CHAPTER 3

3062 Words
Sino? Sino 'tong stalker ko? Alam niya ang official company email address ko so he is from this company! ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nilinga ko ang paligid. Tiningnan isa-isa ang mga tao sa buong production floor. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Si Alex? Gwapo pero may beer belly. Saka imposible, he never approached me. All eyes siya roon sa HR na maganda na nag-hire sa amin. Hinahabol-habol niya pa sa Pantry kapag break time. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Si Brent? Parang hindi naman. Malambot pa kumilos sa akin ito. Wala rin siyang pinakitang kakaiba noong gumagawa kami ng marketing plan. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Si Luke? Wala naman sa personality niya na mang-i-stalk ng babaeng gusto niya. He can court anyone anytime at mapa-yes ang babae. Gwapo, matangkad, mayaman. Ang sabi ni Leslie ay anak daw ito ng isa sa mga shareholders ng kumpanya and he's just here to train and to experience how to be an employee. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Si Arnold? Tiningnan ko ang nakakalbo naming bookkeeper. Binata raw ito at naghahanap ng girlfriend pero mukhang wala naman siyang kakayahang mang-stalk ng babae. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Si David? Lalong imposible. He's happily married. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Lumabas ng office niya si Sir Samaniego, dire-diretso lang itong naglakad palabas ng production floor. Ni hindi nga ako tiningnan. He's too busy para gumawa ng petty things like stalking an ordinary employee. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Tumunog ang computer ko. Another email just came in with another weird Subject Line: "Excited to meet me?" ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ I clicked the email and read the message body: ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Are you looking for me? You will have a glimpse of me later. I will punish you for not wearing your red heels. Huwag kang gagawa ng eksena, mas matinding parusa ang ibibigay ko sa 'yo." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Sino? Sino siya? Sino ang may sayad na lalaking ito na ayaw akong tantanan? Tumulo ang luha ko habang iniisa-isa ang mga lalake sa production floor. Wala talaga akong maisip na isa sa kanila iyon. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Clarisse, are you okay? What's happening?" nag-aalalang tanong sa akin ni Leslie. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "I-I'm okay, I just have a stomach spasm," pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila lalo na at nagbanta ang gumagawa nito. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Go to the clinic and get some medicine. Magpahinga ka muna ro'n." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Thanks, Leslie." Saka ako nagmamadaling tumakbo palabas ng production floor at tumawid sa kabilang wing ng building papuntang clinic. I asked for medicine pero hindi ko ininom. I just asked the nurse if I can lie down for a few minutes and good thing she allowed me to stay. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Masisiraan ako ng ulo sa kakaisip. Ano'ng parusa ang gagawin niya? Saan? Kailan siya aatake? Sasaktan ba niya ako? Naalala ko si Ara, susunduin nga pala niya ako mamaya kaso wala akong dalang phone. I need to call her. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Bumangon ako and asked the nurse if I can make a phone call. Pumayag naman. I dialed her direct line sa clinic niya. She's a dermatologist at may sariling clinic sa Ayala Ave. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Ara, alam din niya ang company email ko." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "What? So that means taga riyan ang stalker mo? Sabagay, nagsimula lang naman 'yan no'ng pumasok ka sa company na 'yan eh." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "He's threatening me. May punishment daw ako mamaya for not wearing my red shoes," naluluha na namang sabi ko. Nakatingin sa akin ang company nurse namin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Hintayin mo ako ha. Sabay tayo mamaya. Iyong number mo bakit 'di ko makontak?" ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Ibinato ko kagabi kasi nagtext na naman ang stalker ko at tumawag. Alam niyang naka-bathrobe ako kagabi after kong maligo." Nanginginig na napaupo ako sa upuan sa harap ng nurse. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "He's sick! Dapat dala mo ang phone mo pati 'yong ibang sim mo kung saan siya nagtetext para kapag nagreklamo tayo sa pulis mamaya, may ebidensya ka." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Nasa wallet ko pa naman ang dalawang SIM na gamit ko last week. Ebidensya na 'yon." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Good. Sige mamaya hintayin mo ako ha, I'll call your direct line kapag nasa baba na ko." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Salamat, sissy." Ibinaba ko na ang phone. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nag-aalalang tinitingnan ako ng nurse. "May stalker ka?" ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Bumagsak ang mga luha ko habang tumatango nang mabagal. Buti na lang, kaming dalawa lang ang tao rito sa clinic. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Sshhh, tahan na. I-report mo para mabigyan ka ng protection. Hindi pwedeng manahimik ka lang. May mga stalker na violent. Baka kung ano na lang ang gawin sa 'yo kapag nalingat ka. They are sick in the head kaya nila ginagawa 'yan. Wala kang laban sa taong wala sa normal na pag-iisip." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "S-sige. Mamaya dadaanan ako ng friend ko. Sasamahan daw niya ako sa police station para mag-report." Pinunasan ko ang luha ko. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Ano na ba ang ginawa niya sa 'yo? Ay oo nga pala, I'm Dana, the new company nurse here." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Oo nga pala, I'm Clarisse. Bago lang din ako." Nakalimutan pala naming magpakilala sa isa't isa. Ngayon lang kasi ako nagawi sa clinic. "Nagtetext siya minu-minuto, tumatawag, alam niya kung saan ako nagpupunta, kung ano ang suot ko, kung ano ang kinain ko dito, pati company email ko alam niya. Malamang na tagarito siya." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "T-tagarito? Ngiii! Nakakatakot! Pero sino siya? May idea ka ba?" ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Umiling ako. "Wala akong idea. Wala namang nanliligaw sa akin dito, walang nagpapalipad-hangin, wala ngang lalakeng humihingi ng number ko eh." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Mukhang may malalim na iniisip si Dana. "May babae bang employee na nakakaalam ng number mo?" ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Napaisip ako. "Iyong mga nakasama ko lang sa projects for more than a month. Ilan lang sila." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Kung gano'n, posibleng hiningi ng stalker mo ang number mo sa isa sa kanila, o kaya naman may access sa HR files ang stalker mo. Kapag ba nagpapalit ka ng number, inu-update mo ang HR?" ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Yes. Tumatawag ako sa kanila para ireport na nag-change number ako." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Ganito, ask those people kung may nanghingi ng number mo. Tapos magpalit ka ulit ng number. Never give it to anyone here, kahit sa HR huwag kang mag-update." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Napaisip ako, oo nga. Nice strategy. "Sige, gagawin ko 'yan. Salamat ha. Sana walang makaalam na pinag-usapan natin 'to rito. Nagbanta kasi siya na don't make a scene here, so most likely he doesn't want me to tell anyone na may stalker ako." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hinawakan ni Dana ang kamay kong nanginginig dahil sa kaba. "Sige, no problem. Tayo lang dalawa ang narito. 'Di rin ako magku-kuwento sa iba. Pumunta ka lang dito if you need someone to talk to. Kahit paano nasa medical field pa rin naman ako kaya may maitutulong naman ako sa 'yo." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Salamat, Dana. Buti na lang nagpunta ako rito. Gumaan kahit paano ang pakiramdam ko. Sige babalik na ako sa trabaho. Salamat ulit." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Sige." Nilingon namin ang pinto ng clinic. May pumasok na isang male employee na mukhang nasa 30's ang age at nanghihingi ng gamot sa ubo. 'Di ko siya kilala. Lumabas na ako ng clinic at bumalik sa work station ko. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Pasado alas singko na nang tumawag si Ara. Nasa lobby na raw siya. Nagmamadali na akong tumayo at binitbit ang shoulder bag ko. Nakasabay ko sa elevator sina Leslie at Luke. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Going home?" tanong ni Luke. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Umiling ako. "N-no, not yet. My friend is picking me up." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Tinukso ako ni Leslie. "Uy, male friend ba 'yan?" ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Natawa ako sa kanya. Parang bata ito kapag tapos na ang trabaho. "Naku hindi, babae. Bestfriend ko since grade school." "Ah, akala ko lovelife na eh. Sayang, sana may BF ka na para foursome tayo sa dinner date." Sabay tapik sa braso ko. "Ah, kayo ba ni Luke?" Tiningnan ko silang dalawa. "Loka, hindi. Iyong boyfriend ko sa front desk na naka-assign dito. Naghihintay na sa lobby." "Ah, akala ko si Luke ang boyfriend mo. Sorry naman." Napatawa ako nang awkward. "Single and ready to mingle pa ako," singit ni Luke. I giggled. "Sorry." Bumukas na ang elevator sa ground floor. Nauna na akong lumabas at hinanap ng mata ko ang BFF kong kasing ganda ko. Nakaupo siya sa waiting area. Nakita niya rin ako agad kaya tumayo na ito at lumapit sa akin. "Hi, Bessy." Nagbeso kami. Nilingon ko sina Leslie, kasama na ang boyfriend niya. Gwapo kahit payat, may katangkaran at mestisuhin. "Mga katrabaho ko. Guys, bff ko, si Ara." "Hello. Saan kayo pupunta n'yan? Sabay na kayo sa amin," alok ni Leslie. "Ay, sige magta-taxi na lang kami," tanggi ko. Makakaistorbo pa kami sa date nila. "Sige, una na kami." Lumabas na ng building sina Leslie at boyfriend niya. "Sa akin na kayo sumabay, idadaan ko na kayo. Wala naman kayong iistorbohin sa akin." Napatawa ito nang malakas. "Nakakahiya eh." Napakamot ako sa ulo. "Hindi, okay lang. Nariyan sa kabila ang sasakyan ko. Okay lang na maglakad tayo? Naubusan ako ng parking slot dito sa building eh." "Sige kung hindi nakakahiya eh. Diyan lang kami sa malapit bababa." Hindi na ako tumanggi, kahit paano mas ligtas kung sa police station talaga kami diretsong bababa. Lumabas na kami ng building at tumawid ng kalsada. Nasa paid parking pala ang kotse niya. Ang gara ng kotse, halatang sasakyan ng mayaman eh. "Sakay na." Pinagbuksan niya kami ng pinto ni Ara. Sa harap ako at sa likod si Ara. "Ang ganda ng kotse mo ah," papuri ni Ara. "'Di ko dala ang car ko, coding ako ngayon eh. Ang haggard kaya mag-commute." "Saan ba talaga ang punta n'yo?" curious na tanong ni Luke. "Sa police station. Magrereport," sagot ni Ara kaya pinandilatan ko nga. Masyadong honest talaga ito kapag tinanong eh. "Ano'ng ire-repeort n'yo?" tanong ni Luke habang papaliko sa kanto ng Makati Avenue na sobrang traffic. "Sabihin mo na kasi, Sissy. Mabuti na 'yong may isang nakakaalam na may stalker ka sa office n'yo." "May stalker ka?!" napalakas na sabi ni Luke. "Oops, sorry." "O-oo eh. Alam niya lahat ng tungkol sa akin." Ikinuwento ko kay Luke ang mga nangyayari sa akin araw-araw. Panay tango naman nito. "Sasamahan ko na kayo sa police station saka ihahatid ko na kayo pareho. Mahirap na." "Ha? Naku huwag na, nakakahiya!" Mariing tanggi ko. "I insist. Paano kung may mangyari sa inyo pagkatapos ko kayong ibaba sa police station, e 'di kunsensya ko pa? May sasakyan ako kaya okay lang kung ihatid ko na kayo." "Pumayag ka na, Clarisse. May point siya." Napahugot ako ng malalim na hinga. "Sige na nga." Sinamahan kami ni Luke sa pag-file ng report. Ibinigay ko ang dalawang simcard ko saka ang landline ko. Ipapa-trace daw nila ang number ng tumawag at nag-text sa akin. Gagawa raw sila ng investigation sa paligid ng condo. Tatawag daw sila kapag may development na. Napaisip ako kung may magagawa nga ba sila at mahuli ang stalker ko. Ibinaba muna namin si Ara sa tapat ng Townhouse niya bago ako inihatid ni Luke sa tapat ng condo ko. "Mukhang napalayo ka tuloy. Gagabihin ka na sa daan n'yan," nakukunsensya ang tono ko. Napangiwi tuloy ako. "Ayos lang. Friday naman ngayon eh. Saka d'yan lang naman ako sa E. Rodriguez. Hindi na ako bababa ha." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Oo, sige salamat ulit." Kumaway pa ako bago ako tumalikod. Thankful ako dahil nakaligtas ako sa isang araw na pangangamba habang pauwi. Mapayapa akong nakarating sa condo ko. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Naglalakad na ako sa lobby ng hotel nang tinawag ako ng receptionist. "Ms. Vallejo, may package ka." Iniabot nito sa akin ang pulang kahon na kasing laki ng sapatos. "Salamat." Kinuha ko ito at tinungo ang elevator. Sino naman ang magpapadala ng package sa akin? Inalog-alog ko pa ang kahon habang palabas ng elevator sa floor ng condo unit ko. May pangalan ko sa ibabaw ng box pero walang sender. Pagkapasok ko ng unit ko ay nagmamadali akong naupo sa sofa dahil sa excitement kong malaman kung ano ang laman nito. Inalis ko ang packaging tape na itinambak sa takip na parang ayaw pabuksan, inangat ko ito. "Eeeeeeeeeeehhhhhhh!" Naihagis ko ang kahon. Tatlong patay na daga ang laman nito. Niyakap ko ang sarili ko saka ako sumiksik sa sulok. My stalker is terrorizing me! He's getting into my nerves and sending me dead rats is not funny at all! Nanginginig ang mga kamay ko habang yakap ang sarili ko. Abot-abot ang kilabot sa buong katawan ko habang nakatitig sa mga patay na daga. Gumapang ako para abutin ang telepono at tawagan ang security ng condo. Nanginginig pa ang mga daliri ko habang pinipindot ang numero sa front desk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD