Chapter 2

1065 Words
Mabilis ang kilos ni hailey dahil 5 minutes na lang ay male-late na siya. Kong bakit ba kasi siya nanood ng kdrama! ayan tuloy na late siya ng gising. Sinuot niya nang mabilis ang tsinelas niya, roon na siya magpapalit ng heels dahil hindi siya makakatakbo pag nag heels na siya agad. Sumakay siya agad ng jeep at kung minamalas ka nga naman! may banggaan pa. Panay ang tingin niya sa relo na suot, may 2 minutes pa siya para hindi ma-late, pero imposible na na makarating siya roon ng gano'n ka bilis.  Nang makarating siya sa company na pagtatrabahuan niya mabilis ang takbo niya at sumakay siya agad ng elevator. oo! siya na ang late ng 15 minutes sa unang araw niya. Pagkatunog ng elevator, bumungad sa kaniya ang tahimik na floor. Napag-alaman niya kasi na ang pinakamataas na floor ay office lang ng ceo at sa labas naman nito ay ang desk niya. Bali bago ka pa makapasok sa office ng ceo papasok ka muna sa glass room kong nasaan siya pu-puwesto. "You are my new secretary?!"  "Ay hotdog!" nailagay niya agad ang isang kamay sa bibig niya, napayuko siya agad, pakiramdam niya ito nga ang boss niya, hindi niya pa kasi ito nakikita.  "S-sorry po s-sir. kasi may nabangga  roon, oo tama! nadamay tuloy kami sa traffic! syempre sir nasa pilipinas--" "Shut the fvck up woman! arrange this papers, now!" napapikit pa siya ng ibato nito ang folder na may maraming papel sa loob. naiwan naman siya doon mag isa. Tanging narinig na lang niya ang malakas na pagsara ng pinto ng office ng boss niya. great! ang galing galing ko talaga. bibinggo ako agad dito sa  boss ko! Mabilis ang kilos niya at pinulot agad ang ibang papel na nalaglag, napatingin ulit siya sa pintong pinasukan nito. pamilyar kasi ang mukha nito, oh talagang mukhang artista lang ang peg?  dumeretso nalang siya sa table niya at inumpisahan na ang pag ta trabaho. hinimas niya pa ang computer na nasa harapan niya. apple kasi ang tatak at napakaganda talaga.  habang busy siya napatalon siya sa gulat ng biglang  tumunog ang intercom at narinig ang boses ng boss niya.   " come in " nag hintay pa siya kung may sasabihin pa ito pero wala na. tumayo siya agad dahil baka magwala nanaman ang dragon niyang boss. nakakatakot pa naman! dapat mag palakas siya dito dahil ayaw niya talagang matanggal sa trabaho. kumatok muna siya bago buskan ang pinto. nakasuot na ito ng salamin habang may pinipirmahan sa mga papel na nasa lamesa nito. wow! grabe ang visual, pang kdrama actor ang peg.  "stop staring at me." nanlaki ang mata niya at agad iniwas, pero paano nito nalaman? eh nakayuko nga ito. naglakad siya ng mabilis at tinignan ang ulo nito.  "what the hell are you doing?!"  napaayos siya ng tayo at tinigil ang pag tingin sa ulo nito. "ah tinitignan ko lang ang ulo mo baka may mata din-- hehehhe" nag peace sign siya ng tinigna siya nito ng masama. " i'm not in the mood ms. gonzales! i can fire you right now " napalunok siya sa sinabi nito. "a-abay! wala naman akong ginagawa boss ha! ikaw talaga napaka sungit, gwapo ka pa naman pero masungit ka! wala ka sigurong jowa no?" tinaas baba niya ang kilay niya dito. pero tumigil din agad siya ng mas dumilim lalo ang mukha nito. okay nakakatakot na talaga siya.  "YOU'RE FI--" " sir! patapos na ako sa pinagagawa niyo, gusto niyo ba ng kape? aba magaling ako mag timpla ng kape! sige titimplahan na kita ha? " tumakbo siya ng mabilis-- oo! mabilis kahit may takong pa siyang suot at naka skirt pa siya. alam na alam niya kasi ang sasabihin nito kaya inunahan niya na.  tumungo siya doon sa pantry room sa floor nila. nakita niya ang ibat ibang biscuit na ngayon niya lang nakita, mukhang mamahalin talaga. may coffee machine din kaya mas madali siyang makakapag timpla. marunong naman siya gumamit nito dahil sa dati niyang trabaho, nagtitimpla din siya ng kape para sa boss niya. mas sosyal nga lang ang mga gamit dito. sinigurado niyang masarap ang kape na tinimpa niya, nag sulat pa siya ng maiksing note sa sticky paper na maliit at dinikit doon sa mug. ' smile pogi kong boss '  - sexytary napahagikgik naman siya sa sinulat niya, palakasan nalang talaga ito ng loob!  dahan dahan siyang pumasok sa loob ng opisina nito, busy naman ito na nakatingin sa laptop at paminsan minsan nag ta type. hindi na siya nag salita at nilapag nalang sa table nito ang kape. baka kasi pag nag salita pa siya ma ituloy na ang sasabihin dapat nito kanina.  umalis siya agad at dumeretso sa table niya. tinapos na niya ang pinapagawa nito, chineck niya pa ang notebook na huling iniwan ng secretary ng boss niya para sa mga schedule nito. 2pm pa naman ang meeting nito kaya makakakain pa siya diba? kumakalam na nang bongga ang tiyan niya dahil alas dose na din ng tanghali, hindi pa lumalabas ng office ang boss niya.  "hi!" napalingon siya sa nag salita, isang babae ang kumakaway sakaniya. "hindi ka pa kakain?-- ah ako pala si jade mendoza sa hr department ako" nginitian naman niya ito. "hi! ako si hailey gonzales, pwede na ba ako mag lunch?" lumapit siya dito at bumulong " alam mo kasi ang boss natin parang dragon, nakakatakot lapitan parang kahit anong oras pwede ka bugahan ng apoy" seryosong sabi niya tumawa naman ito sakaniya. "nako! magpaalam ka nalang, ohh kaya mag send ka nang message diyaan. diba may messaging app ka diyan nakita? pwede ka mag message kay boss. ganun ang ginagawa ni dharwin dati e yung secretary ni sir jace. ayaw kasi ni sir jace nang pasok ng pasok sa office niya at iistorbohin siya." napatango naman siya at mabilis na lumapit sa computer niya, nakita niya agad ang tinutukoy ni jade at mabilis siya nag type, dahil gutom na talaga siya! ' good AFTERNOON po boss, ayan po capslock ang afternoon para madama niyo na lunch na dapat, kakain lang po ako promise saglit lang tapos ko na po ang pinagawa niyo saakin. " send. mabilis ang kilos niya at hinatak na niya si jade para dumeretso sa elevator, grabe na ang gutom niya! buti nalan talaga free food dito sa cafeteria ng company, ito ang gusto niya dito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD