Napakunot-noo ako nang matagpuan ang sariling nakatayo sa gitna ng pamilyar na Hotel. "Ano'ng ginagawa ko rito?" Taka kong tanong sa sarili habang inililibot ang tingin sa paligid. "Bakit pamilyar ang lugar?" Ilang sandali pa ay napaigtad pa ako nang bumukas ang pinto at dalawang tao ang pumasok. Dalawang taong sabik at uhaw sa isa't-isa at hindi na nag-aksaya pa ng panahong paligayahin ang isa't-isa sa pintuan mismo. Nanlamig ang buong katawan ko at napatulala na lang sa eksenang naglalaro sa harapan ko. Ang halos lumuwang mga mata ay nakatitig sa mukhang sumasalamin sa akin. Ang mukha ay pinaghalo-halong emosyon. Nananaginip ba ako? Tang*na, bakit naman sa lahat ng panaginip ay ito pa?! Nanggigil kong tanong sa sarili at pilit na sinampal ang sarili para magising. "Gumising ka, Noe.