Hindi ako lumayo o umatras, bagkus ay sinalubong ko siya. Ang uhaw na labi ay bahagyang umawang at napasinghap nang sa wakas ay tuluyang nagtagpo ang mga labi namin. Nagsimula sa nahihiyang pagdampi ng mga labi, sinasanay ang pakiramdam ng bagong labing natikman. Halos hindi humihinga at gumagalaw. Tama nga ako dahil napakalambot ng mga labi ni Lucas. Malambot, mainit, kaysarap sa pakiramdam na hagkan niya. Tila kiniliti ang buong katawan ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa batok ko, upang palalimin ang halik, ngunit agad kaming napalayo sa isa't-isa nang makarinig ng mga boses na palapit. Inayos ko ang jacket na nakapatong sa braso ko na muntik na palang mahulog, at pasimpleng iniwas ang mukhang nangangamatis na marahil sa pula. Pasimple kong tinignan si Lucas at pinigilang mataw