NAPATINGIN si jace sa kapeng dinala ng bagong sekretarya niya, bumaba ang tingin niya doon sa maliit na papel na nakadikit sa mug.
' smile pogi kong boss ' - sexytary
may nakadrawing pa iyon na smiley face sa baba, napailing nalang siya, mukhang sasakit ang ulo niya dito. binuksan niya ang drawer niya sa baba at kinuha ang resume ng secretary niya.
hailey gonzales... 24 years old...
kumunot ang noo niya habang nakatingin sa id picture nito, hindi siya nagkakamali ito ang babaeng kumausap sakaniya kahapon nong nasa antipolo siya banda at nasiraan. iyong madaldal at makulit na babae.
napabaling ulit siya sa kape at kinuha iyon, nabawasan na ang init non kaya ininom niya agad. nag aalinlangan pa siya dahil hindi niya alam baka may ibang nilagay ang sekretarya niya sa inumin niya.
natigilan naman siya dahil talagang masarap ang kape, masarap ang pagkakatimpla at tamang tama ang tapang ng kape. hindi niya namalayan na naubos na niya agad ang kape. tumunog naman ang laptop niya at nakitang may message galing sa secretary niya.
napabuga nalang siya ng hangin ng makita ang mensahe nito. parang naririnig niya pa ang boses na maingay nito pag nababasa niya ang message. he hates it, ayaw niya sa mga ganung maingay at madaldal, walang preno ang bibig.
logan's calling...
sinagot niya agad ang tawag nito, alam niyang may problema ang kaibigan niya.
"what's up?"
"where are you? i need a drink buddy man! mababaliw na ako hindi ko kayang mag hintay ng ilang taon, gusto ko na siyang sundan doon" napailing nalang siya dito, logan is inlove with karine. oh fvck, love can make you crazy, katulad nalang nang nangyayari ngayon sa kaibigan niya.
" i have a meeting this afternoon, let's drink later in felix house "
" workaholic as fvck, see you later. " napailing nalang siya. nakaramdam na din siya ng gutom kaya lumabas na siya ng opisina niya. dumeretso siya sa baba para pumunta sa cafeteria, gusto niya sana mag pa order pero inuhan na siya ng sekretarya niya.
TUWANG tuwa si hailey nang malasap ang masarap na pagkain.
"grabe pala dito, sobrang sarap ng mga pagkain tapos unli pa" sambit niya kay jade.
" oo hindi naman matipid sa pagkain namin si sir jace, kaya kahit masungit okay lang. maganda naman ang benefits dito at may kataasan pa ang sweldo " tumango tango naman siya, uminom siya ng tubig.
"oh my gad, si sir jace!" nanlaki ang mata niya at natigil sa pagsubo ng nag salubong ang mata nila. shemmay! paano nalang kung galit ito dahil nauna akong kumain?
ang kaninang maingay natawanan nang mga employee ay nawala nang dumating ang boss nila. gusto man niya iwasan ito pero siya na ang tumayo at sinalubong ito.
"hi boss! AHAHAHA HA.HA.HA" naging mabagal ang pagtawa niya ng nilagpasan siya nito. mabilis ang pag sandok ng mga nag seserve ng pagkain. parang alam na nila ang paboritong pagkain ni jace pag pupunta ito dito.
dumeretso ito sa sulok malapit sa glass na pader. dumukwang siya kay jade para bumulong.
"ganiyan ba talaga iyan? mag isa lagi kumakain?" bulong niya dito.
"oo, pero minsan lang yan kumain si sir dito. madalas kasi mag papa deliver siya ng pagkain at sa office niya ata siya kumakain." napatango naman siya. sinilip niya ang nasa tray nito at mas madami ang gulay kesa sa kanin. hmm. kaya siguro maganda ang hubog ng katawan nito dahil masustansiya ang mga kinakain. oy wag kayo ha! hindi ko pa nakikita ang body ng boss ko! basta pag nakita nyo siya sa suit na suot palang nito , yummy na! alam mong may tinatagong pandesal na masarap hawakan!
Napatitig siya ng husto ritto at hindi niya alam na napatagal na pala ang pagtingin niya rito.
"hoy! matunaw si sir!" saway sakaniya ni jade, napatawa nalang siya at pinagpatuloy ang pagkain. pagkatapos niya kumain sakto naman natapos na din kumain ang boss niya.
"sabayan mo na si sir jace, mauna na ako" tinanguan niya ito at kumaway siya.
"sir may ipapagawa pa po ba kayo-- ay sir! may meeting po kayo ng 2pm-"
" I know, stop talking. " iritable nitong sabi sa kaniya. Sumunod siya agad nang pumasok sa elevator. VIP elevator ang sinakyan nila. napahanga siya sa design dahil mas sosyal ang itsura at may salamin pa. Nilabas naman niya ang cellphone niya at nagsimula mag-pose, mirror selfie ang ginagawa niya.
"Sir usog ka ng kaunti, nakikita ka eh," sambit niya habang hindi parin inaalis ang tingin sa camera.
"are you crazy?" seryosong tanong nito sa kaniya. kita niya na naman ang magkasalubong na kilay nito.
"aba sir! hindi ako baliw, baka ikaw--- joke! 'to naman si sir mag-se-selfie lang! wang kang killjoy sir! gusto mo selfie pa tayo?"
Hindi ito nagsalita kaya nag pose pa siya ng mga tatlong beses bago tumigil, sakto naman na tumunog na ang elevator. as usual ang boss niya ang nauna lumabas at hindi siya pinansin.
hinanda niya na ang note pad niya, dahil may meeting ang boss niya ng alas dos.
"oh new sexytary" bumungad sakaniya ang isang lalaki na may hikaw, malakas ang dating ng kaharap niya at nag uumapaw din sa kakisigan, pero para sa kaniya mas malakas parin ang dating ng boss niya, masungit nga lang.
"ah, good afternoon sir... may kailangan po kayo?" magalang na tanong niya
"hmm.. I have a meeting with my friend.." napatingin naman siya sa schedule niya.
"oh.. mr. sherwin perez?" tumango ito sakaniya, tumayo naman siya para batiin ulit ito.
"sa office nalang niya kami mag m-meeting.. pero may 5 minutes pa naman if you want we can talk--"
"stop flirting sherwin!"
"wow what a great greetings jace" naiiling pero nakangising sambit ng kaharap niyang lalaki. binalingan naman siya nito.
"see you later honey" kinindatan siya nito bago pumasok sa loob ng opisina ni jace.
"you! stop flirting with my friend" nanlaki naman ang mata niya nang duruin siya ng boss niya. tinuro niya pa ang sarili niya. Tiningnan niya ito gamit ang gulat na mukha.
"ako? hindi sir! hindi ako nakikipag landian." pagtatanggi niya pero tinalikuran lang siya nito at talagang binagsak ang pintuan.
natawa nalang siya ng maiksi sa inasal ng boss niya. kailangan niya na talanga sanayin ang sarili niya na ganito ang ugali nito. Kailangan niyang magtiis dahil kailangan niya ng trabaho at higit sa lahat kakayanin niya dahil guwapo naman ito.
Pasalamat ka g'wapo ka! kong hindi, tinadiyakan ko na 'yang ano mo!