Hindi ko nagawa. Hindi ko nagawang kunin ang relo niyang marahil ay halos milyon ang halaga. At bago umalis, hindi ko alam kung ano ang nagdikta sa aking hubaran siya ng damit at buksan ang zipper ng suot niyang pantalon. Siguro ay dahil sa naramdaman kong pagtataka at pagtatanong sa sarili kung sino ang Elizabeth na iyon at bakit siya gan'on kalungkot. Kaya gusto kong iwanan siyang gano'n para kapag nagising siya ay isipin niya kung may nangyari ba sa amin o wala. Gusto kong huwag matahimik ang kalooban niya at para mas makadagdag sa pag-iisip niya ay iniwan ko ang suot kong bra kaya naman muli ay kumuha ako ng jacket sa kaniya at isinuot ito pag-uwi. Ewan ko ba kung bakit hindi ko naituloy ang balak ko. Iyon na, eh. Sa presyo ng relong iyon, sigurado akong baka makapag-umpisa na ri