Nahigit ko ang hininga ko at ang nanlalaking mga mata ay natagpuan si Lucas na kalmado lang naman. Tila hindi apektado na baka mabuking kaming dalawa. Ang mga kuko ko ay halos bumaon na sa balikat niya dahil sa kaba. Ang pagbukas ng pinto ang muling narinig sa natahimik na paligid, at walang maririnig kung hindi paghinga namin at mga yabag ni Ian. "Thank you for waiting, sir. Here are your orders po." Bahagya akong nakahinga nang maluwag at ilang sandali pa ay muling narinig ang pagtunog ng cellphone ni Ian, bago niya inutusan ang mga waiter na ilagay ang mga pagkain sa mesa, at ang boses niya ay lumayo. Itinulak ko na palayo sa akin si Lucas at hinintay na matapos ang mga waiter hanggang sa marinig ang pagsara ng pinto. Bahagya akong sumilip at lumabas nang walang makitang tao. "P