Chapter Four

2573 Words
          PINAKATITIGAN ni Chaia ang kuwintas na palagi niyang suot. Breaktime niya ng mga sandaling iyon. Katatapos lang niyang kumain ng gabihan, at may natitira pang tatlumpung minuto sa oras niya para makapagpahinga. Doon sa pantry niya napiling magpahinga.           “Oy Chaia,” untag sa kanya ng Manager nila na si Miss Anne. Kadarating lang nito doon sa loob ng pantry.           “Miss Anne, bakit po? Kailangan na ba ako sa labas?” tanong agad niya.           Napangiti ito. “Hindi pa. Relax ka lang. Wala naman, kasi titig na titig ka diyan sa kuwintas mo.” Sabi pa nito.           “Ah,” usal niya. Ngumiti siya dito, saka muling binalik ang tingin sa kuwintas niya. “May iniisip lang ako.” Sabi niya.           “Napapansin ko lang, parang hindi mo yata hinuhubad ‘yan?”           Tumango siya. “Importante po kasi sa akin ito eh.” Sagot niya.           “Wow, parang alam ko na ‘yan. Kuwento mo naman.” Sabi pa nito.           Sisimulan na sana niya ang kuwento sa likod ng kwintas nang biglang pumasok ang isa sa mga waitress.           “Cha, nakapagpahinga ka na ba?” tanong nito.           “Oo, bakit?”           “Baka pwede ka nang lumabas. Magsisimula na daw mayamaya ang show ng mga Bartenders.”           “Ah okay, sige. Susunod na ako.” Sagot niya. Sabay baling sa Manager nila. “Miss Anne, pasensiya na po. Bukas ko na lang ipagpatuloy ang kuwento.”           “Ang daya naman nila, break mo pa eh. Sige na nga, basta, may utang kang kuwento sa akin ah.” Sabi pa nito.                                                                                  “Promise po! Next time.” Natatawang sagot niya, pagkatapos ay lumabas na siya. Pagbalik niya sa station. Agad niyang hinanda ang mga gagamitin para sa Flair Bartending Show, na magaganap na sa loob ng ilang minuto Sa gabing iyon, isang routine ng sabay-sabay ang gagawin nila, pagkatapos ay may solo performance siya. Kaya medyo kabado siya. Nang maayos na niya ang mga gagamitin. Umusal siya ng maikling panalangin upang maging maayos ang maging performance niya para nang sa ganoon ay matuwa naman ang mga customers. “Fighting!” sabi pa niya sa sarili. Nang lumakas na ang musika. Iyon na ang hudyat nang simula ng kanilang routine. Sandali niyang kinalimutan lahat ng tumatakbo sa isipan niya, at nag-concentrate sa trabaho. Kagaya ng dati, tig-iisang drinks ang ginawa nila sa routine na iyon at ibinigay sa mapalad na customer. Bago siya magsimula ng solo routine niya, napadako ang paningin sa di kalayuan na table. Agad na kumabog ang dibdib niya, dahil doon nakaupo at nakatingin sa kanya si Karl. Lalong lumakas ang kaba niya ng ngumiti ito sa kanya at itaas pa nito ang baso nitong may laman alak. Bilang sagot ay ngumiti siya pabalik dito. Saka agad na nagsimula. Sa buong durasyon ng pag-perform niya ay hindi siya tumingin sa puwesto ni Karl. Baka kasi magkamali siya at mapahiya sa harap ng mga customers na ngayon ay pawang nanonood sa kanya. At sa bawat paghagis niya ng bote o ng shaker ay masigabong palakpakan ang sinusukli ng mga ito sa kanya. Pagkatapos ng performance niya, tuwang tuwa na nagpalakpakan ang mga customers. “Thank you!” sagot niya sa mga ito. Nang magbalikan na sa pagsasayaw ang mga pumalibot sa kanyang mga tao. Saka pa lang siya nakahinga ng maluwag. Nang tingnan niya muli ang puwesto kung saan naroon si Karl. Wala na ito. Pero nabigla siya nang bigla itong sumulpot sa harapan niya. “Thanks to you, mukhang mataas na naman ang sales ngayon gabi.” Anito. “Bakit ako lang? Lahat naman tayo dito nagta-trabaho. Saka kung hindi naman po sa mga kasama ko dito sa Station, hindi ako matututo ng mga Flairing Techniques.” Sabi niya. Natawa ito. “I’ve never seen so humble before.” “Nagsasabi lang po ako ng totoo.” “By the way, I think you should look for new house. Yung may garage para may paradahan na ang kotse mo.” Pag-iiba nito sa usapan. “Miss, isang beer.” Sabad ng isang customer na bagong dating. Pagkatapos niyang i-serve ang order nito, saka niya hinarap ulit ang Boss niya. “Hindi papayag ang Mama ko.” Aniya. “Why not?” nagtatakang tanong ni Karl. “Sariling bahay na kasi nila ‘yon ng Papa ko. Hindi niya maiiwan ‘yon.” Huminga ito ng malalim. “Eh paano ‘yung kotse mo?” “Iyon nga po, kaya nga ako nakikiusap na kung pwede. Sa MCI ko muna iyon ilalagay. Ayoko naman kasi pumasok dito na dala ‘yon, nakakahiya sa mga customers. Sabihin ambisyosa ko, mas maganda pa kotse ko sa kanila.” Anito. Natatawang napailing si Karl. “You really have to think what would they tell you? Anyway, huwag kang mag-alala. I’ll talk to my cousins.” Anito. “Yes! Thank you!” tuwang-tuwa na wika niya. Habang abala sa pakikipag-kuwentuhan dito. Napakunot-noo siya dahil tila may nasipat ang mga mata niya. Parang pamilyar sa kanya ang isang babae doon. Nang titigan niya ito, napangiti siya. Ang Ate Macy niya iyon. Kaya sandali siyang nagpaalam kay Karl. Masaya na nilapitan niya ito. Hindi niya akalain na dadalawin siya nito. “Ate!” masayang tawag niya dito. Sabay yakap dito. Ngunit nagulat siya ng halos itulak siya nito palayo, sabay tingin sa kanya na parang nandidiri. “Ate?” Nagulat siya ng bigla siya nitong sunggaban sa isang braso niya saka hilahin sa isang tabi. “Ang kapal ng mukha mong tawagin akong Ate! At sa harap pa ng mga kaibigan ko! Hindi ka na nahiya!” “Pero Ate, bakit ba? Kinahihiya mo ba ako?” naiiyak nang tanong niya. “Oo! Matagal na! Hindi ba sabi ko sa’yo? Kapag nasa labas ka at nagkita tayo. Magpanggap kang hindi mo ako kilala!” singhal nito sa kanya. Tuluyan nang tumulo ang luha niya. Iyon na siguro ang panahon para tanungin niya ito ng tunay na dahilan kung bakit galit na galit ito sa kanya. “At balita ko nanalo ka ng kotse.” Dugtong nito, pagkatapos ay tumawa ito ng pagak. “Akala mo bagay sa’yo ang ganoon kagandang sasakyan? Mas mukha kang tsimay kaysa may-ari!” “Ate…” “Hindi tayo magkapatid! Kaya tigilan mo na ang kakatawag sa akin ng Ate! Dahil kapag naririnig ko ‘yan, gustong bumaliktad ng sikmura ko!” “Bakit ka ba galit na galit sa akin? Wala naman akong natatandaan na ginawa ko sa’yo noon para maging ganito katindi ang galit mo sa akin ah?” bulalas niya. “Meron. Malaki. Marami.” Mariin nitong sagot. Kumunot ang noo niya. “Ano? Sabihin mo sa akin.” Tumaas ang isang sulok ng labi nito. Pagkatapos ay sinampal siya nito ng malakas. Nanuot ang hapdi sa pisngi niya. Hindi pa nagkasya ito sa pagsampal sa kanya. Napapikit siya ng ibuhos nito sa ulo niya ang laman ng hawak nitong baso. “Mang-aagaw ka, Chaia! Kayo ng Papa mo! Kaya aagawin ko rin ang lahat sa’yo! Tandaan mo ‘yan.” nanggigigil na sabi nito. Pagkatapos ay iniwan na siya nito na pinagtitinginan ng ibang mga customers. Naiwan siya doon sa isang tabi na tulala at walang patid ang pag-iyak. Ilang sandali pa ay nilapitan na siya ng isa sa mga kasamahan niya na nag-aalala. “Chaia, okay ka lang? Sino ba ‘yon?” sunod-sunod na tanong nito. Hindi siya makapagsalita. Hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili at tuluyan na siyang napahagulgol. Eksakto naman na dumating si Karl. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito. “What happened?” agad na tanong nito sa kasamahan niya. “Eh Sir, may nilapitan po kasi siyang isang customer. Tapos bigla na lang siyang hinila dito, tapos ayun, inaway away na siya.” Kuwento ng kasama niyang nakakita sa nangyari. “Sino? Ituro mo sa akin.” Tanong pa nito na galit ang boses. Akmang lalapitan nito ang Ate niya. Ngunit mabilis niyang nahawakan ito sa isang braso, nang tumingin ito sa kanya ay umiling siya. Pagkatapos ay tumakbo na siya palabas. Sa likod ng The Groove kung saan walang tao siya nagtungo. Doon, binuhos niya ang lahat ng sama ng loob na matagal na niyang kinikimkim. Paulit-ulit na nag-replay sa utak niya ang sinabi ng Ate niya. Ano pa nga ba ang aagawin nito sa kanya? Gayong wala nang natitira sa buhay niya. Muli ay nakaramdam siya ng pag-iisa. Pakiramdam niya ay wala na siyang sasandalan. She felt weak. She felt useless. Isang bagay na labis na nagpapaiyak sa kanya. Wala sa loob na napahawak siya sa kuwintas niya. Nasaan ka na? Sabi mo, babalikan mo ako? Sabi mo, hahanapin mo ako. Napalingon siya ng biglang may nag-abot sa kanya ng panyo. Nang tingnan niya, si Karl ang naroon. Kinuha niya ang panyo at pinahid iyon sa mga luha niya. Pagkatapos ay umupo ito sa tabi niya doon sa may gater.           “Hindi ko alam ang nangyari. Hindi ko na rin itatanong kung ano ang relasyon mo sa babaeng iyon. Pero huwag mong isipin na nag-iisa ka. Maraming tao ang nakaka-appreciate sa’yo. Ang mga kasama mo dito sa Bar. Ang Mama mo…” Sabi nito na sadyang binitin ang bandang huli.           Hindi niya alam kung paano nito nahulaan ang tumatakbo sa isip niya. Ngunit sa sinabi nito, mas lalo siyang napaiyak.           “Nandito ako, Chaia. Handa akong makinig sa’yo sa lahat ng oras. I can be the wall that you can lean on. Kung pakiramdam mo nag-iisa ka, handa kitang samahan. Most of all, God is there. Kahit kailan hindi ka Niya pinabayaan. Walang bagay Siyang binigay na hindi natin kakayanin.”           Tinakpan niya ng panyo ang mukha niya, saka doon muling humagulgol. Naramdaman niya nang umakbay ito sa kanya, saka pinisil ang balikat niya. Pagkatapos ay kusa nitong hinilig ang ulo niya sa balikat nito. Hindi na siya nahiya pa, ngayon niya kailangan ng taong dadamay sa kanya. Kung si Karl ang pinadala sa kanya ng Diyos sa gabing iyon, malugod niyang tatanggapin.           BINUHOS ni Karl ang buong atensiyon niya sa pagbubuhat ng barbell. Nang  mapagod, umupo siya at nagpunas ng pawis. Muling sumiksik sa isip niya si Chaia. Labis ang pag-aalala niya dito. Hindi niya alam kung anong mayroon sa dito. Dati naman ay wala siyang pakialam sa mga personal na problema ng mga tauhan niya. Ngunit, iba dito. Hindi niya matiis na hindi lapitan ito. He knew she needed someone to talk to that night. At tila may nagtulak sa kanya para damayan ito, and he felt good after that. Napalingon siya ng tapikin siya sa balikat ng pinsan niyang si Glenn, kasama nila ang kababata nilang si Kevin, na boyfriend ni Marisse.           “You okay, dude?” tanong ni Glenn.           Napakurap siya. “Yes.” Wala sa loob na sagot niya.           “Ang lalim ng iniisip mo ah. Babae ba ‘yan?” panghuhula pa ni Kevin.           Napabuntong-hininga siya. “Yeah, literally. You can say that.” Aniya.           “Wow! Bago ‘yan ah? May babae nang nagpapagulo ng isip mo. Do I know her?” tanong ni Glenn.           “Is it Chaia?” panghuhula ulit ni Kevin.           Tiningnan niya ito. “Bakit hindi ka na lang magtayo ng sarili mong booth? Lagay mo sa Entrance. Madame Kevs.” Pang-aasar niya dito. “Panay tama ang hula mo ah.”           Tinaas-baba pa nito ang magkabilang balikat nito. “Galing ko, no?” pabirong pagyayabang pa nito.           “Anong tungkol kay Chaia?” tanong naman ni Glenn.           “I don’t know. There’s somethings strange about her. Hindi ko maipaliwanag. First time ko siya nakita, magaan agad ang loob ko sa kanya. Parang noon ko pa siya kilala.” Paliwanag niya.           Pumalatak si Kevin. “Fate,” anito.           “Ha? Anong fate?” tanong ni Glenn.           “Hindi mo talaga alam ang “fate”? Ano ‘to tanga tangahan lang? Pagkatapos mong ma-in love kay Nicole hindi mo alam ang ibig sabihin no’n?”           Pabirong binato ito ni Glenn ng tuwalya. “Pengkum ka! Itatanong ko ba kung alam ko!” “Fate! Ibig sabihin you are destined to someone. Kaya nga hindi mo maipaliwanag ang nararamdaman mo sa kanya o kung bakit ang nagiging reaksiyon mo kapag nandiyan siya. Gaya ngayon, siya ang iniisip mo.” Paliwanag naman ni Kevin. Napailing siya. “Ewan ko sa’yo, Kevin. Wala akong matinong sagot na makukuha sa’yo. Love nga hindi ako naniniwala. Fate pa kaya.” Aniya. “Ewan ko rin sa’yo. Bahala ka, kapag na-in love ka. Wala ka ng kawala.” Anito. “Pero dude, nabalitaan namin ‘yung ginawa nang isang customer kay Chaia noong nakaraan gabi ah.” Singit ni Glenn. “Oo nga, pero pinigilan niya ako nang lalapitan at sisitahin ko ‘yung customer.” Sagot niya. Wala sa loob na napabuntong-hininga siya. Alam niyang may mabigat na problemang dinadala si Chaia. Gusto man niya itong tanungin, hindi niya magawa. Ayaw niyang manghimasok sa personal na buhay nito. Unless, kung ito mismo ang mag-confess sa kanya. Dahil kahit na madalas nitong sinasabi na wala itong problema sa pamilya. Iba naman ang binubulong ng puso niya, at tila sinasabi rin nito na huwag umalis sa tabi ng dalaga. And why does he have this feeling that he wants her to stay by her side? “Aminin mo na!” biglang sabi ni Glenn. “Ano naman ang aaminin ko?” inosenteng tanong niya. “Na nag-aalala ka sa kanya.” Ani Kevin. Muli na naman siyang humugot ng malalim na hininga. Saka umiling. “Walang mangyayari sa’yo, dude. Kahit maghapon kang bumuntong-hininga diyan. Tawagan mo na.” pang-uudyok ng dalawa sa kanya. “Ayoko nga! Bakit ko siya tatawagan?” mariin niyang tanggi. “Huu! Huwag ka ng magpanggap na wala kang pakialam. Ayan nga at hindi ka mapakali diyan sa kakaisip mo sa kanya eh. Ku-kumustahin mo lang naman siya, di ba? Kagabi wala siya sa Bar dahil day off niya.” Sabi naman ni Glenn. “Pare, hindi nakakabawas sa pagkakalaki kung tayo ang tatawag sa babae. Dagdag pogi points pa ‘yon.” Payo ni Kevin sa kanya. “Hindi naman ako nagpapa-impress sa kanya, okay?” pangangatwiran niya. “Hindi nga, pero sino ba laman ng isip mo ngayon?” tanong ni Glenn. Hindi siya nakaimik. Sige. Aaminin na niya. Nag-aalala siya kay Chaia. Dahil wala itong pasok kagabi sa The Groove, hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na kausapin ito at kumustahin. Kaya kagabi pa siya hindi mapakali sa kakaisip dito. Hindi rin niya maintindihan kung bakit niya kailangan maramdaman iyon. Pinilig niya ang ulo. Walang masama, ikaw ang boss niya. Natural lang na mag-alala ka sa kanya. Pangungumbinsi pa niya sa sarili. Nang makapagdesisyon siya. Tumayo siya saka walang salitang naglakad palayo sa dalawa. “Hoy Pogs! Saan ka pupunta?” habol na tanong ni Kevin. Napahinto siya matapos marinig ang tinawag nito sa kanya. Napangiti siya. Mabilis na nag-flashback sa isip niya ang isang kaibigan na kaytagal nang hindi na niya nakita. Ngayon lang niya napansin, madalas ulit niya naiisip ito nitong mga nakaraang linggo. Huminto siya sa paglalakad saka lumingon dito. “Pogs” noon ang tawag ng mga ito sa kanya nang bata pa sila. Lagi kasi siyang tinatawag na ‘pogi’ ng Lolo at Lola niya. “Tatawagan ko si Chaia,” nakangiting sagot niya. Lumapad ang ngiti ng dalawa. Paglabas niya ng gym na pag-aari ni Miguel, dumiretso siya ng bahay. Agad niyang kinuha ang cellphone. Bago i-dial ang numero ni Chaia, hindi niya alam kung ilang beses niyang kailangan pakalmahin ang sarili bago tuluyang i-dial ang number ni Chaia. Nang mag-ring na ang numero nito, lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya. Napa-diretso siya ng upo ng sagutin nito ang tawag niya. “Hello,” bungad nito sa kabilang linya. “Uh, hel-lo,” aniya. “Sir! Napatawag po kayo!” masiglang sabi nito. Napangiti siya. Hindi niya akalain na isang masiglang boses ang ibubungad nito sa kanya. Isang bagay na siyang ikinahinga niya ng maluwag. “Uhm. I just want to check on you. I mean, the last time we’ve talked. You’re so upset.” Aniya. “Ah, oo nga po. Maraming Salamat po pala sa pagdamay n’yo sa akin.” Sabi nito. “Wala ‘yon. Alam kong kailangan mo ng kausap ng mga sandaling ‘yon.” “Iyon po palang panyo, ibabalik ko na mamaya. Nalabhan ko na rin po iyon.” Sabi pa nito. Pumalatak siya. “Ang sakit naman sa tenga ng ‘Po’ na ‘yan.” Narinig niya ang tawa nito sa kabilang linya. Isang bagay na siyang natural na nakapagpasaya sa kanya. Masaya siyang malaman na masaya na rin ito. “No. Keep it.” Seryosong wika niya. “Tandaan mo, kahit saan ka makarating. Kung maramdaman mo ulit na nag-iisa ka. Tingnan mo lang ‘yan, at alalahanin mo na nandito ako. Hindi kita iiwan. Handkerchiefs are made to wipe away those tears. Hindi ang mga daliri. Huwag mong agawan ng trabaho ang mga panyo.”                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD