Hindi ako agad na sunagot sa tanong niya at itinigil din naman niya muna ang paghawak sa akin habang abala ako sa pag-iisip. Alam kong sinabi kong handa akong maging babae ngayon, ngunit nakaramdan ako bigla ng pag-aalangan. Ibibigay ko ba sa kaniya ang iniingatan ko gayung kakakilala pa lamang namin? Nagtalo ang puso at isip ko sa oras na iyon. Pinapangaralan ako ng puso ko na huwag pumayag at bumigay dahil hindi maganda ang kalalabasan at dapat ay sa taong mahal ko lang ito ibigay. Ngunit ang isip ko naman ay minumura na ako at pinagtutulakan na parang bayarang babae. Tang*na, puso? Pag-ibig? Ano ang mapapala mo riyan? Kita mo nangyari sa nanay mong nagpakatanga sa pag-ibig, anong nangyari? Nasa harap mo na ang isang lalaking mabait at maginoo, ayaw mo bang maranasan man lang kahit is