Tikom-bibig ako hanggang makauwi, at para makaiwas na may makakita ng kasunduan naming dalawa, iniwan ko kay Lucas ang terms and conditions niya, at ang inuwi lang ay ang titulo ng condo, pictures at ang mga brochure na kailangan kong kabisaduhin. Sa ngayon, isinantabi ko muna ang katamarang kabisaduhin ito at tila nasa alapaap hanggang makauwi. Ang una kong ginawa nang makauwi ay ang titigan ang bahay naming tagpi-tagpi at mas malaki pa ang restroom ng mga Mall. Sirang pinto, kinakalawang na yerong bubong, ang pundasyon na ilang bagyo na lang ay bibigay na. Ni wala nga kaming gate o bakod man lamang. Sa harap ng bahay namin ay isang lumang upuan lang at mga bato at damong ligaw. Nang magsawang titigan ang bahay ay pumasok na ako at pinagsawa naman ang bahay na kinagisnan ko na. Alam