CHAPTER FIVE

2069 Words
HUMUGOT nang malalim na hininga si Ethan saka iyon marahas na pinakawalan nang ganap nang lumapag ang eroplanong kinalululanan niya. Kung hindi lang dahil sa tama ng wine sa katawan niya na makailang beses niyang hiningi sa stewardess ay hindi siguro siya nakatulog sa buong pagbiyahe niya. Sumilip siya sa runway habang nagmamaniobra ang higanteng eroplano patungo sa gate kung saan sila iibis papasok sa loob ng paliparan. Kalat na ang dilim sa paligid at sa tagal niyang hindi bumiyahe pauwi ng Pilipinas ay hindi na niya matandaan kung may pagbabago pa ba sa Ninoy Aquino International Airport o ganoon pa rin iyon simula nang umalis siya ng Pilipinas mahigit limang taon na ang nakararaan. Ipinilig niya ang ulo niya bago pa man niya alalahanin ang nakaraan na ayaw na niyang balikan. Nang ganap nang tumigil ang eroplano at pagkatapos ng announcement ng crew na pupuwede nang kuhanin ng mga pasahero ang mga gamit sa overhead compartments ay hindi pa muna siya tumayo sa kinauupuan lalo at nakita niyang nagmamadali nang nagsitayuan ang ilang mga pasahero kanina kahit hindi pa man ganap na nakakatigil ang eroplano. Obviously, na-miss ng mga ito ang Pilipinas—or much better to say, ang mga pamilya at kaibigan ng mga ito sa Pilipinas. As on his case, he never wanted to come back here at all kung hindi lang sa bulinggit niyang pamangkin at sa pananakot ng mommy niya sa kaniya na alam niyang gagawin talaga nito kung hindi siya uuwi ng Pilipinas. Wala sa pamilya nila sa Pilipinas ang pupuwedeng pagkatiwalaan ng mga ito maliban sa dalawang pinsan niyang sina Juancho at Suzanne na kasama rin naman niya sa Amerika. Nang kaunti na lamang ang nakatayo sa aisle ay saka pa lamang siya tumindig at saka niya kinuha ang knapsack na nasa overhead compartment na katapat ng kinauupuan niya. He tried his very best to blend with the crowd and not to get recognized by anyone. After all, malaki na ang ipinagbago niya sa loob ng mahigit na limang taong pagkawala niya—sa pisikal at sa pag-uugali. People who knew him or even acquainted with him before he left to United States will realize that he really changed… a lot, kahit na sa saglit na pakikipaghalubilo lang niya sa mga ito! “Sir Ethan!” Halos mag-isang guhit ang kaniyang mga kilay nang kalalabas pa lang niya ng eroplano at kasalukuyang naglalakad palabas ng gate kung saan humimpil ang eroplanong sinakyan niya, ay may tumawag nang malakas sa pangalan niya. Instinctively, he looked down and ignored whoever was calling him and walked as fast as he could. The man may not be calling him but someone else, however, his assumption was correct when the man called him once more. Mabilis din itong umagapay sa kaniya at saka siya pinigilan sa paglalakad. “What the—” hindi na niya naituloy pa ang mga sasabihin nang makilala niya ito pagbaling niya rito. “Tata Perding?” “Sir Ethan,” muling tawag nito sa pangalan niya habang nakangiti ito sa kaniya. “Welcome back sa ‘Pinas!” bati pa nito sa kaniya saka siya niyakap nang mahigpit. Hindi nito naitatwa ang kasiyahan na makita siyang muli. “A-Ano hong ginagawa n’yo rito? Pa’no n’yo nalaman na—” Hindi na niya naituloy ang pagtatanong nang sa pag-alpas nito sa pagyakap sa kaniya ay tinapik nito ang balikat niya at pilit nitong kinuha sa kaniya ang knapsack niya. “Ako na ho—” “Ako na!” giit pa nito. “Ipinasundo ka sa ‘kin ng daddy mo,” tugon nito sa tanong niya bago tuluyan nang isinukbit ang knapsack niya. Magaan lang naman iyon dahil kaunti lang ang laman. Bukod sa dalawang t-shirt, isang pantalon at dalawang boxers, mga personal na gamit lang ang laman niyon. Tumango-tango na lang siya. Sigurado siyang si Juancho ang nagbigay ng detalye ng flight niya sa mommy niya. He doubts that his father even asked his cousin dahil hanggang ngayon, katulad niya, ay in no speaking terms pa rin ang mga ito dahil siya nga ang kinampihan ni Juancho at hindi ang kuya niya. Tata Pedring seemed to never aged at all. Malaki pa rin ang pangangatawan nito at tila ba hindi nagpe-fade ang mga tattoo nito sa katawan. Napaka-intimidating ng dating nito lalo na kapag pina-modulate pa nito ang boses nito at tiningnan ang sino man sa paraang para bang mangangain ng tao. May kinawayan itong isang airport staff na kaagad na lumapit sa kanila at naggiya sa kaniya sa express / VIP lane ng immigration. Iiling-iling siyang sarkastikong ngumisi. Iba talaga kapag anak ka ng isa sa maimpluwensyang tao. You could do pretty much everything you wanted to do to your advantage. Pagkalampas niya ng immigration ay muli siyang sinabayan sa paglalakad ni Tata Perding at ng airport staff saka siya iginiya sa baggage counter pero pinigilan niya ang mga ito. “I don’t have any luggage,” sabi niya sa matanda. Kumunot ang noo nito. “Aba, eh, sigurado ka? Ito lang ba talaga ang dala mo?” nagtatakang tanong nito sa kaniya. Tumango siya at saka ito nginitian. “Definitely.” They left the airport without a hassle. “Ilang taon ka na ngang hindi nakauwi, Sir Ethan?” mayamaya ay tanong sa kaniya ni Tata Perding habang nasa highway na sila. Bumaling pa talaga ito sa kaniya para tingnan siya. Nakaupo kasi ito sa passenger seat katabi ang driver habang siya ay nasa back seat naman. Hindi siya kumibo, sa halip ay bumaling siya sa may bintana at pinagmasdan ang daan na binabagtas nila habang nakasandal siya sa kinauupuan. “Tata Perding, I will be staying at my place tonight. I’ll just visit my mom and niece tomorrow,” wika niya nang bumalik sa maayos na pag-upo ang matanda. “Naku, Sir Ethan, ang habilin kasi ng daddy mo, eh, doon ka raw idiretso sa mansyon,” wika nito na muling bumaling sa kaniya. Nginitian niya ito saka siya nagpakawala ng hininga. Alam niyang kahit ano pa ang sabihin niya ay hindi ito papayag at igigiit pa rin nito ang gusto ng kaniyang ama. Tata Perding is one hell of a loyal dog to his dad that’s why his father kept him all these years despite his old age and background as an ex-convict. He did bad things when he was younger and almost killed an innocent man just because he thought of himself as superior that the man, though, he already paid for what he did behind bars and was regretful of his actions. But still, the fact that he was a guilty ex-convict still bothers him up to now. “Fine,” bukod-tanging naisagot na lang niya saka niya pinagsalikop ang dalawang kamay sa tapat ng kaniyang dibdib bago niya ipinikit ang mga mata niya. It’s already past midnight. He’s dead tired and hungry, kaya mas gusto pang itulog na lang niya ang nararamdaman kaysa makipag-argumento sa matanda. “Sir Ethan… Sir Ethan…” sunod-sunod na tawag sa kaniya ni Tata Perding kasunod ng marahang pagyugyog nito sa balikat niya. Pupungas-pungas siyang nagmulat ng kaniyang mga mata. Agad na tumambad sa paningin niya ang pamilyar na garden na nasa tapat ng mansyon. Isa iyon sa mga alagang hardin ng mommy niya sa palibot ng mansyon. Inilipat niya ang paningin sa mismong harap ng mansyon. As soon as he laid his eyes on the huge front door, he immediately felt nostalgic. Nagpakawala siya nang malalim na hininga bago siya tuluyang umibis ng sasakyan. Sumunod naman sa kaniya si Tata Pedring na sukbit ang knapsack niya papasok ng mansyon. “Where is everybody?” nagtatakang tanong niya sa matanda nang walang maabutang tao sa sala. There is no way that his mother would miss welcoming him upon his arrival. “Ah, nagkataon kasi na nasa Cebu ang magulang mo ngayon. Hindi naman kasi nila maaaring ipagpaliban ang—” paliwanag sana nito na mabilis niyang pinutol sa pamamagitan ng malakas na pagtawa nang bahaw. “And yet, you insisted to bring me here?” sarkastikong tanong niya rito habang umiiling-iling siya. “And why you were not with them, anyway?” kunot ang noong tanong niya rito. He is his father’s bodyguard kaya naman nagtataka siya na naroon ito sa halip na kasama ito ng magulang sa Cebu. “Ano kasi—” Nagkamot pa ito ng ulo at naghagilap ng maidadahilan sa kaniya. He exhaled again then spoke. “Fine. No need to explain, Tata Perding,” sabi niya na lang at saka tumingala bago bumaling ulit dito at kinuha ang knapsack niya. “Aakyat na ako. Magpahinga na rin kayo,” sabi niya bago isinukbit ang knapsack. Hahakbang na sana siya patungo sa hagdan nang muling magsalita ang matanda. “Hindi ka ba muna kakain?” tanong nito sa kaniya. Itinaas lang niya ang isang kamay niya saka nagdire-diretso sa paglalakad paakyat ng hagdan. He might be hungry but he is more tired and sleepy. Tumigil siya sa pagpanhik at humawak sa railing ng hagdan pagkaakyat niya ng second floor bago sinuyod ng tingin ang hallway roon. “Whew!” Pasipol siyang nagbuga ng hangin bago humugot muli ng hininga at nagsimulang pumanhik ng hagdan. “Just for a month, Ethan. You just need to bear being here just for a month,” bulong niya. Pagdating sa ikatlong palapag ay hindi niya napigilan ang sariling mapatigil sa may punong-hagdan. Humugot muna siya ng hininga bago humarap sa hallway. Kagyat siyang nag-isip. Alam niyang naiuwi na sa mansyon ang pamangkin niya ayon sa dalawang pinsan niya. Bahagyang kumunot ang noo niya. Imposibleng isinama ng magulang niya ang pamangkin niya dahil sa pagkakasabi sa kaniya nina Juancho at Suzanne ay mahina raw ang bata. Sa katunayan ay kinailangan pa nga nitong manatili sa Neonatal Intensive Care Unit o NICU nang ilang araw para masiguradong malusog na ito sa paglabas ng ospital. His cousins fed him some information as he refused talking to his mom again after she literally used his niece as a defense so he will be f*rced to agree on coming back to Philippines again. He smirked and shook his head. What kind of grandparents would even put their first granddaughter for adoption despite being wealthy? Puwede naman silang mag-hire ng nanny if they’re worried that they will not have ample to time take care of the child or kaya’y isakripisyo ang pride nila at ipaampon ang bata sa mismong kamag-anakan nila. Ang tanga niya. Bakit nga ba siya nagpadala sa banta ng nanay niya? Kung bakit kasi nagpadala siya sa emosyon niya imbis na maging lohikal at gamitin ang utak niya? He let go a sigh once again, shook his head and went to the stairs going to the next floor. Akmang paakyat na sana siya patungo sa ikaapat na palapag kung saan naroon ang kuwarto niya ay bigla siyang napatda at awtomatikong kumabog ang dibdib niya nang marinig ang malakas na palahaw ng sanggol na nanggagaling sa unang kuwarto sa hallway. Napalunok siya at wala sa loob na kusang humakbang patungo sa pinagmumulan ng iyak. Isa. Dalawa. Tatlo… hindi na niya nabilang pa ang paghakbang na ginawa niya dahil mas pinangunahan siya ng unti-unting mas lalong paglakas ng pagtahip ng dibdib niya. Sari-saring emosyon ang lumukob sa kaniya sa saglit na sandaling iyon. Nanginginig na ikinuyom niya ang mga kamay niya kasunod ng pagpapakawala niya nang malalalim na paghinga. Pakiramdam niya ay muli siyang pinanuyuan ng lalamunan kaya’t muling siyang lumunok ng laway bago bumuga ng hangin na animo’y mula sa kaloob-looban ng kaniyang baga. Bahagya niya pang ibinukas ang mga palad pagdaka’y iwinisik ang mga kamay niya bago tuluyang hinawakan ang seradura ng pintuan pagtapat niya sa unang silid kung saan naroon marahil ang pamangkin niya. Humugot siyang muli ng hininga nang makailang-ulit at pinakawalan iyon sa marahas na paraan. Nagbilang pa muna siya mula isa hanggang tatlo sa isip niya saka pa lamang tuluyang binuksan ang pinto ng silid. Just when he was about to enter the room, the bathroom door on the other side of the room immediately opened. A woman rushed towards the crib, took the baby and cradle the crying infant. He was stunned for two reasons. First, because hearing how his niece cried so loud made him happy and nervous. And second, because of that familiar face who is now looking at him in an equal surprised manner.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD