh...tahan na anak, tignan mo nga oh, namumula na ang mukha mo." Pag-aalo pa nito at pinaghahalikan ako sa buong mukha. Gan'to siya lagi, napaka-sweet at maasikaso niya sa akin dahil busy sina, Mommy at Daddy sa lima. "Eto oh, dala ko ang paborito ng gwapong alaga ko. Award 'to ng anak kong 'yan dahil bukod sa gwapo na, matalino na, at mabait pa!" Pambobola pa nito na ikinangiti ko. "Wow! Patingin nga ulit ng ngiting 'yan! Ang gwapo-gwapo talaga ng anak ko!" Aniya at muli akong pinupog ng halik sa mukha at leeg na nagpahalakhak sa akin dahil sinabayan din niya akong kilitiin! SIMULA MAGKAISIP ako si Yaya Elsa na ang nasa tabi kong nang-aalaga sa akin. Hanggang sa nagsimula na akong pumasok sa kinder ay siya lagi ang nakaalalay sa akin. Mula sa paghahanda ng mga baon ko, isusuot ko, at iba pa. Sila ni Manong Edgar ang naghahatid-sundo sa akin sa school ko at nagbabantay sa akin doon kasama ang ilan ko pang bodyguards. Nasa grade three na ako habang graduating naman na ang mga kapatid ko sa elementary. Kasabayan ko rin si Charrie, pero sa school nila Ate Cathleen at Catrione siya nag-aaral dahil sama-sama silang mga babae. Matapos kong magmeryenda, pinaliguan na rin ako ni Yaya Elsa. Tinulungan din niya ako sa ilang assignment ko, pagkatapos sinamaan din akong maglaro ng car racing games na app ko sa iPad. Panay ang kant'yaw ko dito at drawing ng pentelpen sa kanyang mukha dahil palagi itong talo! 'Yon kasi ang patakaran namin sa bawat laro. Ang matatalo ay gugguhitan sa mukha. "Yes!! Gotcha Yaya! I won again!" Nagtatatalon pa ako sa sobrang tuwa na natalo ko na naman ito! "Ayo'ko na! Dinadaya mo na, Collins huh!" Anito at akmang tatayo na kaya hinila ko sa kamay at muling napaupo. Kaagad kong inabot ang pen at ginuhitang muli ito sa mukha! Mukha na siyang panda sa mga pangguguhit ko sa kanyang mukha dahil palaging talo ito sa akin! "Hahaha! Tama na! Pinapapangit mo na ako!" Pabaling-baling ito ng ulo kaya lalong nagkalat ang pinta ng pen sa kanyang mukhang ikinatawa ko! "Hahaha! Look Yaya! Mukha ka nang Inang panda!" Tatawa-tawang komento ko na ikinaningkit ng mga bilugan niyang mata." "Ikaw huh! Anak kita kaya kung ako si Inang panda, ikaw naman ang baby panda ko!" Aniya at binawi ang pen sa akin. "No way!! Yaya! Ayo'ko, It's not my fault if I always won our bet!" Kaagad akong tumayo at tumalon sa kama! Tumayo rin kaagad si Yaya at hinabol ako. Napuno ng tawanan namin ang buong silid ko sa paghahabulan namin ni Yaya dahil desidido itong gawing panda ang mukha ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD