At mula nang araw na iyon, hindi muling nagbago ang buhay ko. Muling nadagdagan ang problemang pasan ko sa buhay na hindi naman nabawasan. Nang mahimasmasan kahit paano ay umuwi na muna ako at si Romeo naman ang nagbantay kay Inay dahil wala siyang pasok. Buong magdamag ay hindi ko rin naman nagawang matulog dahil sa mga isipin. Sino ba naman ang makakatulog matapos ang lahat? Iniisip ko kung saan akong kukuha ng pera ngayon pang-araw-araw at pambili ng gamut ni Inay. Saan? Paano? Huwag mong sabihing kailangan ko na talagang kumagat sa pangungutang at isakripisyo ang sarili ko? Hindi. Ayoko. Dahil baka pati ang mga kapatid ko ay madamay. Iniisip ko rin kung paano kong sasabihin sa mga kapatid ko ang lagay ni Inay. Hindi pa ito maiintindihan ng mga nakababata kong babaeng kapatid. Pero