Magdamag akong tulala pero tahimik lang. Tahimik man, may bagyong namumuo sa kalooban ko na gustong-gusto kong ilabas pero hindi ko magawa, at ayaw kong gawin dahil sa mga kapatid ko. Mula noon hanggang ngayon, ayaw kong nakikita nila akong mahina. Ayaw kong nakikita nila akong umiiyak at susuko na dahil alam ko, katulad ng sila ang inspirasyon at lakas ko, ako rin ang lakas nila, at ako ang pinaghuhugutan nila ng enerhiya. Nakakaubos. Nakakapagod, pero gayunpaman, hindi ko na muli pang inulit ang muntik kong pag-alis noon, at kailanman ay hindi ko na ito gagawin pa. Lalo pa at halos gumuho ang mundo ko nang makabalik ako noon at isang balita ang gumimbal sa pagkatao ko. At kung bakit lalong nadagdagan ang pagkamuhi ko sa aking sariling ina. Kasabay nang paglapag ng eroplano ay ang pagk