CHAPTER FOUR

2130 Words
“LEAVE me alone!” angil ni Ethan nang magising siya mula sa malalim na pagkakatulog dahil sa makulit na panggigising sa kaniya ng pinsan niyang si Juancho. Pumihit siya paharap sa may gawi ng pader at saka iritableng itinalukbong ang blanket hanggang sa ulo niya. “Hey, Ethan! Wake up! Wake up!” muli niyang narinig na pangigising sa kaniya ng nakababatang pinsan. Mas marahas din ang ginawa nitong pagyugyog sa kaniya na para bang determinado talaga na magising siya pagdaka’y tinanggal nang tuluyan ang nakatalukbong sa kaniyang blanket. “You’re getting into my nerves!” babala niya sa pinsan niya habang nakapikit pa rin saka muling kinapa ang blanket na nasa may gilid niya subalit muli iyong hinila ni Juancho palayo sa kaniya. “Yeah right! Well, you need to wake up! You need to take this call!” imporma nito sa kaniya. Juancho will not bother his sleep if it is not important but right not, walang mas importante sa kaniya kundi ang bumalik sa pagtulog. “Tell whoever it is that I’m not here,” pagkuwa’y bulong niya habang nakapikit pa rin. Itinabing pa niya ang braso sa tapat ng mata niya dahil aninag pa rin kasi niya ang liwanag sa kabila ng pagpikit ng kaniyang mga mata. “No. I’m, afraid I cannot do that, Insan,” matatag na tanggi nito, dahilan para mapilitan siyang magmulat ng mga mata. Bahagya pa siyang nagpamungas-mungas nang masilaw sa liwanag ng kuwarto niya. “What the hell—” iritable niyang sambit na naputol nang kaagad nitong ipakita sa kaniya ang hawak nitong cordless phone. Humugot ito ng hininga at saka tinakpan ang mic ng telepono pagdaka’y bumulong, “It’s your mom. Take it or you’re dead!” may babalang wika nito. “What?!” bulalas niya sabay bangon nang ‘di oras. “Did you tell her that I’m here?” nanlalaki ang mga mata at butas ng ilong na tanong niya kay Juancho. “She already knew that you’re here,” sagot naman nito. “Talk to her,” giit nito. Marahas siyang nagpakawala nang hininga saka pinukulan ng nakahihiwang tingin ang pinsan. Huli na para pagtaguan niya ang kaniyang ina. Nasukol na siya at napurnada ang patuloy na pagtatago niya sa magulang niya. There is no way for him not to talk to her anymore. Napilitan siyang kuhanin ang phone mula rito at paangil na tinabig ang kamay ng pinsan nang marahan siya nitong tapikin sa balikat. Mangani-ngani niyang upakan ang pinsan lalo na nang ngingiti-ngiti itong humakbang patungo sa may pinto bago sumandal sa hamba ng pintuan. Pinagsalikop pa nito ang dalawang braso sa tapat ng dibdib nito at nakangisi siyang pinagmasdan. Pinangunutan muna niya ito ng noo at pagdaka ay pinukulan nang masamang tingin bago siya nagbuga nang malalim na hininga at kinausap ang mommy niya. “Mom,” mahinang tawag niya rito bago niya sinuyod ng kaniyang kamay ang itim at alon-alon niyang buhok na hanggang balikat. “Finally!” his mother exclaimed then heaved a sigh. “How are you, mom?” tanong niya sa kaniyang ina bago siya umurong ng upo at inilagay ang dalawang unan sa may headboard saka muling sinamaan ng tingin si Juancho na noon ay kinuha ang atensyon niya pagdaka’y nag-wave sa kaniya at tuluyan nang lumabas ng kuwarto niya. Naiiling niyang inalis ang tingin sa nakapinid nang pintuan at saka marahang inayos ulit ang unan habang pinapakinggan ang sinasabi ng ina. “I am fine now that I finally talked to you…” pasaring na tugon nito bago muling nagpakawala ng hininga. “When are you coming home?” sunod na tanong nito. Sumandig siya sa dalawang unan na nasa headboard niya saka niya muling ipinikit ang kaniyang mga mata bago tinatamad na sinagot ang tanong ng nanay niya. “I don’t have plans of coming home, you already know that, right?” “Pero, anak—” protesta sana ng mommy niya na agad naman niyang sinupil. “Sige na, mom. Don’t worry about me. I’m doing great here,” putol niya sa sasabihin ng ina saka marahang minasahe ang ulo niya. May hangover pa rin siya mula sa pagkalango niya sa alak kagabi dahil sa kagagawan ng magaling niyang pinsan na nagdala ng babae sa bahay nito para paglibangan niya. “Liby needs you, Ethan,” muli siyang napadilat nang marinig ang sinabi ng mommy niya. Pakiramdam niya ay biglang nanikip ang dibdib niya nang maramdaman ang kakaibang sakit na sumakop sa puso niya. “She needs you right now, anak,” ulit na bulong ng kaniyang ina sa paraang kahit na sinong may batong puso ay matutunaw… but not him. He took a deep breath then exhaled sharply. “I beg to disagree…” he said, trying to hold back every emotions he’s feeling right now. “Look, mom, that child doesn’t need someone like me in her life. Not now, not ever!” Pinilit niyang maging malamig ang tono niya bago siya muling nagpakawala ng hininga at marahang tinapik-tapik ang dibdib niya na para bang sa pamamagitan noon ay magluluwag ang paghinga niya nang panandalian. “Don’t say that, Ethan!” saway kaagad sa kaniya ng mommy niya. Medyo tumaas ang din boses ang boses nito sa kabilang linya. Alam niyang nasaktan ito sa sinabi niya dahil para na rin kasi niyang sinabi na wala siyang balak maging malapit sa sanggol sa kabila ng pagkasawi ng magulag nito. He really intended to do exactly just like that so she could no longer insist for him to go back to the Philippines. “I know, you didn’t mean it!” pagsamo pa nito. He let go a deep sigh then released it in full f*rce. “You know exactly what I mean, mom. I’m a mess right now and I cannot change just because of that baby,” tila mawawalan na ng pasensyang sambit niya. “She’s not just any other baby, Ethan!” sigaw nito sa kaniya. Rinig niya sa telepono ang marahas na paghinga nito at alam niyang namumula na ito sa galit at sama ng loob sa kaniya. “I don’t wanna do this but you leave me leave no choice…” panimulang babala ng matanda na ikinakunot ng noo niya. What is her scheme this time? “I don’t need your money, if that’s what you—” aniya na kaagad na pinutol ng matandang babae. “I know better, young man!” muling sigaw nito. Sigurado siyang kung sakaling nasa harapan lang niya ito ay halos umusok na siguro ang bumbunan nito sa pag-aalburuto at mangiyak-ngiyak na ang mga mata nito sa galit sa kaniya. “Whatever it is, rest assured that I will never go back there, mom. And that’s final,” matigas na pahayag niya, pilit na binalewala ang pagta-tantrums ng ina. She chuckled in a bitter way then sighed again. “Okay then. If that’s your decision, okay. I won’t ask you anymore,” tila ba pag-surrender nito sa kaniya. “Alam mo naman, anak, na matanda na kami ng daddy mo para alagaan si Liby and she may get a better life and may find a home full of love kung mapupunta siya sa ibang tao. Perhaps, sending Liby for adoption will be the best for her future—” “Don’t you dare do that!” sigaw niya kasabay ng bigla niyang pagbangon nang marahas. Maging siya ay nabigla sa pagsigaw niya. Natigilan naman ang mommy niya at hindi kaagad nakapagsalita dahil sa tinuran niya. Once in a blue moon lang siyang magalit at sumigaw, and when he does, kahit ang sariling magulang niya ay tumitiklop. Nagbuga siya ng hangin saka pilit na kinalma ang sarili. Makaraan ang ilang sandali ay saka siya muling nagsalita. “All right. You win!” pagsuko niya saka pinatay ang telepono nang hindi man lang hinintay ang pagsagot ng kaniyang ina. Mahigpit niyang ginagap ang cordless phone bago kunot ang noong itinapon iyon sa ibabaw ng kama bago siya tuluyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa kama saka padabog na pumasok ng banyo at naghilamos. “You have to do it sooner or later anyway, Ethan,” pagkausap niya sa sariling repleksyon sa salamin habang tumutulo ang tubig mula sa kaniyang mukha at mahigpit na nakagagap ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ng concrete sink ng banyo. Marahas siyang humihip ng hangin saka iiling-iling na muling dumukwang para maghilamos ulit. He needs to go back to his place and plan whatever he needed to do before he goes back to the Philippines. Pagkalabas ng banyo ay ni hindi man lang siya nag-abalang ayusin ang gusot niyang puting t-shirt o magsuklay man lang ng buhok. Padalasdas niyang kinuha ang itim niyang jacket na nakakalat sa lapag bago iyon isinampay sa isang balikat niya pagkuwa’y kinuha niya ang knapsack niyang nasa ibabaw ng bed side table at saka tuluyang lumabas ng kaniyang silid. Bagama’t may sarili siyang bahay, may nakalaan pa ring kuwarto para sa kaniya kapag naroon siya sa bahay ng mga ito. Agad na tumayo si Juancho mula sa pagkakasalampak nito sa sofa at saka nagtatakang sumunod sa kaniya sa may kusina nang doon siya dumiretso. “Hey, ‘insan. Don’t tell me, you’re gonna disappear again, huh?” tanong nito saka biglang tumigil nang bigla siyang pumihit paharap dito. Blangko ang ekspresyon niya nang tinitigan ito at saka siya nagpakawala nang malalim na hininga. Itinaas niya ang isang kamay saka pisinil-pisil ang balikat nito na para bang doon ibinubuhos ang pagkairita kaya naman napa-‘aw’ ito. Muli siyang nag-exhale bago siya pagak na tumawa. “I’m going back to the Philippines in two days. Sama ka?” sarkastikong sambit niya na ikinanganga ng bibig nito at ikinalaki ng mga mata ng pinsan niya. “Wait, what?” hindi makapaniwalang tanong nito bago mas lalo pang nanlaki ang mga mata nang makita sa ekspresyon niya na seryoso siya sa sinabi niya. Kaagad nitong pinakiramdaman ang noo niya saka nagpatuloy sa pagsasalita. “Wait, ‘insan. Are you sure, you’re okay? Do you still have a hangover? You’re saying things you don’t usually say—” “Do I look like I’m joking?” mas lalo pang seryoso nang tanong niya rito at saka ito muling tinalikuran bago binuksan ang ref at kumuha ng isang bote ng tubig roon. “S-Seriously?” hindi pa rin makapaniwalang sambit ni Juancho saka siya pinatigil sa paglalakad nang tumbukin naman niya ang sala. “Stop!” anito saka hinawakan naman ang pisngi at leeg niya at pinagmasdan ang mukha niya. “Are you sure, you’re okay? By any chance, do you feel dizzy—” Tinapik niya ang kamay nito saka siya nagpatuloy sa paglalakad habang binubuksan ang bote ng tubig bago iyon nilagok. Muli siyang napatigil sa paghakbang nang humarang sa front door si Juancho bago ito naghalukipkip. “What?” kunot ang noong tanong niya rito saka niya pinunasan ang basang bibig at baba. “What did tita tell you? Why you wanna go back there suddenly?” nagdududang tanong nito. Among his cousins, ito lang at ang nakababatang kapatid nitong si Suzanne ang hindi umiwan sa kaniya sa ere noong mga panahong lugmok siya at nagpapakawalwal sa buhay. Tinitigan niya ito pero tumagos ang tingin niya rito at panandaliang naglayag ang isip niya. Handa na nga kaya siyang bumalik sa lugar kung saan nawasak nang maigi ang puso niya? Makaya na kaya niyang harapin ang mga taong imbis na damayan siya ay natuwa pa sa pagdurusa niya? Kaya na kaya niyang tanggapin ang lahat ng mga nangyari? Handa na ba siyang magpatawad? “‘Insan?” muling pukaw ni Juancho sa pagkatulala niya saka iwinagyway ang kamay nito sa harap niya para matauhan siya. He smirked then nodded. “Like you said, I need to deal with them sooner or later. One more thing, I have something urgent. Babalik din ako rito kaagad kapag maayos na ang lahat,” pahayag niya at saka ito itinulak pagilid para buksan ang pinto. Pero napatigil siya nang muli itong magsalita bago pa man niya muling maisara ang front door. “I won’t let you go to your battle alone. I’m coming with you!” determinadong wika nito saka siya niyakap na ikinabigla niya. “Don’t worry, ‘insan. I will stay by your side, I promise!” anito saka hinagod ang likod niya. Awkward niyang tinaggal ang pagkakapulupot ng kamay nito sa kaniya bago ito palambing na itinulak. “Ang drama mo!” asik niya rito saka nakangiting hinawakan ang seradura ng front door at muling bumaling sa pinsan. “Don’t worry about me. Stay here and keep your sister in the loop. I’ll come back, I promise,” dagdag pa niya saka tuluyang ipininid ang front door.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD