CHAPTER 2

2109 Words
"He's our acting CEO since may sakit ang Papa niya for several years na," kuwento ni Leslie habang inaabot sa akin ang files from our clients na kailangang i-review. Napanganga na lang ako, ke-bata-batang maging CEO. "You heard me right. Pagpasensyahan mo na 'yon, hindi talaga mangiti 'yon at hindi rin approachable. Basta ginagawa mo ang trabaho mo nang tama, hindi ka mgkakaproblema sa kanya. Ikaw na muna ang bahala riyan at pupunta muna ako sa office niya." Tumalikod na ito at nagtungo sa office ng boss naming pasan yata ang daigdig. Laging nakabusangot at salubong ang kilay. Hindi man lang mangiti o magawang bumati sa mga empleyado niya nang may sigla. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ I see. Wala naman akong pakialam sa kaniya. Nagtrabaho na lang ako nang nagtrabaho at nagpakita na karapat-dapat ako sa ibinigay sa aking posisyon at sahod. Gusto konf magpakitang gilas para naman tumaas ang posisyon ko at mas lumaki ang sweldo ko. Nais kong makabili na ng bagong sasakyan at nakakuha ng sarili kong bahay at lupa. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ We worked hard for the new project assigned to us, specifically sa akin dahil ito ang first major project na na-handle ko sa bagong trabaho. We did a remarkable presentation at humanga ang clients namin. Mr. Samaniego also applauded us after the presentation pero poker face pa rin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nag-apiran kami ng mga ka-team ko sa project, and they've decided that we will be in the same team to work on the next projects na maa-assign sa amin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Tara na, lunch na tayo sa Pantry. My treat," aya ni Leslie sa amin. Walo kami sa team, tatlong babae, apat na lalake at isang beki na sobrang kulit. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nagkakasiyahan kami nang may kumalabit kay Leslie. "O, Luke, kamusta sa department n'yo?" ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Napabuga ng hangin ang kausap niya, saka umupo sa tabi ni Leslie, katapat ko sa upuan. "Ayun, hindi nagustuhan ng client ang presentation so we need to revise our research and will have another presentation tomorrow. Kung hindi, lilipat sa iba si client at yari kami kay Sir Samaniego, maghahanap na rin kami ng bagong trabaho." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Napailing si Leslie. "Ano ba ang ginagawa ng team members mo? Teka, gusto mong hiramin si Clarisse? Tapos na kami sa presentation and we bagged the deal. Siya ang nag-design ng marketing plan and layout." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Napatingin sa akin ang kausap niya, saka ngumiti, "pwede ba?" ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Tumango ako. "Okay lang naman kung makakatulong naman ako. Besides para naman sa company 'yon. Kapag may nag-pull out na client eh tayo rin ang maaapektuhan. Naranasan ko na ang mag-work sa pa-bankrupt na company. Mahirap." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Great! Can you join us later sa meeting? Bukas na ang presentation and we are already exhausted," pagmamakaawa ni Luke. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Sure, no problem." Saka ako ngumiti. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nagtrabaho kami maghapon at inabot ng alas-otso ng gabi bago natapos sa bagong design ko na marketing strategy na akma sa request and demand ng client. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "I hope this will go well," sabi ni Luke. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Naku, ang sakit na ng katawan ko, kapag inayawan pa nila 'yan, ewan ko na lang," sagot no'ng Joana na minamasahe na ang sariling balikat dahil sa pagod, isa sa team members ni Luke. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Uwi na tayo," sabay na pag-aaya nina David at Feli na mag-asawa. Dito na raw sila nagkakilala at nagkaibigan sa office kaya mahal nila ang kumpanyang 'to. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ They did the presentation and the client loved the proposed marketing plan and strategy sa bagong product na ilau-launch nila. Halata sa mga mukha nila dahil ang haba ng mga ngiti habang papalabas ng conference room. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Everyone in our team were thanking me for my help and support, habang nakamasid ang clients at si sir Samaniego. Tumalikod ito at lumabas na, kasunod ang clients namin. Di man lang nagpasalamat na iniligtas ko ang presentation nila sa client ngayon. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Thank you, Clarisse!" Isa-isang lumapit sa akin sina Luke, David, Feli at Joana. "We owe you one." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Wala 'yon." Nahihiyang ngumiti ako sa kanila. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ I was on my way to my condo when I received a text message na wala sa phone book ko. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "You're exceptional." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Napakunot ang noo ko. Ano raw? Nireplyan ko ng, "hu u?" ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Walang response. Nagkibit-balikat na lang ako at baka wrong sent lang ang nagtext. I put my phone in silent mode para walang storbo sa pagtulog ko. Natulog ako nang masaya dahil maganda ang nangyayari sa career ko sa office. Feeling ko ay magtatagal ako sa kumpanyang 'yon. I'm 23 years old and hoping to be a successful career woman in corporate world. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Maaga akong nagising kinabukasan para mag-prepare, medyo malayo sa condo ang office pero tiis lang. Magkaka-kotse rin ako soon. May bonus daw ako dahil sa nai-bag na dalawang big clients kahit bago pa lang ako. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ I checked my phone and found 5 missed calls from 2 different numbers, and 3 text messages from one of the numbers who called me. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "You're amazing and one of a kind. You caught my eyes." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Good morning beautiful, hoping to see you early at work." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "I'd love to see you in red." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ I replied to thank him and asked who he is. Wala ulit reply. May sayad yata. I just ignored it and started preparing for work. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Araw-araw ay halos same messages ang nare-receive ko at minsan ay may missed calls na hindi ko masagot dahil busy sa trabaho. Hindi ko na lang pinansin dahil hindi naman sumasagot sa reply ko, until one time na kinabahan ako sa text niya. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Naglalakad ako pauwi galing sa pamamasyal sa mall no'ng rest day ko nang makatanggap ako ng message from that mystery admirer. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Ang ganda mo sa suot mong white mini-skirt at sleeveless red top. Bagay na bagay sa 'yo. You excite me." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Napalingon ako sa paligid ko, minamasdan ko kung may nakasunod sa akin o ano, pero wala naman. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "You want to see me? Hinahanap mo ako?" ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Dumagundong ang kaba sa dibdib ko at tumakbo patungong condo. He's stalking me! ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Mula noon ay hindi na ako tinigilan ng kung sino mang nanggugulo sa buhay ko. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nagbalik ako sa kasalukuyan habang nagtratrabaho sa harap ng computer ko. I checked my email, may bagong unopened mail sa inbox from unknown sender and unknown email server with a weird Subject Line. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "To The Red Hot Woman Who Excites Me." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ I opened it and I got scared when I read the email. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "I can't reach your number. Did you break your phone? I told you to wear your red shoes. You will have a punishment, if you will continue being stubborn." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nakaramdam ako ng parang naghahabulang mga daga sa dibdib ko dahil sa nerbyos! Hindi ako titigilan ng stalker ko hangga't hindi ako nasisiraan ng ulo! ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi ko na in-entertain ang mga text, email at tawag niya. I find him creepy and he's getting into my nerves! ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD