Nang makauwi ng araw na iyon at habang nakahiga ako sa kama ng gabing iyon, doon ko lang napagtanto ang nagawa ko. Pero huli na ang lahat para magsisi. Itutuloy ko lang naman ang naudlot kong plano limang taon na ang nakararaan, sa pagkakataon nga lang na ito, si Lucas Razon ang nakatakda kong gamitin. At sana, sana naman ay magtagumpay na ako sa pagkakataong ito. Kinabukasan pa lang habang inaasakaso ko ang mga kapatid ko habang si Romeo ang nakaalalay kay Inay, ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at pinadalhan na ng message ang number na ibinigay ni Lucas. Lupang-lupa na kami at tanging limang-daan na lang ang lamang wallet ko na pagkakasyahin ko pa sa pamasahe, baon nila at pagkain namin ngayong araw. Sa panahon kasi talaga ngayon, halos hindi na sapat sa malaking pamilyang