Chapter 24

1516 Words

Matagal na namagitan ang katahimikan sa aming dalawa. Siya'y nakatayo lang ilang dangkal ang layo sa akin habang nakatalikod pa rin, pero makikita sa paghinga niya na pino-proseso pa niya ang narinig. At ako? Heto at namamawis na yata ang lahat ng parte ng katawan. May parte sa aking utak ang kino-konsensya ako pero hindi ko ito pinapakinggan. Kailangan kong maging matalino. Kagaya ng sinabi ni Inay at Lani, gagamitin ko itong mukhang ito para makaahon na sa hirap. Mamuhi na siya sa akin kung mamumuhi balang-araw, pero sa ngayon... kailangan ko siya, at oo, masama na kung masama na gagamitin ko siya at ang pera niya, pero nakahanda naman akong pagbayaran ito balang-araw. Kung ipapakulong niya ako ay ayos lang, basta't maiwan kong may maayos na pamumuhay ang mga kapatid ko. Kailangan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD