Oo nga pala, naduwag ako at umalis nang hindi nagpapaalam o nagpasalamat lamang sa ginawa niyang pagtulong sa akin. At para itago ang mga marka sa katawan ko ay isinuot ko pa ang jacket niya. Matapos nito ay walang-lingong likod akong lumisan, bitbit ang bag ko at ang pagsisisi sa aking nagawa. Dahil madaling-araw na kaming tumigil at dahil sa parehong pagod na, at hindi na kaya ay tanda ko pa kung paanong nanghihina ang tuhod ko noon habang paalis. Para makabili ng ticket, wala akong nagawa kung hindi ibenta ang pares ng sandals na ibinigay ni Sebastian. At hindi pa ako makapaniwala noon nang maibenta ko ito sa halagang kalahating daang piso. At iyon ang ginamit ko upang makabalik sa mundo ko, palayo sa bagong mundong ipinaranas sa akin ni Lucas sa maiksing panahon. Napapikit ako na