CHAPTER 5

1746 Words
Pabagksak na naupo si SPO2 Vasquez sa swivel chair. Ilang saglit na nag-type ulit siya sa phone saka pinakita sa akin. Binasa ko nang mahina ang naka-type doon. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Forward those emails to me. Now. BladeMan24@g*******m. Your stalker is manipulative and violent. I think he is a sociopath. Delikado ang mga ganyan lalo na at may obsession sa 'yo. Go to a psychiatrist later and ask them about sociopath patients who are severly obsessed. I'll go to the HR and talk to them. Dito ka lang. Hintayin mo ako." Ito ang mga naka-type sa message body. Tumango na lang ako. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Tumayo na lang si Julian at tangkang paalis na nang may parang naalala. Nag-type ulit siya sa phone. Seryoso ang mukha nito at halatang nagmamadali. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Ipinabasa niya sa akin ang message habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. "Panindigan nating manliligaw mo ako, and call me Julian." Hindi siya kumilos, mukhang hinihintay ang response ko kaya tumango na lang ako. Umunat na siya ng tayo saka ibinulsa ang phone. Tumalikod ito sa akin saka nagmamadaling lumabas ng production area ng Sales and Marketing Staff. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Hinarap ko ang computer ko at ipinasa kay Julian ang emails ng stalker ko. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "BlazingHeart4u..." Pilit kong iniisip kung saan ko nakita itong username na ito pero hindi ko maalala. Sa IG ba? Sa sss? Sa Twitter? Nagkibit-balikat na lang ako saka nagbalik sa trabaho. Matagal nawala si Julian at hindi ko alam kung ano ang plano niya. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Kinalabit ako ni Leslie."Jackpot ka ro'n ah. Gwapo at napaka-neat tingnan. Mukhang vain at maalaga sa katawan. Kita mo 'yung chest muscles? Pati 'yung palikpik ba tawag do'n sa muscles sa shoulders? Ayun!" Humagikgik pa ang bruha. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Sira ka. Nanliligaw pa lang naman siya." Napailing na lang ako. Kung umasta eh parang walang boyfriend. Grabe kung kiligin. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ano pa ang hinihintay mo? Grab mo na 'yan! Mamaya masulot pa ng iba 'yan!" sabi naman ng assistant ni Leslie na si Mona. "Saan mo ba natisod 'yan, do'n din ako tatambay at baka makatisod din ako ng ganyan ka-gwapo!" Makikiring parang naiihi pa sa kilig. Natawa rin ang ibang mga babaeng staff malapit na work station ko. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Hindi ko masabing sa kanilang subukang magka-stalker at baka sakaling padalhan sila ng gwapong pulis para bantayan sila. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Pumapasok si Julian kasunod ang isang babaeng HR staff, suot ni SPO2 ang company ID namin... wait, what? ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Good morning everyone! Julian is now part of the Marketing Staff and he will officially start today under the supervision of Marketing Team Leader Leslie." Pumalakpak ang HR staff, nagsisunuran naman ang mga katrabaho namin. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Siniko ako ni Leslie, "Hindi mo sinabing nag-a-apply pala rito si pogi eh. Ayan magkasama na kayo rito." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Umiling ako. "H-hindi ko rin alam eh." Marami akong gustong itanong kay Julian. Paano siyang nakapasok agad dito as Marketing Staff? ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Itinuro ni Leslie ang working station na nasa tabi ko, kung saan hinila ni Julian ang upuan. "Dito ang station mo. Mamaya ipapa-train kita kay Clarisse. Observe ka muna." Maluwang na nakangiti si Leslie kay Julian. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Naupo si Julian sa swivel chair at hinila ang sarili patungo sa tapat ng working station niya, saka kumindat sa akin. Kumunot ang noo ko at nagtatanong ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Pasimpleng iniangat ang kamay at iniharap ang palad sa akin, telling me 'later'. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Nag-ring ang desk phone ni Leslie sa work station niya. "Hello, Sir?" Naghintay ito ng sagot mula sa kabilang linya. "Sige po." Saka nito ibinaba ang handset. Tumingin sa akin. "Clarisse, tawag ka ni Sir Samaniego sa office." Ininguso ang dulong bahagi ng production floor kung saan nag-oopisina si Mr. Sungit. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Itinuro ko ang sarili ko. Kinabahan ako, ipatawag ba naman ako ng acting CEO? Why? "A-ako? B-bakit daw?" ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Nagkibit-balikat si Leslie. "Walang sinabi. Sige na, masamang pinaghihintay 'yon." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Tumayo ako bigla at nanginginig na tinungo ang office ni Sir Samaniego. Nakatingin sa akin ang lahat habang patungo roon, mukhang mga nag-aalala rin dahil pinatawag ang isang ordinaryong empleyado sa opisina ng big boss. Huminto ako sa tapat ng pinto ng office niya, huminga ng pagkalalim-lalim saka ako kumatok nang dalawang beses. Tiningnan ko ang secretary niyang si Thesa na nakaupo sa working table nito sa labas ng office ni sir Samaniego, nakatingin din sa akin na parang naaawa. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Come in," malamig na boses na sagot ni Sir mula sa loob. Nakakatakot ang boses niya. Bumulong ang secretary niya ng 'pasok na'. Sumagot naman ako nang walang tinig na 'ngiii'. Natawa siya sa akin at gumanti ng, 'I feel you' saka ito sumenyas na pumasok na ko. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Pinihit ko ang door knob at itinulak ang pinto nang dahan-dahan. Pumasok ako na parang pusang takot na takot, saka isinara ang pinto. Tumayo ako sa gitna ng office, tapat ng office table ni Sir. "S-Sir, pinatapatawag n'yo raw ako?" Nakayuko si Sir Samaniego habang minamasdan ang sangkaterbang dokumento na dapat nitong reviewhin sa araw na iyon. May oras pa pala itong kumausap ng ordinary employee? ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang tingin ko sa kanya. Parang iritable ang mukha niya. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Alam mo bang bawal magdala ng bisita sa production area?" napakalalim ng boses, parang radio announcer na nakakulong sa kwartong walang bintana. Hindi ko maalala ang pangalan ng announcer na iyon pero ganoon ang boses niya. Madalas pakinggan ni mama iyon sa AM station na nagpapatugtog ng mga lumang kanta. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "S-Sir. A-alam ko po. H-hindi ko naman po siya pinapasok dito bilang bisita. A-applicant po siya, a-at start niya po today as Marketing Staff." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Segundo lang iyon, pero napansin ko ang galit na titig niya. Mukhang alam niyang kontrolin ang emosyon sa harap ng ibang tao. Napahiya siguro sa pag-assume na bisita ko lang si Julian. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "He'll be working here?" poker face na ulit siya habang tinatanong ako. Parang wala lang na nagkamali siya ng hinala kanina. Medyo nainis ako pero wala akong magagawa. Boss ko siya eh. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Y-Yes po." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Ilang saglit na katahimikan bago ulit ito nagsalita. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "You may go now." Saka ito sumubsob ulit sa mga dokumentong nakapatong sa table niya. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Okay po, Sir." Nag-aalanganin akong lumabas pero tinungo ko na rin ang pinto saka lumabas. Galit yata talaga dahil napahiya siya sa akin.‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD