CHAPTER SIX

1919 Words

“S-SINO ka?” malakas at nahintatakutang sigaw ni Riya nang sa pagharap niya sa may pintuan ay nakita niyang may nakatayo roong isang lalaki na titig na titig sa kanila ni Liby. Awtomatiko niyang niyapos ang hawak na sanggol na si Liby upang maprotektahan ito. Aninag niya ang gulat ding ekspresyon ng lalaki kahit pa nga natatakpan ang mukha nito ng mahaba at buhaghag na buhok nito. Mukha itong sanggano na tila ba hindi gagawa ng matino kaya naman instinctively ay napaatras siya ng hakbang palayo rito at saka iginala ang mga mata habang patuloy na inihehele si Liby dahil hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak. Lalo pa siyang kinabahan nang ibinaba nito ang sukbit na knapsack sa lapag bago humakbang papalapit sa kaniya. Bawat hakbang nitong papalapit sa kanila ni Liby ay siyang hakbang na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD