Collins: NAGISING AKO NA may marinig na tila iyak ng.....sanggol!? Napabalikwas ako mula sa pagkakahimatay ko sa wardrobe namin na sapo ang noo kong tumama sa pinto kaya sa pagkakataranta kong ikinandilim ng paningin ko at tuluyang nawalan ng malay! Sobrang bilis ng t***k ng puso ko na baka nagsilang na si Ulan na hindi ko na naman nasamahan! "Honey?!" nanigas akong napako sa kinatatayuan nang makita ito sa gitna ng kama. Iba na ang suot at nakahinga patagilid na may katabing.....sanggol!!? Tumulo ang luha kong nakatulalang naglakad na parang robot palapit sa mga ito. Umiiyak na si baby, pero bakit ang himbing ng tulog ni Ulan? Hindi ba niya naririnig o nararamdaman ang anak namin gayong nakakulong iti sa kanyang bisig. Napalunok akong nilukob ng kakaibang takot na makitang sobrang putl