Hindi ko nagawang ialis ang tingin ko sa kanila, mula sa sabay nilang paglalakad hanggang sa pagsasalita ni Jenine at pakikinig ni Lucas, ilang sandali pa ay nagpaalam ang huli at may kinausap sa cellphone. Napabalik ang tingin ko sa madaldal na lalaking katabi ko na hindi tumigil sa pagsasalita mula kanina. "Hindi ako interesado." Malamig kong sabi sa kaniya at hinila na si Olga palayo sa kanila at sa kabilang banda. "Grabe naman 'to! Andoon na kami ni Harry, eh. Magpapalitan na sana kami ng number." Nakalabing angal ni Olga habang ang mga mata ay nakalingon sa mga lalaki. Dahil nasilaw ay bahagya kong tinakpan ang mga mata ko mula sa araw. "Gaga, papauto ka naman. Ilang taon mo nang kasamahan 'yung damuho na 'yun tapos ngayong nakaganiyan ka at nasa romantikong lugar tayo tiyaka ka n