"Ayos ka lang ba?" tanong ni Julian habang pauwi kami. Gabi na rin nang makaalis kami sa bahay nina Julian. Matagal pa ang inilagi namin sa bahay nila dahil haba ng naging kuwentuhan. Nagtanong sila ng ilang bagay tungkol sa akin, kung ilan kaming magkakapatid sa pamiya, kung saan ako nagtapos at kung saan ako pumapasok na kumpanya. Magiliw kausap ang mga magulang ni Julian. Hindi sila mapagmataas at hindi nangmamata ng kapwa. Hindi ko matanggap na ang katulad nilang mabubuting tao ay nawalan ng anak sa brutal na paraan nang dahil lang sa may siraulong pagala-gala sa kalye at stalker. "Oo naman," sambit ko. "Nakakatuwa nga dahil warm ang pagtanggap sa akin ng pamilya mo." "Mababait talaga sila at masayahin. Maayos ang pagpapalaki na ginawa sa amin." Lumamlam ang mga mata nito. "Pero di