Dahil sumabit ang buhok ko sa tshirt ay kinailangan kong iwasiwas ang buhok ko at inihagis ito sa malapit na upuan. Napakurap-kurap ako nang mapagtanto na biglang tumahimik matapos ang ilang sandali kaya naman inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Para lang mapansing nakatingin sila sa akin. O mas tamang sabihin na sa katawan ko. Mula sa nagpupuyos na mga mata ni Jenine na katabi ko pala, inggit mula sa mga kasama niya, paghanga mula sa ilang babae at pagnanasa naman sa ibang lalaki na labis kong ikinainis. At nang madapo ang mga mata ko kay Lucas, siya ang may pinakaibang emosyon sa mga mata. Nagbabaga ang mga mata niya at kulang na lang ay umusok ang mga ito at tupukin ako. Muntik na akong matawa nang ilibot niya ang paningin at makita ang mga lalaking nakatutok ang atensyon sa akin