Chapter 4 Jealousy

1858 Words
Collins: MADILIM NA NANG makauwi kami ng mansion. Naabutan ko naman ang mga magulang ko sa sala na kinakalaro ang limang kapatid ko kaya tumuloy na lang ako ng elevator. Bigla ring sumama ang pakiramdam ko at namimigat ang katawan ko. Nilingon lang naman ako nila mommy at daddy at muli ring bumaling sa lima na tuwang-tuwang nakikipaglaro sa kanila. Tumuloy na ako ng banyo para makapag-shower. Nahawaan yata ako ni Ulan ng lagnat nito sa paglalapit namin. Kahit namimigat na ang katawan ko ay napapangiti pa rin ako na maalala ang kakulitan nito. Nakakahanga ang katatagan nilang magkakapatid lalo na si Bagyo na siyang tumatayong magulang ng dalawa niyang nakababatang kapatid. Kahit kapos sila sa material na bagay-bagay ay nag-uumapaw naman ang pagmamahalan nila sa isa't-isa. 'Di ko maiwasang maiinggit sa samahang meron sila, kasi sa hirap at ginhawa ay magkakasama at nagtutulungan silang lagpasan bawat hamon ng buhay. Kaya nangako ako sa sarili kong tutulungan ko sila, kahit sa financial man lamang dahil doon naman ako nag-uumaapaw. Pero pagmamahal ng pamilya? Said na said naman ako. "Collins anak, inumin mo muna 'to" pilit akong ngumiti kay yaya na may dalang gatas at donut. Sininat pa ako nito at nanlamlam ang mga mata na tumayo at kinuhaan ako ng gamot sa cabinet ko. "Next time h'wag ka ng magpupunta doon huh? Malilintikan tayo sa Mommy at Daddy mo kapag malaman nilang dinala ka namin sa iskwater, tignan mo nga oh. Nilalagnat ka na" panenermon nito pero bakas naman ang lungkot at pag-aalala. "Ya, mga kaibigan ko sila. Kung nasaan sila? Nandon din dapat ako" pag-aapila ko pang ikinahinga nito ng malalim. Inabot na nito ang dessert at gatas na dala nitong agad kong kinain para makainom na rin ako ng gamot ng hindi na ito mag-alala pa. Hinahaplos-haplos pa ako nito sa ulo na matamang akong pinapanood na kumakain. Para niya akong inaamong tuta habang pinapakain sa ginagawa nito. Pagkatapos kong makainom ng gamot ay inalalayan pa ako nitong mahiga at nagdala ng maligamgam na tubig at face towel para mapunasan ako. Napakamaasikaso talaga niya na tila hindi napagod sa maghapong ito. "Thanks Ya, hayaan mo paglaki ko...ikaw naman ang aalagaan ko" inaantok kong saad at namimigat na rin ang mga talukap ng mata ko. Ngumiti itong tumango-tango habang pinupunasan pa rin ako at kita ko ang pagtulo ng kanyang luha. "Tatandaan ko 'yan anak. Basta h'wag kang magbabago hmm?" sagot pa nitong ikinangiti at tango ko bago nagpatangay sa antok. NAPAPABALING-BALING ako ng ulo kong tila binibiyak sa sobrang kirot! Nanghihina at namamanhid rin ang buong katawan ko na parang nabugbog. Ramdam ko ang sumisingaw na init sa katawan ko at ang pagkakatuyo ng lalamunan! "M-Mommy... M-Mommy" pagtawag ko kay mommy para magpasaklolo. Ni hindi ko na magawang imulat ang mga mata ko. Napabalikwas naman ang katabi kong kaagad akong sininat at napatili pa itong naalarma! "Collins! Collins anak gumising ka! Magmulat ka anak!" Sunod-sunod nitong bulalas na natataranta! Habang niyuyugyog na ako! Maya pa'y narinig ko ang pagtakbo nito palabas ng silid at ilang sandali lang ay may mga yabag na akong naririnig papalapit sa kinahihigaan kong kama. "Sweetheart!? How dou you feel anak?! Jusko Cedric ang kotse!" bulalas ni mommy na siyang kumarga sa akin at panay ang halik sa mukha kong ikinatulo ng luha ko. "M-Mommy" nanghihinang tawag ko dito habang patakbo ang mga ito palabas ng silid. "I'm here anak, Mommy's here huh? Kaya mo 'yan anak labanan mo lang okay?! H'wag ka munang iidlip anak ko" nanginginig pa ang boses nitong bakas ang pag-aalala sa tono. Saglit lang ay naramdaman ko na ang pag-andar ng kotse na sinakyan namin habang karga pa rin ako ni mommy na mahigpit akong yakap-yakap at panay din ang halik sa akin. "Yaya what happened?! Bakit inaapoy ng lagnat ang anak ko 'di mo sinasabi?!" panenermon ni daddy na sa tingin ko'y siya ang nagmamaneho nitong kotse. "Sorry po Sir" mahinang sagot ni yaya. Hinihintay kong sabihin nitong nagtungo kasi kami ng iskwater kahapon pero wala na akong ibang narinig dito kaya napapahinga na lamang ng malalim si daddy. "No Yaya, don't apologize, it's not your fault. We're not blaming you okay? Alam at kita naman namin kung paano mo inaalagaang mabuti ang bunso namin" pag-aalo naman ni mommy. "Salamat po Ma'am" mahinang sagot lang ni yaya. "Collins, do you hear Mommy anak? Malapit na tayo huh? Don't worry sweetheart, Mommy and Daddy won't leave you" pagkausap pa nito na yakap-yakap akong ikinangiti ko at ninamnam ang sandaling nakakulong ako sa bisig ni mommy. Kailangan ko lang pa lang magdeliryo sa lagnat para makuha ang attention nila ni daddy at ako ang aasikasuhin nila. Ako lang, kung saan solo ko sila. PAGDATING NAMIN ng hospital ay kaagad na akong inasikaso ng mga family doctor namin. Nakasunod naman si na mommy, daddy at yaya na kita ang pag-aalala. Kahit inaantok na ako ay dinig ko pa ang pagpapagalit ni mommy kay yaya ng lumabas sa resulta ng test kong...may dengue ako at muntik malagay sa peligro ang buhay dahil bumagsak na ang plasma ko. "Mommy..." napabaling-baling ako ng ulo kong parang sasabog na sa sobrang kirot. "Collins anak...nandito si yaya" napadilat ako at tumulo ang luhang si yaya Elsa ang nakatunghay sa akin na hinihilot ang ulo ko. "Yaya...si Mommy at Daddy?" mahinang tanong ko. Tuyong-tuyo din ang lalamunan ko kaya hirap akong magsalita. Kita sa mga mata nito ang lungkot at awa habang hinahaplos ako sa ulo. "Nasa kabilang room sila anak. Nagkasakit rin kasi ang mga kapatid mo at lumabas na may dengue din sila" napalabi akong napabaling sa kabilang direksyon ang mukha. "H'wag ka ng magtampo anak, nandito naman ako at ng manong Edgar mo. Kami ang mag-aalagaan sayo" pag-aalo nito dahil kita nitong tahimik akong umiiyak na nakadantay ang siko sa mga mata ko. "Kailangan ko din si Mommy at Daddy Yaya. Gusto ko din magpaalaga sa kanila. Bakit lagi na lang ang quadro ang inuuna? Hindi ba nila ako mahal? Bakit pakiramdam ko hindi nila ako anak? Hindi nila ako mahal. Wala silang oras sa akin, wala...wala silang pakialam sa akin" napahagulhol akong 'di napigilang maglabas ng sama ng loob. Lalo lang sumasama ang pakiramdam ko at parang binabarina ang utak ko sa pagtindi ng kirot nito sa pag-iyak ko. Sumampa naman si yaya at niyakap ako mula sa likod na ikinulong sa kanyang bisig. Lalo akong napahagulhol na si yaya na naman ang nandidito para sa akin. Nang makalma ko na ang sarili ay pinilit kong bumangon kahit nanghihina pa ako at parang umiikot ang paligid ko. "Saan ka pupunta anak?" napabangon din si yaya at inalalayan akong makaupo sa wheelchair. "Silipin ko lang sila Mommy at Daddy Yaya" lumamlam ang itsura nitong yumuko at hinaplos ako sa pisngi. "Anak, h'wag na. Masasaktan ka lang" umiling akong pilit ngumiti. "Silipin ko lang sila Yaya, sige na please. Dalhin mo ako sa room nila" wala na itong nagawa sa pakiusap ko at dahan-dahang pinihit ang wheelchair ko palabas ng silid. Nahihimbing naman na si manong Edgar sa sofa na humihilik pa kaya marahang sinipa ni yaya ang paa nito ng madaanan namin. Sa kabilang room lang naman ang silid ng mga kapatid ko. Napasilip ako at kitang gising pa si mommy at daddy. Nandidito nga ang quadruplets at gaya ko ay may mga suero sa kamay. Magkatabi sa malaking kama si kuya Khiro at Khiranz na salitang binabanyusan ni mommy ng towel habang sa kabilang kama magkatabi ring nahihimbing na si ate Catrione at Cathleen na inaasikaso din ni daddy. "Khiro, Khiranz...pahinga na huh sweethearts, nandidito lang si Mommy. Hindi ko kayo iiwan mga anak ko" pagkausap ni mommy kina kuya na inaantok ng nakamata sa kanya at pilit ngumiti at tumango. Itinabi na rin ni mommy ang tupperware at towel sa katabing lamesa at nahiga na sa pagitan nila kuya na agad yumakap sa kanya. Pinaghahalikan niya ang mga ito at ipinaunan sa kanyang dibdib na sabay hinahaplos sa kanilang likod at agad nakaidlip. "Daddy ...." nanghihinang pagtawag ni ate Catrione kay daddy kaya maging si ate Cathleen ay napadilat din. Itinabi na rin ni daddy ang pinangpupunas sa mga ito at humiga na sa pagitan nila ateng agad umunan sa kabilaang braso nito. Panay din ang halik ni daddy sa ulo nila habang hinahaplos ang mga ito sa ulo. "Matulog na ang mga prinsesa ko, nandidito lang si Daddy. Hindi aalis ang Daddy kaya magpagaling na kayo huh? Ayaw namin ni Mommy na nagkakasakit kayo" malambing pagkausap ni daddy sa mga itong napatango. "Thank you Daddy, we love you po. Kayo ni Mommy" inaantok na sagot ni ate Catrione. Kita ko pang napangiti si daddy maging si mommy na napalingob sa gawi nila daddy. "Your welcome anak, obligasyon namin ng Mommy na alagaan kayong mga anak namin, hindi niyo kailangan magpasalamat na inaalagaan namin kayo. Magpalakas kayo huh? Kapag gumaling na kayo, pupunta tayong muli sa disneyland" napatunghay pa ang mga ate kong pinaghahalikan si daddy sa mukha at muling umunan sa kabilaang braso nito. "Thank you Daddy, magpapagaling na po kami ni Cathleen" masiglang sagot ni ate Catrione na may malapad na ngiti. Mapait akong napangiti at 'di mapigilang mainggit sa kanila. Kung sabay-sabay pala kaming malalagay sa peligro ay ang quadruplets ang uunahin nila mommy at daddy kaysa sa akin na ipapaubaya na lamang ang kaligtasan kay yaya. Magrereklamo pa sana ako ng pihitin na ni yaya ang wheelchair pabalik ng room ko pero humaplos na ito sa ulo kong tila sinasabing tama na. Nakita ko na sila. Tahimik akong inalalayan ni yaya na makasampang muli sa kama. Tumabi rin ito at muli akong sinalat. Napahinga ito ng malalim na bakas ang simpatya sa mga nanlalamlam nitong mga mata. "Sinabi ko naman sayong masasaktan ka lang. H'wag mo ng damdamin ang nakita mo anak" "Sanay na po ako Ya, okay lang ako" tumalikod na ako dito dahil muling tumulo ang luha ko. Tumayo naman ito at saglit lang ay pinihit ako patihaya na hinayaan ko na lang at pinanatiling nakapikit ang namimigat kong mga talukap. Naramdaman ko pa ang basang tela na marahang ipinupunas nito sa mukha at leeg kong ikinangiti ko. "Salamat Yaya, ikaw ang the best Yaya at Mommy para sa akin. Sana ikaw na lang ang Mommy ko. Baka mas masaya pa ako na kayo ni manong Edgar ang naging magulang ko" inaantok kong saad na ikinatigil nito sa pamumunas sa akin. "Pambihira kang bata ka, mamaya marinig ka nila ma'am at sir Cedric sabihin pang tinuturuan kita ng mga ganyang bagay" mahina akong natawa kahit inaantok na sa bulalas nito. Natawa na rin itong muli akong pinunasan. "Seryoso po ako, sana kayo na lang ang naging Mommy ko Yaya. Sana kayo na lang si Mommy na laging inuuna at inaasikaso ako. Kaya mahal na mahal ko po kayo" "Salamat anak, mahal na mahal ka rin ni Yaya at manong Edgar mo. H'wag ka ng magtampo, magpalakas at magpagaling ka na para makasama tayo sa disneyland okay?" masiglang saad nitong ikinatango ko na lamang at nagpatangay na sa antok. Okay lang 'yan Collins, may yaya Elsa at manong Edgar ka namang minamahal ka ng sobra-sobra
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD