"We're very sorry for what happened, Ms. Vallejo. We didn't thoroughly checked the package from an anonymous person," paghingi ng paumanhin ng tatlong guards na tinawagan ko para hingan ng tulong. Nakayakap ako ngayon sa sarili ko na nanginginig sa takot. My stalker is insane!
"W-Who handed it over? S-Sino ang nag-receive?" natatarantang tanong ko sa kaniya, nanginginig pa ang baba ko habang nagsasalita.
"Ma'am, sorry po talaga. Ako po ang nag-accept. Lalake po ang nagdala na mukhang taga-courier kaya ko po tinanggap ang box." Kita ko sa mukha ng guard ang sincerity sa paghingi ng tawad. Gusto ko mang magalit sa kanya ay tapos na, nangyari na. I am already traumatized. Besides, ang puno't dulo ng kaguluhang 'to ay ang stalker ko.
Dumating na rin ang mga pulis na tinawagan ko para i-report ang nangyari. Keeping it to myself will not solve my agony. I want that guy to be caught and rot in jail.
They did an interview and asked everyone with several questions. "I'd like to see the CCTV no'ng dineliver ito sa inyo," pagkausap ng isang pulis na bagong dating sa guard-on-duty.
"Yes, sir. Follow me po." Naunang bumaba ang isang guard at ang pulis na nag-request ng copy ng CCTV.
I provided everything, ang details ng pagre-report ko sa ibang presinto. I even gave them my old sim cards as an evidence of terrorizing me. "You will be given a protection for the mean time, Ms. Vallejo, hangga't hindi nahuhuli ang stalker mo. I will assign two men to guard you round the clock," sagot ng kausap kong pulis. Inutusan ang dalawang kasama na magbantay sa akin. They will post outside my condo unit. Parang naasiwa ako na may hindi matutulog overnight para bantayan ako pero kailangan ko rin ng peace of mind pansamantala.
"Sige po sir, salamat. I'll provide them what they need while they're here." Umalis na ang ibang pulis at naiwan ang dalawang kasama nito. Nilinisan na rin ng maintenance ang flooring ko na nabahiran ng dugo ng mga daga, pero kahit nalinis na ang flooring at carpet, nakatatak pa rin sa utak ko ang nakita kong mga patay na daga at duguan ang mga ito. puno ng saksak at tila binalatan pa. Mukhang matatagalan pa bago mabura sa isip ko 'yon.
I gave two monoblock chairs, food and drinks to the two police officers outside my unit. Napahinga ako nang malalim habang tinitingnan silang nag-i-snack bago ko isinara ang pinto. I can sleep peacefully tonight, for now. I took a bath then changed to my sleepwear before going to bed. Tumatakbo ang isip ko sa mga katrabaho kong lalake. Pilit kong iniisip kung sino sa kanila ang stalker ko. I looked at the window, sarado pa rin ang curtain ko. Nag-aalangan man ay bumangon din ako at lumapit sa bintana, binuksan ko ang kurtina at tiningnan ang mga building sa paligid ng condo. May apat na kasing taas ng building namin: ang twin tower sa gitna, isa sa bandang kaliwa at isa sa kanan, as far as I know puro condo unit din ang mga ito. Ang pinakamahal na unit ay itong nasa gitna na tapat ng building namin. Maraming units pa na bukas ang ilaw pero medyo malayo at malabo ang glass window nila kaya hindi ko maaaninag kung may mga taong nakatanaw sa akin ngayon, but if they have telescope, I'm sure kita ang lahat ng nasa loob ng units dito dahil clear ang glass window ng units sa condo.
Isinara ko ulit ang kurtina saka ako nagbalik sa kama. Magpapahinga muna ako. I badly need rest. If only I could take a vacation from work for a few days, I will do it. Ang kaso bago lang ako sa trabaho. They won't allow me to take a vacation. I closed my eyes and tried so hard to go to the Neverland.
☆
Hinatid ako ng police patrol car papasok sa office kinabukasan, kasama ang dalawang reliever na pulis ng nagbantay sa akin overnight. Nakasunod pa rin sila sa akin hanggang sa loob. Pinayagan naman sila ng guards sa lobby na samahan ako after showing their badges.
"Ma'am, let's go to the HR to report at para makapag-request kami ng CCTV copy for the past 2 weeks. Makikita namin kung may sumusunod o nakamasid sa'yo rito," payo ng nagpakilalang SPO2 Vasquez. He's almost the same age as me siguro, matangkad, malakas ang dating at matikas. Mala-Jak Roberto ang itsura.
Nagdadalawang-isip man ay pumayag na rin ako. What that person did yesterday was already way out of line, hindi na siya nakakatuwa. Paano kung siya mismo ang pumatay sa mga dagang iyon at nagsilid sa box. Kinilabutan ako habang iniisip iyon. He's really sick!
We headed to the HR Office and reported about the stalking incident. Nakipag-cooperate naman sila at tinawagan ang security office para bigyan ng copy ng CCTV ang mga kasama kong pulis. Bumaba ang isa sa ground floor, si PO1 Santiago, para kunin ang mga kopya sa mga floor ng building kung saan ako madalas maglagi.
SPO2 Vasquez told the HR Manager to keep mum about the issue to ensure my safety and they agreed, para din daw hindi mabulabog ang mga employee na may stalker na nagtratrabaho sa company. They promised to cooperate and provide whatever is needed para mahuli ang stalker. "Matatagalan pa ang pagkuha ng kasama n'yo sa copy ng CCTV kaya much better kung mag-report ka na muna sa trabaho mo," saad ng HR Manager. Tumango na lang ako saka lumabas ng silid kasunod ni PO2 Vasquez.
We headed to the production area. Nakatingin sa amin ang lahat ng mga katrabaho ko. Nakakahiya mang magdala ng bodyguard na pulis eh wala naman akong choice.
"Hey, Clarisse. Ang sabi mo wala kang boyfriend, e sino siya?" panunuksong sabi ni Leslie. Nakatingin pa rin sa amin silang lahat, lalo na ang mga babae. Malakas talaga ang dating ng kasama kong pulis, naka-civilian pa ngayon na casual shirt lang at pantalong maong ang suot. Kita ang kakisigan nito.
"Oo nga, sabi mo single ka?" sumegunda naman si Brent na dumaan sa cubicle ng working station ko.
"N-No, he's not—"
"Manliligaw pa lang." Singit ni SPO2 Vasquez. "I'm Julian Vasquez." Iniabot nito ang palad kay Leslie, na kinikilig namang inabot ang kamay. Tiningnan lang nito si Brent.
Ano raw? Nagtatanong ang mga mata kong napatingin sa kanya. Nginitian naman niya ako nang inosente. Napailing na lang ako saka naupo sa swivel chair sa working station ko. Hinila niya ang bakanteng swivel chair sa kabilang working station at umupo sa tabi ko. Dinukot nito ang phone sa bulsa saka nag-type ng message na gusto niyang sabihin.
"We can't disclose about us guarding you. Baka lalong makapag-trigger sa tililing ng stalker mo kapag may nakita siyang pulis na kasa-kasama mo. Sinabihan ka ring huwag mag-ingay, hindi ba?"
I nodded. I turned on my computer and logged in to my company email address. I showed him those emails I received yesterday, about punishing me for not wearing my red shoes. Napatingin sa akin si SPO2 bago nag-balik ang tingin sa email. Kumunot ang noo. Hindi ko na lang pinansin ang reaction niya sa email.
Mr. Raul Samaniego entered our production area and walked straight to his office sa dulo ng malaking production floor. Ni hindi pinansin ang mga bumati sa kanya ng good morning, mukhang bad mood siya.
I already started working on the current project assigned to our team while SPO2 is just watching me. A new email just came in and popped at the right bottom of my monitor. I thought it was just an internal correspondence. In-open ko agad ang email without looking at the sender and at the subject line. I trembled when I read the email.
"Ginagalit mo ba ako? Bakit ka may kasamang ibang lalaki? Akin ka lang!"
They are in bold letters. Galit na galit. The sender is still from the same email address, BlazingHeart4u@y*******m. Nakakaalarma ang subject line ng email:
"I WILL GET RID OF HIM."
Napatayo si SPO2 sa kinauupuan nito at isa-isang minasdan ang lahat ng tao sa buong production floor. Nilingon ang buong paligid ngunit walang senyales na may ibang taong nakamasid sa amin.