Kabanata 10

2167 Words

Nakakatulala, nakakamangha, nakakagulat at nakapagtataka ang pakikitungo sa akin ni Lucas. Pagdating pa lamang namin sa Cebu ay sinalubong na kami ng isang magarang sasakyan, at hinatid kami sa isang magara rin namang Hotel. Sinubukan kong umaktong hindi namamangha o natutulala sa paligid, pero natatagpuan ko pa rin ang sarili kong palingon-lingon at napapatitig sa magagandang tanawin. Hindi ko rin maiwasang maging masaya dahil sa wakas ay may narating na ako at hindi lang puro magulong Maynila. Syempre, nariyan ang lungkot ay pagka-miss sa mga kapatid ko na sana ay kasama ko at nakikita rin nila ang mga nakikita ko. Sigurado akong magugustuhan nila ang paligid at lalo na ang kagandahan ng dagat. Hindi ko naiwasang isipin at pangarapin na sila ay nagtatakbuhan at nagkukulitan sa pinon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD