CHAPTER 1

1613 Words
Naghahanda na akong pumasok sa trabaho, naghanap ng susuotin sa cabinet nang mapalingon ako sa red 4-inch heels ko. Napasimangot ako saka ko ibinalik ang tingin ko sa cabinet. I found a blue off shoulder dress with above the knee length. Lalong maglalabas ang damit na ito ng kaputian ko. Hindi ako katangkaran pero balingkinitan ang katawan ko at may maamong mukha. Matangos ang ilong at tsinita ang mga mata. Ang pinaka-asset ko ay ang mga labi kong natural na mamula-mula. Mahaba ang mahogany wavy hair na sadyang pinakulayan ko para mas bumagay sa skin tone ko. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nilingon ko ang shoe rack at nakita ko ang 3 sets of shoes na pwede kong gamitin. Blue, white and black. Parang sobra na kung blue shoes din ang suot ko. I picked the white pair of 3-inch heels, saktong sakto sa blue dress ko. Tinungo ko ang dresser para magsuklay. Nakapag-apply na rin ako ng light make-up kanina bago ako magbihis. Sinipat ko sa huling beses ang sarili ko sa salamin at nang satisfied na ako sa nakikita ko ay tinungo ko na ang kama para damputin ang white shoulder bag ko saka naghandang lumabas ng unit. Nadaanan ko pa ang pair of red shoes na suot ko kahapon na naiwan ko sa tabi ng sofa na nasa paanan ng kama ko. Sinipa ko ang mga ito saka lumabas ng unit. Hindi ko na ulit gagamitin ang sapatos na iyon. Wala rin akong phone dahil iniwan ko pa ring kalat-kalat ang pira-pirasong phone ko sa lapag. Buti na rin 'yon, at least walang mang-iistorbo sa akin maghapon. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Lumabas na ako ng condo para maglakad patungong sakayan ng bus, nakisabay sa mga naglalakad na papasok ng trabaho at school. Hindi ako kabado kapag ganitong maraming tao, feeling ko ay ligtas ako. Nakipag-agawan ako sa ibang pasahero, bangasan ng mukha para lang makasakay at hindi mahuli sa trabaho. Ito ang araw-araw na scenario ng buhay ko, patungo akong MRT station sa Kamuning na mahaba ang pila at mas matindi ang bangasan para makisiksik sa loob ng train. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Lukot na ang damit ko at pawisan bago pa makarating sa office sa Makati, kung ma-approve sana agad ang car loan ko, hindi na ako mahihirapang pumasok araw-araw. Bumigay na kasi ang pinamanang second hand car ni Papa sa akin. 1995 model ba naman 'yon na kulang sa alaga. Mas malaki pa ang magagastos ko sa maintenance kaysa bumili ng bago. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nakarating din ako sa tapat ng building namin, ang Samaniego-Fajardo Marketing and Advertising Corp. o SFMAC. Isang malaking kumpanya na may sariling building. Lahat ay nasa kanila na—marketing, surveys, digital promotions, product research and services, print ads, advertising, TV commercials, billboards at kung ano-ano pa. Bawat palapag ay kaniya-kaniya ng department at hawak na linya. Bagong employee pa lang ako rito, isa sa Digital Marketing Strategists nila. Mahigit one month pa lang ako, nag-apply ako no'ng mga panahong wala pang nanggugulong stalker sa akin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ More than a month ago... ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Applicant number 12, 15, 31, 87 and 98. please come-in to the conference room. for your job offer," tawag sa amin ng magandang babaeng HR. Morena, may striking beauty, maganda ang katawan at pang-modelo ang height. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Napaangat ang ulo ko nang tawagin ang number ko. Number 98 ako. Nakailang balik ako rito para sa proseso ng screening, exam, interview, final interview. Ang dami namin for final interview ngayon, kaya kabado talaga ako. Hindi ko na-imagine na makakapasa ako. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Papasok na kaming limang tinawag sa conference room, nilingon ko ang mga laglag ang balikat ng ibang applicants na isa-isa nang nagsisolian ng Visitor ID sa reception area ng malawak na 12th floor. They will have to start from scratch and apply somewhere else. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Dalawang babae at dalawang lalake ang kasabay kong nag-job offer, lahat kami ay mahahaba ang ngiti at nagbabatian. This is my second job after graduating as magna c*m laude ng BSC major in Marketing sa isang prestigious school. Umalis ako sa unang pinasukan ko 3 months ago na tumagal lang ako ng isang taon dahil sa bankruptcy. May compensation namang binigay sa aming mga na-regular at iyon ang ginamit kong pangtawid habang naghahanap ng bagong trabaho. Itinabi ko naman ang iba sa savings account ko. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Namimilog ang mga mata ko dahil sa nabasa ko sa kontrata ko. The salary they offered me was tempting, bukod pa sa allowance and other incentives. Pumirma kami agad matapos basahin ang kontrata. We will start working on Monday agad since they need manpower dahil marami daw bagong pasok na big clients for 2020 campaign. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Naging magaan ang working days ko sa first week. Nakagamayan ko agad ang mga binigay sa aking trabaho at nakapagtrabaho with less supervision. "Wow, ang galing, ha. Accurate lahat ng trabaho mo. Kabago-bago mo pero nagpapakita ka na ng exceptional skills. Good job!" papuri ng superior ko na nag-train sa akin, si Leslie. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Salamat, Ma'am. Magaling po kasi ang nag-train sa akin kaya natuto ako agad," papuring balik ko sa kanya. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Asus, nambola pa 'to." Mahinang tapik niya sa braso ko. "Leslie na lang ang itawag mo sa akin." Sabay kaming napalingon sa pumasok sa production floor namin. Isang napaka-gwapong nilalang na first time kong makakita sa buong buhay ko. Matangkad, matipuno, makakapal ang kilay, malamlam ang mga mata at matangos na ilong. Parang manequin sa malls. Naka-tuxedong black ito at may dalang brief case. Siguro ay nasa mid-20's siya. Kasunod nitong pumapasok ang limang lalakeng mga naka-tuxedo rin at may mga bitbit na brief case. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Good morning, Mr. Samaniego," bati ni Leslie rito, nag-flip pa ng hair para magpa-cute. Sabagay, gwapo naman talaga kaya kahit sino ay mapapa-flip ng hair kapag ganito ang dadaan sa harap nila. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Good morning," seryosong bati nito. Huminto muna sa tapat ni Leslie. "We have new clients and I'd like you to work on their projects. They need our strategic plan and presentation in 3 days. Get the best team members that you can get to make this project a success. Sumunod ka sa office to get their materials." Napatigin ito sa akin. "We have a new staff?" ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Yes sir, she's Clarisse Vallejo, our new Digital Marketing Strategist and she is really efficient. I will make her part of the team to work on our new clients," pagbibida ni Leslie. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Really?" Tumingin siya ulit sa akin. "I will expect a lot from you since recommended ka ni Leslie. Don't fail me," wala pa ring ngiting sabi nito. Nakakatakot na kausap. Gwapo lang siya pero wala siyang pleasing personality. Tumalikod na ito saka nagtungo sa office sa dulo. Pinagmasdan ko ang binatang mukhang suplado habang papalayo ito. Napabuga ako ng hangin bago muling nagbalik sa trabaho ko. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD