CHARRIE:
LUMIPAS ang mga araw na naging mas magaan ang pagsasama namin ni Cloud. Hindi na kasi ito masyadong nagsusungit sa akin. Hinahayaan niya akong asikasuhin siya kahit ang ihanda ang mga gamit niya sa pagpasok kaya naman malaya akong nakakalabas pasok sa kanyang silid.
Kumakain na rin siya ng agahan sa unit kasabay ako. At kapag maaga itong nakakauwi galing trabaho sa gabi ay dito siya sa unit naghahapunan para may kasabay ako.
Nagpatuloy lang ako sa daily routine ko. Ang maglinis sa unit kapag nakalabas na si Cloud papuntang trabaho. Sa tanghali naman ay nasa kabila ako. Kasama si Tatay Moon. Nakakakwentuhan at siya na rin ang kasabayan kong mananghalian.
Mabuti na lamang at napakabait ng father in-law ko. Ang gaan niyang pakisamahan na ramdam mong totoo ito. Na hindi pakitang tao ang masaya at kabaitang taglay nito.
ISANG umaga. Lumabas ako ng unit namin dahil papaubos na ang grocery stocks namin ni Cloud. Mukhang busy ito sa hospital at hindi napapansin na dalawang linggo na ang nakalipas sa huling pag-grocery nito.
May sarili naman akong pera. Iba pa ang black card na nakapangalan sa akin na nagmula kina Mommy Liezel at ilang bilyon din ang laman non. Pero dahil wala naman akong ibang pinagkaka gastusan ay wala pa iyong kabawas-bawas.
Pagdating ko sa kalapit na mall ay kaagad namang sumunod sa akin ang mga nakabantay sa aking bodyguard ko. Kilala kaming magkakapatid ng publiko bilang mga heredero at heredera ng pamilyang pinakamayaman sa buong bansa.
Ang mga Montereal. Kaya para sa seguridad namin ay palaging merong nakabantay sa aming mga bodyguard namin na nakamasid sa paligid. Sinisigurado ang kaligtasan namin.
Napapanguso ako habang marahang tinutulak ang cart ko. Napapatingin sa mga stocks na nadaraanan kung kailangan ko ba ang mga iyon ay saka lang ako dadampot.
Pero hindi pa man nakakalahati ang laman ng cart ko nang maramdaman ko ang tila mga pares ng matang matiim na nakatutok sa akin.
Nangilabot akong nagtayuan ang mga balahibo sa katawan. Napapalunok na binundol ng kakaibang kaba sa dibdib! Pasimple akong napalinga-linga. Pero mga kapwa ko naggo-grocery lang naman ang mga taong malapit sa akin maliban sa mga bodyguard ko sa likuran ko.
Nangunotnoo ako na naipilig ang ulo. Imposibleng namali lang ako. Dahil hanggang ngayon ay damang-dama ko ang matiim na pagtitig sa akin ng kung sino! Pero kahit anong linga ko ay hindi ko naman ito makita o mahanap!
Napakibit-balikat na lamang akong ipinagsa-walang bahala ang kutob ko. Baka may mga fans lang ako sa tabi na nakilala ako at nakamata sa akin. Hindi naman iyon malayong mangyari dahil kilala din ako bilang international model sa France.
Sa bansa kung saan kami lumaki nila Ate Catrione, Cathleen at Kuya Collins.
Napapayuko ako na nakatutok sa listahan ko. Sinusuri kung may nakalimutan pa ako nang may nakabangga ang push cart kong ikinaangat ko ng mukha!
"Oh, I'm sorry, Sir. Did I hurt you?" nag-aalalang tanong ko na akmang lalapitan ang nabangga kong lalake sa kanyang hita!
Pero kaagad akong hinarang ni Manong Clent. Ang head ng bodyguard ko. Umiling ito nang mapatingala ako dito na nagtatanong ang mga mata.
Napahinga ako ng malalim bago bumaling sa binatang nabangga ko.
"I'm sorry, nasaktan ba kita?" muling paumanhin ko.
Nagkatitigan kami at bumilis ang kabog ng dibdib ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan! Natuod ako sa kinatatayuan at walang kakurap-kurap na nakamata dito. Nakangiti ito na matiim ding nakatitig sa amin. Na parang kami lang ang nage-exist na tao sa paligid namin!
"It's okay, Mis. Um, Vandrix Aldus Madrigal."
Magiliw na saad nitong naglahad ng kamay. Napapalunok akong inabot iyon na tinanguhan si Manong Clent.
Para akong nakuryente na maglapat ang balat namin dito. Lalo na ng marahan nitong napisil ang kamay ko! Para akong napapaso na nagbawi ng kamay at pilit ngumiti dito.
"Zacharrie Del Mundo, nice meeting you." Pormal kong pagpapakilala.
"Hindi ba't Montereal ka?" kunot ang noong tanong nito.
Kimi akong ngumiti na initaas ang kaliwang kamay ko. Pinakita dito ang suot kong wedding ring. Napasulyap naman ito doon na tila nakuha ang ibig ko.
"Ah, so you're married now," tumatango-tangong saad nito.
"Yes. Happily married. I'm sorry again, Vandrix. Hindi ko sinasadyang mabunggo ka ng cart ko," muling paumanhin ko.
Napangiti naman itong napailing.
"It's okay, Zacharrie. Hindi naman ako nasaktan," anito na ikinangiti kong napapatango.
Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko habang kausap ko ito. Ang weird lang na napakagaan ng loob ko sa kanya. Na tila may connection sa pagitan naming dalawa. Maging ito ay napakagaan niyang makipag-usap na tila kay tagal na naming magkakilala.
"Need help?" alok pa nito.
Ngumiti ako na tumango dito na siyang nagtulak na sa pushcart ko. Napakagaan nitong kausap na tila matagal na kaming magkakilala. Hanggang sa parking lot ay sinamahan at todo alalay pa ito sa akin.
"So, paano? Mauna na kami sa'yo," nakangiting saad ko na mailagay lahat ng pinamili ko sa kotse.
Kimi itong ngumiti na naglahad pa ng kamay na kaagad ko namang tinanggap.
"Nice meeting you again, Zacharrie. I hope this is not our last," magiliw nitong saad na ikinangiti at tango ko.
"Nice meeting you too, Vandrix. Masaya akong makilala ka," nakangiting saad ko.
Inalalayan pa ako nitong makasakay ng kotse at marahang isinarado ang pinto. May ngiti sa mga labing kumaway ito sa akin bago tuluyan naming nilisan ang parking lot.
NATUTULALA ako habang pauwi na ng unit. Iniisip pa rin si Vandrix at hindi ko maintindihan ang puso ko dahil sa tuwing naiisip ito ay para akong hinahaplos sa puso! Gustong-gusto na ulit itong makitang muli. Na parang nasasabik ng muli siyang makita kahit napaka-imposible na dahil wala naman kaming contact sa isa't-isa.
Hindi ko na kasi nakuha ang number nito kanina dahil may tumawag na sa kanya.
Napanguso ako na napatitig sa kamay ko at kusang napangiti na maalala ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Na tila nakuryente ako na maglapat ang balat namin. Napakagaan ng loob ko sa kanya na parang may koneksyon kaming dalawa sa isa't-isa. Imposible namang nakilala ko na siya before dahil ngayon ko pa lang siya nakita.
Napahinga ako ng malalim na napatanaw sa labas ng bintana nitong kotse. Napasapo ako sa noo ko. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at pagod!
Bagsak ang balikat na pumasok ako ng unit. Nasa likuran ko naman si Manong Clent na dala ang mga pinamili ko. Pero natigilan ako na mabungaran si Cloudy dito na nakaupo sa couch. Kunot ang noo at naka-dekwatro ng binti na tila hinihintay ang pagdating ko.
Napasulyap naman ako sa wristwatch ko at nasa alastres pa lang naman ng hapon! Masyado pang maaga para sa uwian nito.
"Cloud," sambit ko.
Lumapit ako dito na naupo sa kanyang tabi. Si Manong Clent naman ay napatango lang dito bago dinala sa kusina ang mga pinamili namin.
"Why didn't you answering my calls?" may kadiinang tanong nito.
Pero mahina lang na napasulyap pa sa gawi ng kusina dahil kasalukuyang iniaayos ni Manong ang mga pinamili ko.
"Tumatawag ka?" manghang tanong ko na nadukot ang cellphone ko sa hand bag ko.
Napaawang ako ng labi na makitang may ten missed calls nga ako mula sa unregistered number.
"Tsk. You make me worried, Charrie. Akala ko kung napano ka na dito. Napauwi tuloy ako ng maaga," panenermon nito na may kadiinan.
Napalapat ako ng labi. Siya namang lumabas na si Manong Clent ng unit. Napahinga ito ng malalim na nahilot ang sentido.
"Are you okay? You look pale?" nag-aalalang tanong nito na napapisil sa baba ko at iniangat ang mukha ko.
Pilit akong ngumiti kahit nakakadama ako ng pagkahilo. Bahagyang naningkit ang mga mata ko na lumalabo ito sa paningin ko at tila umiikot ang piligid ko!
"Charrie? What's wrong, honey? Do you hear me?"
Dinig kong magkakasunod na tanong nito. Pero sadyang hilong-hilo ang pakiramdam kong ikinabigay ng katawan ko!
"Fvck!"
Napamura ito na kinarga ako at dinala ng silid. Maingat na inilapag sa kama at hinubad ang sapatos at bag ko.
Ilang minuto lang ay unti-unting nagising ang diwa ko sa pinasamyo nito sa aking ointment. Naniningkit ang mga mata na napadilat ako. Unang bumungad sa akin ang malabong pigura nito na bakas pa rin ang pag-aalala!
"Uhmm," mahina akong napaungol.
Inalalayan naman ako nitong makaupo at maingat na isinandal sa headboard ng kama. Saka ko lang napansin na sa silid niya pala ako dinala kanina.
"How do you feel? Nahihilo ka pa rin ba? Nanghihina ka ba? May masakit? Tell me, Charrie?" malambing tanong nito na bakas ang pag-aalala sa tono.
Napangiti akong marahang umiling. Natigilan naman itong napalunok.
"I'm okay. Dala marahil ng pagod. Konting pahinga lang okay na ako," nakangiting saad ko.
"No. Magmula ngayon ay hindi ka na magpapagod, Charrie. Alagaan mong maigi ang sarili mo," anito na napaka-bossy ng tono.
"Ha?" napakunotnoo akong naguguluhan na napatitig dito.
Napahinga ito ng malalim na hinawakan ako sa kamay. Mariing napahalik sa palad kong ikinanigas ko sa kinauupuan na napapalunok!
Bumilis ang t***k ng puso ko habang nakamata ditong nakapikit at nakahalik pa rin sa palad ko!
"C-Cloud," mahinang sambit ko.
Nagdilat ito ng mga mata. Inabot ng isang kamay ang pisngi ko at marahang hinaplos iyon. Nagtataka naman ako sa ginagawa nito. Ngayon ko lang kasi makitaan ito ng emosyon sa mga mata. Na bakas doon ang kakaibang takot at saya. Kumikinang ang mga iyon na namumuo ang luha habang matiim na nakatitig sa akin.
"Thank you, Charrie. No worries, aalagaan kita, kayo ni. . . ni baby," anito.
Naipilig ko ang ulo na nahigit ang paghinga! Paulit-ulit na nagri-replay sa utak ko kung tama ba ang narinig ko mula dito.
"Baby?" patanong ko ditong ikinatango-tango nitong tumulo ang luha na nakangiti.
"Yeah. Our baby. Hindi mo pa yata alam. Nagdadalangtao ka, Charrie. M-magkaka-anak na tayo. Hwag mong pabayaan ang anak ko, ha?" madamdaming saad nitong ikinatigil kong tumulo ang luha at napahaplos sa impis ko pang tyan!
"B-buntis ako?" mahinang sambit ko.
"Yeah. You're pregnant, honey." Pagsang-ayon nito na nakangiti sa akin at nangingilid ang luha.
"Oh my God! Is this for real?" bulalas ko na napahaplos sa tyan ko.
Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko dala ng labis-labis na sayang magkakaanak na rin kami sa wakas ng asawa ko!
"C-Cloud," sambit ko.
Ngumiti itong pinahid ang luha ko at mariin akong hinagkan sa noo. Pinakatitigan sa aking mga mata na mababakasan mo ng halo-halong emosyon ang mga mata nito.
"Hindi ko kayo pababayaan, honey. No worries, hmm?" malambing saad pa nito na ikinatango-tango ko dito.
"C-Cloud," tanging sambit ko.
NAPAHAGULHOL ako dala ng saya na nagbunga ang gabing may namagitan sa amin nito! Na may rason na siya para panatilihin ako sa kanyang tabi. At hindi na hihiwalayan!
Dahil sa pagdadalangtao ko ay hindi na siya mawawala sa akin. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Gumaan ang loob ko sa kaisipang magkakaanak na kami rito. Magiging isang pamilya na kami. . . kasama ang baby namin!
Napapikit ako habang yakap-yakap ko ang asawa kong panay ang halik sa ulo ko. Para akong nananaginip ng gising sa mga sandaling ito. Na sinagot din ng Maykapal sa wakas ang pinagdarasal ko. Ang magkaanak kami ni Cloud para hindi ito mawala sa akin.
Hindi ko maitago ang sayang nadarama ko sa mga sandaling ito. Kaya naman pala napapadalas ay para akong nanlalanta. Na konting galaw ko lang ay pagod na ako at gusto na lamang matulog. Nagdadalangtao na pala ako na hindi ko namamalayan.
Mabuti na lang talaga at nakabuo pa kami ni Cloud. Minsan lang naman kasi may namagitan sa amin. Maya nag-aalala din ako na baka hindi kami makabuo. Pero heto. Dininig ako ng Diyos. Dininig ng Diyos ang gabi-gabing laman ng panalangin kong magkaanak kami ni Cloud.
"I promise, Cloud. Iningatan ko siya. Iingatan ko ang baby natin." Puno ng damdamin kong saad na nakatitig sa nagniningning niyang mga mata.
"Thank you, honey. Tutulungan kita. Tutulungan kitang pangalagaan kayo ni baby." Sagot nito na mariing hinagkan ako sa noo.
Tumulo ang luha ko na yumuko ito at hinagkan din. . . ang impis kong tyan. Ang baby namin.