CHAPTER 22

1006 Words

"Julian," nahintatakutan kong sabi. Niyakap ako ni Julian nang mahigpit. "I'm here. I'll protect you," pagpapakalma nito sa akin. "Iba na 'to. Pumasok na siya sa silid ko. Nanira na ng mga gamit ko. Hindi na ako ligtas kahit sa sariling unit ko. Paano kung hindi tayo umalis at nagkataong mag-isa lang ako rito? Sinapit ko rin kaya ang katulad sa nangyari kina Jennifer at sa ate mo?" Nagdatingan ang mga back-up na pulis sa condo. Siniyasat nila ang buong unit ko. "Clarise, hindi ka na maaaring manatili rito," sambit ni Julian. "Delikado na masyado para sa 'yo. "Saan ako titira? Hinuhulugan ko pa nga ito," naiiyak na sabi ko. "Doon ka muna s unit ko," alok nito sa akin. Nanlulumo ako sa nangyayari sa buhay ko. Mawawalay na nga ako sa unit ko, winasak pa ang mga gamit na pinaghirapan ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD