CHARRIE:
KINABUKASAN ay maaga akong gumising para maihanda ko ang agahan namin at mga gamit ni Cloud sa pagpasok sa trabaho. Kahit madalas ay kape lang naman ang ginagalaw nito sa umaga ay nagluluto pa rin ako. Nagbabaka sakali na tikman niya ang niluto ko.
Matapos kong magawa ang morning routine ko ay lumabas na ako ng silid. Pasado alas singko pa lang naman sa umaga. At mamayang alas-otso pa ang pasok ni Cloud sa hospital.
Napahinga ako ng malalim na nagtimpla na muna ng kape ko bago inihanda ang lulutuin. Minasa ko na muna ang kaning lamig na natira namin ni Cloud kagabi. Nagdikdik ng bawang, sibuyas, patatas, carrot, itlog at ground beef na mga pansahog ko sa lulutuin kong sinangag.
Habang nagluluto ako ay napapakanta pa ako. 'Di naman halatang masaya ang gising ko na maayos kami ni Cloud kagabi. Sana nga ay magtuloy-tuloy na ang maayos naming pagsasama.
Matapos kong maluto ang sinangag ay nagprito pa rin naman ako ng hotdog, bacon at itlog na sakto lang sa amin ni Cloud. Ayoko namang nagsasayang ng pagkain lalo na't madalas ay ako lang naman ang kumakain ng luto ko.
"Where's my coffee?"
"Ayt! Kape mo!" gulat kong bulalas na napatalon sa pagsulpot nito!
"Cloud!? Good morning!" masiglang bati ko na nilapitan itong nagbukas ng fridge.
Hawak ko pa ang sandok dahil kasalukuyan akong nagpiprito. Uminom ito ng malamig na tubig. Kitang kakagising lang. Sabog-sabog din ang buhok pero kahit ganon ay kay gwapo niya pa ring tignan!
"Anong amoy 'yon?" kunotnoong tanong nito na napapasinghot!
Namilog ang mga mata ko na natigilang may naaamoy na. . . sunog!
"Fvck! 'Yong niluluto mo!" asik nito na tinakbo ang pan na umuusok na!
Taranta akong lumapit dito na napapaubo pa dala ng usok! Napangiwi ako na hindi makatingin dito nang paningkitan ako ng mga chinitong mata nito. Sunog kasi ang huling niluluto kong itlog na hindi na mapakinabangan sa sobrang itim no'n!
"Sorry," napapangiwing paumanhin ko.
"Tsk, inuuna pa kasing magpa-cute," pasaring nito na dinala sa sink ng lababo ang pan.
Napanguso naman ako. Aminadong guilty. Nagtungo ito ng mesa at pabalyang naupo ng silya.
"C-Cloud, kape--"
Nabitin sa ere ang sasabihin ko na malingunan ko itong sumimsim na sa kape kong nabawasan ko na kanina. Nagkataon pa na sa parte kung saan ako sumimsim lumapat ang kanyang mga labi.
Namilog ang mga mata ko na napalapat ng labi. Nag-init ang pisngi lalo na't dahan-dahan itong napalingon sa akin. Nagtatanong ang mga mata na ikinangiti ko ng matamis kahit nakabusangot ito.
"What?" taas ang kilay na tanong nito.
"Um, wala. Sasabihin ko sana ang kape mo," agarang sagot ko na may kasamang pag-iling.
Napa-tsk lang naman ito na sumimsim muli sa baso. Napapalapat ako ng labi na kinikilig sa isip-isip kong para na niya akong hinalikan sa pamamagitan ng baso!
"Tsk. Stop daydreaming, will you? Para kang bata. Maghain ka na nga. May pasok pa ako mamaya," panenermon nitong ikinatuwid ko ng tayo.
"Eto na!" kaagad kong sagot na mabilis naghain ng mga naluto ko na sa harapan nito.
Bahagya pa akong natataranta dahil ito ang unang beses na mag-aagahan ito dito at kasabay ako! Parang lulukso ang puso ko dala ng labis-labis na saya na makakasabayan itong muli na kumain!
"Pawis mo, tumutulo na oh," ingos nito.
"Sorry, mainit eh," napapangiwi kong paumanhin habang naglalagay ng sinangag sa plato nito.
Lihim akong napapangiti na hinahayaan lang naman ako nitong asikasuhin ito.
"Hindi ka ba kakain?" puna nito na nanatili akong nakatayo sa harapan nito.
Pinapanood siyang kumain at inaaral ang reaction niya sa niluto ko.
"Kakain," aniko na naupo paharap dito.
Hindi naman na ito sumagot pa. Panaka-naka ko itong sinusulyapan sa tuwing magsusubo. Lihim na napapangiting kita ko namang nagustuhan nito ang niluto ko. Hindi man niya sinasabing masarap ay sapat na sa akin na makitang magana itong kumakain.
"Um, Cloud?"
"Hmm?" napalingon ito na nagtatanong ang mga mata.
Napainom ako ng tubig at punas ng bibig bago nagsalita.
"Gusto ko sanang magtrabaho sa hospital e. Okay lang ba iyon sa'yo?" aniko.
Nangunot ang noo nito na naipilig ang ulo. Tila inaalisa ang sinaad ko. Napahinga ito ng malalim na pagod ang mga matang napatitig sa akin. Pilit akong ngumiti at kahit walang salitang lumalabas sa bibig nito ay nababasa ko na ang sagot nito base sa kanyang itsura at pagbuntong-hininga ng malalim.
"Hwag na. Kung mabubuntis naman kita next month? Dito ka lang sa unit aalagaan ang sarili at ang baby natin. Pero kung hindi ka mabubuntis? Bahala ka na kung anong gusto mong gawin sa buhay mo," anito na napakalamig ng tono.
Uminom na ito ng tubig at tumayo. Hindi na rin ako tinapunan ng tingin at diretsong lumabas ng kusina. Mapait akong napangiti na napasunod na lamang ng tingin sa likuran nitong nagtungo na ng kanyang silid.
"Pero kasi. . . gusto kitang nakakasama eh," piping usal ko na napayuko at tumulo ang luha.
Maghapon kasi si Cloud sa hospital. Minsan ay nag-o-overtime pa kaya late na kung makauwi. Pagdating naman dito sa unit ay diretso tulog na siya. Kinabukasan pagkagising ay gagayak ulit papasok ng trabaho. Wala nga kaming oras na magkwentuhan eh. Dahil magkaiba kami ng silid kaya kahit kasama ko siya sa gabi ay parang hindi pa rin naman.
Ayoko namang ipagpilitan sa kanya na matutulog kami sa iisang silid. Tanging pag-asa ko na lang talaga ay magbunga ang naipunla niya sa akin noong nasa Boracay kami. Kahit alanganin dahil isang beses lang naman 'yon ay umaasa ako. Umaasang magbunga para manatili pa ako sa tabi ng asawa ko.
Alam ko namang siseryosohin niya na hiwalayan ako kapag hindi ako nabuntis. Kaya gabi-gabi ay pinagdarasal kong magbunga ang namagitan sa amin ng asawa ko.
"Kahit hawak na kita sa mga kamay ko ay napakalayo mo pa rin," mahinang sambit ko na napahaplos sa wedding ring namin.
Napabuntong-hininga ako ng malalim. Nagpahid ng luha at mapait na napangiti sa sarili.
Bagsak ang balikat at nanamlay ako bigla. Gusto ko lang naman na makasama siya ng mas madalas. Kapag magkasama na kasi kami sa trabaho at dito sa unit ay mas mapapalapit ako sa kanya. Pero mukhang wala talaga siyang planong makipaglapit sa akin at tanging mahalaga lang sa kanya ay ang bata.
Napahaplos ako sa puson ko. Nangilid na naman ang luha at napapikit.
"Sana nga may nabuo tayo, Cloud. Iyon na lang ang pag-asa ko para mapasa akin ka na ng tuluyan," piping usal ko na ikinatulo ng luha ko.
MATAPOS kong malinisan ang kusina ay kinuha ko na muna ang mga labahin ko sa silid at dinala sa laundry room. Mamaya ko na lang kunin ang mga maruruming damit ni Cloud pagkalabas nito.
Matapos kong mailagay sa washing machine ang mga damit ko at nagsimulang mag-washing ay lumabas na ako ng laundry room at sinimulan ko ng maglinis ng sala. Sa gawaing bahay lang kasi ako bumabawi para maipakita kay Cloud na gusto ko dito sa tabi niya. Kahit hindi ako sanay ay kaya kong tiisin ang lahat at willing matuto para sa kanya. Nagmo-mop ako ng sahig nang bumukas ang pinto ng silid nito.
Kapwa pa kami natigilan na magkatitigan. Balik na naman ito sa pagiging malamig na naka-pokerface. Pilit akong ngumiti sa kanya na nagpatuloy na lamang sa pagma-mop ng sahig. Dama ko pa rin namang nakatitig ito sa akin. Hindi ko tuloy magawa ng maayos ang ginagawa ko dahil para akong malulusaw sa uri ng ginagawad niyang tingin.
"Aalis na ako."
Napaangat ako ng mukha na ikinatama ng mga mata namin. Ngayon ay may tipid na siyang ngiti sa mga labi na ikinahinga ko ng maluwag. Nakakailang kasi sa tuwing naka-pokerface ito na malamig ang tinging ginagawad. Hindi ko malaman kung paano siya kausapin at lapitan kahit na. . . asawa ko siya.
Naka-dark blue long sleeve polo ito na kasalukuyang tinutupi ang manggas no'n hanggang kanyang siko. Black pants at naka-tuck-in ang polo. Bakat na bakat tuloy ang kanyang kakisigan. Ang malapad niyang dibdib na tila nagpapa anyaya ng mainit na yakap!
Napalunok ako na nag-iwas ng tingin sa kanyang dibdib. Nag-init ang mukha na nakikita ko sa gilid ng mga mata kong matiim pa rin itong nakatitig. Na may pilyong ngisi sa mga labi. Hindi ko na naman tuloy masuway ang puso ko na kiligin sa doctor na 'to!
Nakakainis. Mahigpit akong nakakapit sa dulo ng mop na hawak ko na nagsimulang mag-init ang mukha ko. Damang-dama ko ang matiim niyang mga mata na nakatutok sa akin. Hindi ko tuloy masuway ang puso kong nagtatatalon na sa loob ng ribcage nito!
Kahit ano naman kasi ang suotin ng lalakeng ito ay napakagwapo at bango niya tignan! Na kahit sinong babae ay mapapalingon sa kanya kapag nakasalubong. Kaya hindi ko masisisi ang ibang babae na sa kabila ng kasungitang taglay ng asawa ko ay nagagawa pa rin nilang magkagusto sa kanya. . katulad ko.
Lalo na sa tuwing suot niya ang white coat nito bilang doctor na nagsusuri siya ng kanyang mga pasyente. Para siyang leading man sa mga kdrama na doctor ang bida. Ang lakas ng appeal!
Naglakad ito palapit na ikinabilis ng t***k ng puso kong mahigpit kong ikinakapit sa dulo ng mop na hawak ko. Parang may mga dagang nagkakarerahan tuloy sa dibdib ko na masamyo ang manly perfume nitong kay sarap amuyin!
Napapalunok akong natuod sa kinatatayuan na huminto ito sa mismong harapan ko.
"I'm going. See you tonight, my wife."
Natuod ako sa kinatatayuan na pumisil ito sa baba ko at itingala sa kanya. Tipid itong ngumiti na ikinaningkit ng kanyang mga mata lalo.
Hindi ko naman malaman ang gagawin. Maging ang puso ko ay tila natigil sa pagtibok nang dahan-dahan itong yumuko at napababa ng tingin sa aking mga labi!
Napalunok ako na halos hindi humihinga nang mas ilapit pa nito ang mukha at nagkakasagian na ang dulo ng aming mga ilong! Nangangatog ang mga tuhod ko sa mga sandaling ito.
Mariin akong napapikit na tuluyang dumapo sa mga labi ko ang mainit, malambot at mabango niyang mga labi!
Hinalikan niya ako sa lips!?
Natawa naman ito na ginulo ang buhok ko. Dama kong sobrang init ng mukha ko sa pag-smack kiss nito na diniinan bahagya ang pagkakalapat ng mga labi namin. Napalapat ako ng labi na sinalubong ang mga mata nito.
"Dito ka lang. Hintayin mo ako sa pag-uwi ko. Ihanda mo ang mga kailangan at pagkain ko. Iyon lang sapat na para maipon mo muli ang nasira mong tiwala ko sa'yo, wife," saad nito.
Natatameme naman akong marahang napatango na lamang. Napangiti itong napisil ako sa pisngi na mabilis na nag-smack-kiss muli sa mga labi kong ikinamilog ng mga mata ko.
"Masyado bang gwapo ang asawa mo para matulala ka ng ganyan, hmm?" nanunudyong anas nito.
Nag-init ang mukha ko na napayuko. Mahina naman itong natawa na sinapo ako sa magkabilaang pisngi patingala sa kanya. Napatitig ako sa mga mata nito na lalong ikinabilis ng pagtibok ng puso ko. Para akong maiihi sa mga sandaling ito.
Mahigpit akong napakapit sa dulo ng mop na hawak ko nang dahan-dahan itong yumuko habang sa aking mga labi nakamata. Halos hindi ako humihinga hanggang sa tuluyan niyang sinakop ang mga labi ko.
Napapikit akong napangiti na sinabayan ang marahang paghagod ng mga labi nito sa akin. Para akong hinahaplos sa puso ko sa mga sandaling ito. Ang sarap namnamin bawat hagod ng kanyang mga labi.
Walang halong pagmamadali at panggigigil. Napakabanayad na salitan niyang sinisipsip ang aking mga labi. Mahina pa itong napapaungol sa tuwing nagkakasabayan kami.
"Uhmm. . . honey," ungol nito na mas pinalalim ang halikan namin.
Para akong manghihina sa mga sandaling ito habang ninanamnam ang masarap na halik ng asawa ko. Mula pagbalik ko kasi dito ay ngayon niya lang ako hinalikan ng gan'to. Ni hindi nga niya ako halos kibuin eh. Sana lang gan'to siya palagi sa akin.
Dahan-dahan akong nagdilat ng mga mata at kapwa kami naghahabol hininga sa matagal at malalim naming halikan. Hindi na tuloy ako makatingin sa kanyang mga mata. Nag-iinit ang mukha ko.
"Alis na ako, wife. Pagbutihin mo ang paglilinis, ha?" anito na ikinaangat ng mukha kong napatingala dito.
"Huh?" wala sa sariling sambit ko.
Tatawa-tawa naman itong napitik pa ako sa noo bago lumabas ng tuluyan ng unit namin.
Impit akong napairit pagkalabas nito ng pinto habang haplos ang ibabang labi ko. Pakiramdam ko ay nakalapat pa rin doon ang mga labi niya na marahang sinisipsip ang aking mga labi. Napapikit ako na may ngiti sa mga labi.
"Hinalikan niya ako. Nagawa niyang halikan ako."
CLOUD:
NAIILING akong nagmamaneho patungong Montereal's Hospital habang paulit-ulit na nagri-replay sa isipan ko ang malalim naming halikan kanina ng asawa ko. Hindi ko rin alam kung anong nakain ko at bumigay ang katinuan ko dito. Basta na lamang kumilos ang sarili ko at pinutol ang pagpipigil ko na mahalikan ito.
Damn. Kung wala lang akong inaalalang trabaho ay baka more than a kiss pa ang naibigay ko kay Charrie. Mabuti na lang at kita ko namang nagustuhan niyang hinalikan ko siya.
Napahaplos naman ako sa ibabang labi ko. Parang nakalapat pa rin kasi ang mainit, mabango at malambot na labi ng asawa ko sa mga labi ko. Kung paano niya gantihan ang bawat hagod ng mga labi ko.
Para akong hinahaplos sa puso na paulit-ulit niri-replay sa utak ko ang eksenang iyon. Bakit nga ba ako nagpipigil sa kanya? Pwede ko naman siyang angkinin at legal wife ko na siya.
Napabuga ako ng hangin na pilit winawaglit sa isipan ko ang namagitang halikan sa amin ni Charrie.
"Umayos ka nga, Cloud." Kastigo ko sa sarili na hindi ko mapigilang mapangiti.
Kakamot-kamot ako sa batok na bumaba ng kotse matapos magparada dito sa parking lot ng hospital. Tuwid na tuwid akong naglakad papasok. As usual, napapayuko at panay ang pagbati sa akin ng mga nadaraanan kong staff.
Kilala ako ng lahat na hindi palakibong tao. Mas gusto ko kasing mag-isa ako. Kaysa ang nakikipag kaibigan o halubilo. Siguro dahil mula pagkabata ay gan'to na ako. Na mailap ako sa lahat. Kaya nga hindi ko rin maintindihan kung paano ko nabihag ang puso ng asawa ko.
Kahit naman kasi sa kanya dati pa ay hindi ako palaimik sa kanya. Kahit lumalapit na siya sa akin, kinikibuan at kitang nagpapakita na ito ng motibo na may gusto siya sa akin ay hindi ko pinapansin.
Kung itsura lang naman ang pagbabasehan ay marami din namang naggugwapuhan at kisigang naghahabol kay Charrie. Kapwa nito galing sa kilalang angkan. Ang iba ay artista at modelo pa ng bansa. Pero heto at sa isang doctor siya nagkagusto kahit masungit at malamig sa kanya.
Napahinga ako ng malalim para kalmahin ang puso ko na sumagi na naman sa isipan ko ang mainit naming halikan kanina. Kung pwede lang ay ayoko ng putulin ang halikang pinagsasaluhan namin pero hindi pwede. Bukod sa may trabaho ako ay baka tuluyan akong bumigay at maangkin ito. Napakatamis pa naman ng mga labi ng asawa ko. Para siyang drugs sa sistema ko na magmula noong nalasahan ko ay. . . hinahanap-hanap na ito ng katawan ko.