"Sigurado kayong ayos lang sa asawa ninyo na bantayan muna ang mga kapatid ko? Ayos lang naman po, Manang. Kaya naman ng mga kapatid ko ang mga bata." Paniniguro ko kay Manang Dina habang nag-aayos ng mga dadalhin ko sa ibabaw ng kainan sa mesa. Noong isang araw ay inianunsyo sa amin nang tipunin kami matapos ang office hours, na kami ay magkakaroon ng team building sa Batangas sa loob ng dalawang araw at isang gabi. Ayaw ko sanang sumama pero mapilit si Olga dahil unang beses ko raw itong sasama. At pinilit na rin ako ng mga kapatid ko dahil deserve ko naman raw. Aaminin kong na-touched naman ako sa concern nila sa akin kaya kahit ang gusto ko sana ay outing na kasama sila, makikisama na muna ako sa mga kasamahan ko. Tinulungan niya akong isupot ang tsinelas ko bago ngumiti. "Ayos l