CHAPTER SEVEN

2176 Words

“I KNOW YOU…” Halos mabingi si Riya nang marinig ang sinabing iyon ng kaharap na lalaki na si Ethan. Pakiramdam niya ay kusang tumigil sa pagtibok ang puso niya sa mga sandaling iyon. Gumapang ang kilabot sa katawan niya at awtomatikong pinanlakihan siya ng ulo nang makita niya ang paninigas ng mga bagang nito at obvious na galit sa hitsura nito. Napalunok siya habang ito naman ay mas inilapit pa ang mukha sa kaniya. Matalim siya nitong tinitigan at saka iritadong nagpatuloy. Napakurap pa siya nang ilang beses habang nanlalaki ang mga mata niya. Pakiramdam niya ay nanuyo rin ang lalamunan niya dahil sa nerbiyos at wala sa loob siyang napalunok ng laway pagdaka’y umiwas ng tingin sa lalaki. Kung kanina, pakiramdam niya ay tumigil ang pagtibok ng puso niya, ngayon naman ay halos marindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD