Bago ko pa namalayan ay lumipas na ang tatlong linggo at oras na para isakatuparan ang plano ko. Maaga akong tumayo ng araw na iyon at ginawa ang araw-araw kong gawain, ngayon nga lang ay nadagdagan ang ito. Bago ako umalis ay pinaghanda ko ng tanghalian ang nanay kong aburido sa buhay. Hindi naman siya nanghihina na talaga o hindi na makagalaw, ngunit namamayat na siya at may ilang beses na kikirot ang dibdib, at kapag hindi na niya talaga kaya ay manghihingi ng pain killer. Salitan kami ng nasa tamang edad kong mga kapatid sa pagbabantay sa kaniya kapag walang pasok. Nang araw na iyon ay pumunta ako sa malapit na ukay-ukay at namili ng bagong damit na gagamitin para sa araw na iyon. Nakailang sukat ako ng blouse at pantalon o kaya naman ay dress. Hanggang sa huli ay napili ang kulay