Tawagin niyo na akong gaga, baliw, wala sa sariling pag-iisip at desperada, pero, oo, kahit gaano man kasamang pakinggan, sumama ako sa estrangherong nagligtas sa akin mula sa kahihiyan. Hindi ko rin alam. Hindi ko rin sigurado kung paano niya akong napapayag. Marahil dahil ayaw ko pang umuwi at makita ang hitsura ng mga kapatid ko o marinig ang pagbubunganga at panunumbat ng magaling kong ina. At siguro dahil na rin sa iniligtas niya ako at walang hininging kapalit. Dahil isang tingin sa akin ay alam niyang may pinagdadaanan ako. Wala pang isang oras matapos na maunsyami ang plano namin ni Henry ay natagpuan ko na ang sarili kong katabi si Lucas sa eroplano papunta sa Cebu. At napagtanto ko rin na kapag talaga may pera at connection ka ay madali na lang para sa'yo na makakuha ng ticke