Collins: ISANG LINGGO DIN NAMALAGI si Ulan sa hospital. Nanghihina kasi ito at nangailangan masalinan ng dugo. Mabuti na lang at compatible sila ni kuya Khiranz at Khiro na siyang pinagkunan namin ng maisasalin dito. "How are you son?" napangiti ako sa pagyakap ni mommy Liezel mula sa likuran ko. Hindi ko namalayang dumating na pala ito. "I'm good Mom" napapihit akong niyakap din ito na mariing humalik sa kanyang noo. Wala pa ring kupas ang ganda niya. Lalo na ang kakulitan at kapilyahan niya pagdating sa aming mga anak at apo lalong-lalo na pagdating kay daddy. Dinaig pa nila kaming mga anak kung magharutan sila. "Yeah. I can see it sweetie. And I'm so happy for you my Collins" napalabi akong ikinahagikhik nitong pinupog ng halik ang mukha ko maging labi ko! "Mom" saway kong nata