Collins: NANGUNOTNOO AKO na maramdamang may kung anong matigas na bagay na kinadadantayan ang kamay ko. Imposible namang unan 'to? Napakapa ako dito at parang nabuhusan ng malamig na tubig na ma-realize na.....yakap ko si Ulan at baka nabibigatan na ang anak namin sa kamay ko! Kusang sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko na mapatitig kay Ulan at sa tyan nitong kita ang baby bump nito lalo na't wala itong ni anong saplot. Napakagat ako ng ibabang labi na napahaplos sa tyan nito at masuyong humalik dito. "Good morning baby, how are you there?" bulong ko. Pero para naman ako nitong narinig na biglang gumalaw at sumisipa-sipa na naman! Parang lulundag palabas ng dibdib ko ang puso ko sa sobrang saya na nagre-react ito! "Uhmm" napalapat ako ng bibig nang napaungol si Ulan na nahaplos