Siya na naman.
Bakit? Paano? Bakit sa laki ng mundo ay nagkrus na naman ang landas naming dalawa? Talaga bang binibiro ako ng tadhana?
"Huwag siya." Mabilis kong pagtanggi kay Lani at ang nagugulumihanang mga mata ay marahang ipinikit.
"Ay, bakit? Hindi mo type? Girl, kahit saan ako tumingin siya talaga ang pinakamalaking isda ngayong gabi." Reklamo ni Lani na marahan pang pinipisil ang braso ko.
"Maghahanap ako ng pangalawang malaking isda, huwag lang siya." Mariin kong pagtanggi at bago pa matuloy ang usapan namin ay may lumapit na waiter at naglapag ng limang baso ng iba't-ibang klase ng inumin.
"Ay, hindi pa kami nag-o-order."
"Order po itong nga ito para kay Ma'am. Please, enjoy." Nakangiting pagbibigay-alam ng waiter matapos ilapag ang mga baso sa tabi ko.
"Ay, bongga! Hindi pa tayo nagtatagal ay limang baso na iyan." Humahagikgik na bulong ni Lani.
"Maganda, para makatipid tayo." Matabang kong sabi at gagalaw na sana pakuha sa isa, ngunit agad na tumikhim si Lani.
"Nakalimutan ko palang ipaalala sa'yo, Noe. Never ka dapat na tumanggap ng anumang inumin sa bar, kahit gaano man iyan kamahal at kasarap." Pabulong niyang paalala habang hindi nawawala ang ngiti sa labi, para marahil ipakita sa mga nakatingin sa gawi namin na walang problema.
"Bakit?" Nakangiwi kong tanong at muling ibinalik ang kamay sa ibabaw ng menu.
"Kasi baka may inilagay silang dr*gs diyan. Iyong tipong bubulagta ka na lang diyan o mawawalan ng malay at doon ka nila sasamantalahin."
Sa narinig ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko at tila babaliktad ang sikmura.
"Napakasama naman nila." Nanggagalaiti kong bulong at kulang na lang ay alamin kung kanino galing ang mga inuming iyon at isa-isang ibuhos sa pagmumukha ng mga ito.
"Welcome to the dark side, my dear." Nakangiti pa ring sabi ni Lani na napapailing na lang.
Sa nalaman ay hindi ako nagdalawang-isip na tawaging muli ang waiter para ipakuhang muli ang mga alak, at ipabalik sa mga nagpabigay nito.
"Naku, mag-ready ka at siguradong may ilan sa mga iyan ang hindi tatanggapin ang rejection mo."
"Wala akong paki." Nakairap nang bahagya kong sagot bago tumawag ng bagong waiter para um-order.
Um-order ako ng isang margarita at si Lani naman ay s*x on the beach at habang naghihintay ay tama nga si Lani, dahil ilang sandali lamang ay may lumalapit na sa mesa naming isang lalaking mukhang bad boy at puno ng silver sa katawan.
"Hi." Bati nito at hindi nag-abalang magtanong kung pwedeng maupo, at basta na lamang naupo sa tabi ko. "I saw you when you walked in and I couldn't help but admire you right away."
Maangas at mayabang. Iyan kaagad ang naisip ko patungkol sa lalaking nakakasulasok sa tapang ang pabango.
Gayunpaman ay pinilit kong ngumiti at inalis ang anumang bakas ng ibang emosyon sa aking mukha.
"I'm sorry, I just really want to have fun with my friend." Sagot ko sa diretsong ingles na hindi kumukurap o nauutal at hindi nawawala ang madamot na ngiti sa mapupulang mga labi.
Tumango-tango ang lalaki at nanigas na lang ako nang bahagya pa itong lumapit at, halos idikit na ang mukha sa mukha ko.
"Then, can I join you, girls? Or maybe I can both invite you to a private party? We have one later you see. And I'd really love to see you there."
Dumaloy ang kilabot at diri sa buong katawan ko nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa balat ko, at maamoy ang amoy alak niyang bunganga. Noong una ay naisip ko namang baka siya na lang ang targetin ko para matapos na, ngunit sa sinabi niya ay imposible iyong mangyari dahil may ibang taong kasama.
Lalong tumaas ang balahibo ko nang pasadahan niya ng kamay niya ang buhok ko hanggang sa umabot ito sa likod ko, at doon niya inilagi ang kamay.
"Are you new here? I think I haven't seen you before. Well, I'm just glad that I decided to visit today, or I wouldn't be able to meet you."
Nagkatinginan kami ni Lani at maging siya ay mukhang nag-aalala. Kinagat ko nang marahan ang dila ko para hindi masapak ang lalaki bago marahang lumayo upang alisin ang kamay niya sa likod ko.
"It's kind of a girl bonding, you know? I just haven't really seen my friend in a long time and I want us to bond." Mahinahon pa rin ang boses kong pagtanggi.
Bahagyang nabawasan ang ngiti ng lalaki sa mukha at halatang nainis na. "You can still bond, you know? Come on, don't be so difficult. You should even feel honored." Matapos sabihin iyon ay pangahas na niyang hinawakan ang braso ko sa mahigpit na paraan.
Nagpantay na ang mga kilay ko sa sandaling ito at naramdaman ko ang marahang pagsipa ni Lani sa paa ko, ngunit tuluyan nang lumipad sa hangin ang natitirang pagtitimpi ko.
Ngunit bago pa man ako makagawa ng hakbang ay isang malalim na boses na ang narinig.
"Are you deaf? Do you not understand the word 'no'?"
At natural lamang na manigas ako sa kinauupuan ko at unti-unting mawala sa isip ang binalak na pagsampal sa lalaking bastos. Dahil kilala ko ang pamilyar na boses na iyon.
Naging malikot ang mga mata ko at inilayo ko ang mukha ko mula sa estrangherong bagong dating, at sinigurong natatago nito ng mukha ko.
"And who asked for your opinion? Get the hell out of here, man. This is our business."
Napakagat ako sa labi ko nang humigpit ang hawak ng lalaki sa kamay ko at napatangay na lang ako nang tumayo siya bigla. Dahil sa biglaan niyang paghila sa akin ay naging dahilan din ito para matapon sa akin ang basong puno pa ng tubig at mabasa ang harapang bahagi ng katawan ko. Akmang hihilahin na ako ng lalaki palayo nang may humawak din sa kabilang braso ko dahilan para matigil ito.
"This isn't how I remember you. Before, you would have punched this man like what you did to your ex."
Napapikit ako sa sinabi ng estranghero ang awtomatikong naalala ang pangyayaring tinutukoy niya noon.
Ang ibig bang sabihin nito ay nakilala niya ako? Kahit na maraming taon na ang lumipas ay tanda pa rin niya ang mukha ko?
"The f*ck are you saying you nosy assh*ole? F*ck off, man."
"Let go of that hand or I swear to whatever holy being you're worshipping that you' regret it." Maanghang ang salitang pagbabanta ng estranghero sa lalaking bastos.
Bahagyang bumagal ang t***k ng puso ko at ang tanging gusto ko lang mangyari ng oras na iyon ay lumayo. Lumayo sa sitwasyong iyon. Lumayo sa lalaking ito na parte ng nakaraan ko.
Bago pa man magkaroon ng gulo ay may lumapit na mga bouncer.
"About time you show up, get this man outta my face."
Pasimple kong tinignan ang mga bouncer at security. "Sir, is there any problem we can help you with?" Ang tanong na iyon ay hindi pagtugon sa bastos na lalaki kung hindi sa estrangherong nakahawak pa rin sa aking braso.
Marahan na lamang akong napasinghap nang makaramdam ng pagkapunit ng suot kong dress, at agad na niyakap ang sarili upang hindi ito tuluyang matanggal dahil kung hindi ay mahuhubaran ako.
Hindi rin nagtagal at may naramdaman akong pagpatong ng kung ano sa balikat ko, at nang tignan ko ito ay nakita ko ang isang mamahaling jacket.
"Yes, please escort this man out. I think he's got too much to drink. Do it before I lose my f*cking patience." Sa galit na tono niya ay bahagya akong napapiksi.
"Sir, we'll have to escort you out, please. You are disturbing the other guests."
"The f*ck I am. Do you know who I am?"
Nakahinga ako nang maluwag nang mabitwan na nito ang braso ko, at agad na binawi ang isa pa sa estranghero at marahang minasahe ang nasaktang braso.
"Are you okay?" Tanong ng estranghero gamit ang tonong may mababakas na pag-aalala, ngunit agad ko iyong inignora at sa wakas ay nilakasan ang loob na tignan siya.
Ilang taon na nga ba ang nakakaraan, ngunit bakit tila lalo lang siyang gumwapo? Ano nga ba ang pangalan niya? Ah... si Lucas.
Ang lalaking unang nakaulayaw ko limang taon na ang nakakaraan.