Nang hindi ako sumagot kaagad ay muli siyang nagsalita. "My hotel room is in this very hotel. You can go with me so you can change." Nang tukuyin niya iyon ay noon ko lang naalala ang nangyari sa akin. Noon ko lang muling naalala na napunit nga pala ang itaas na bahagi ng dress ko at basa ang harapan. Mukha akong basang sisiw na ngayon ay pinagtitinginan. "Wala akong pamalit." Mabilis kong pagtanggi at mas iniyakap ang jacket niya sa katawan ko. "Ako na ang bahala riyan. Just go with me first. You can't really go home looking like that, can you?" Nagkatinginan kami ni Lani at sa mga mata ng kaibigan ko ay nabasa ko ang nais niyang ipahiwatig. Mababakas sa mga mata niya ang pagtutulak sa aking sumama kay Lucas at isagawa ang plano namin dahil oo nga naman at meron din siyang porsyen