Lahat naman tayo ay nakakagawa ng mga bagay na sa hinagap ay hindi natin inisip na gagawin, hindi ba? Lalo na sa mga kagaya kong gustong-gustong sumuko. Sa mga kagaya kong panganay, breadwinner ika nga, na sa amin nakaasa ang lahat. At lalo na kung ang mga magulang na dapat nag-aaruga at nagbabanat ng buhay para sa amin ay walang pakialam at halos iwan kayong namumuti na ang mga mata sa labis na gutom. Pagod na kasi ako. Pagod na pagod na. Ilang taon pa lang ba ako nang ako na ang tumayong ina at ama sa mga kapatid ko? Halos hindi ko na maalala pa. At nakaisip ako ng isang bagay na alam kong balang-araw ay pagsisisihan ko; ang maghanap ng lalaking maglalayo sa akin sa kahirapan, sa responsibilidad. Dahil ang trabaho ko ay isang sales lady sa isang hindi kalakihang Mall ay araw-araw i